Tulog pa si Ashton at maaga naman akong nagising para maglinis. Naabutan ko naman ang mommy ni Ashton na abala sa pagluluto.
"Saan ka nanggaling kagabi?" walang emosyong tanong niya.
Aulwtomatiko akong napatinginsa kaniya.
"Sa bahay ng bestfriend ko.. Alam naman po ni Ashton na pumunta ako doon" pagpapaliwanag ko.
"I don't care kung alam ni Ashton na nandoon ka. Oh wait.. Baka akala mo nag aalala ako sa'yo?" nakapamewang na sabi niya "Si Ashton ang inaalala ko hindi ikaw. Alas nuwebe na ng gabi hindi ka pa dumadating? Hindi kumain si Ash para hintayin ka"
Agad naman akong naguilty sa sinabi ng mommy niya.
Ang paalam ko kay Ashton ay seven pm uuwi na ako. Nakasanayan na din kasi naman na sabay kaming kumakain kaya siguro hinintay niya ako dahil akala niya dadating ako.
"Sorry po.." nakayukong tugon ko.
Parang napahiya ako sa sariling katangahan.
"Goodmorning mom" masayang bati ni Ash sa mommy niya.
Bihis na si Ashton at mukhang may pupuntahan siya.
"Good morning, Ash" ako ang naunang sumagot.
Nginitian ko siya at hinintay ang isasagot ngunit tipid lang siyang tumingin sa akin at agad lumapit sa mommy niya.
"Pupunta muna ako sa museum, mom" pagpapaalam niya saka humalik sa mommy niya.
"Bye.." tipid naman na sabi niya sa akin at mabilis na nag iwas ng tingin.
Napansin ko namang patagong tumawa si Tita Silvia.
Pakiramdam ko kulang ang araw ko.
Umakyat na ako sa kwarto at doon na lang nagkulong.
Nakatulog na naman ako dahil sa sama ng loob.
Hapon nang magising ko sa ingay sa baba.
Gaya kahapon, naririnig kong nagtatawanan ang magulang ni Ashton kasama si Elodia.
"Bakit hindi ka na lang kasi bumili ng bahay dito sa subdivision nila Ash para naman malapit lang"
"Saka na po siguro tita"
Ibig sabihin may balak siya? Bulong ko sa isip.
"May boyfriend ka na ba hija?"
"Wala po.. Wala pa sa isip ko iyon Auntie.."
"Kakagaling niya lang sa heart break mom, hindi pa siya handa panigurado hahaha" boses ni Ashton.
Halata sa boses niya na kumakain siya.
Hindi man lang niya ako ginising para kumain?
"Baka naman ikaw ang hindi handa, anak? Hahaha hindi ka pa ata handang makita siyang nakatali na sa iba?" natatawang sabi ng mom ni Ashton.
"Mom I still have girlfriend" natatawang sagot ni Ashton.
Ibig ba niyang sabihin na kung wala na kami, papatulan na niya si Elodia? Tanong ko sa sarili.
Gusto na tumulo ng luha ko dahil sa narinig. Parang hinihintay na lang ni Ashton na maghiwalay kami.
Naging malamig ang pakikitungo namin ni Ashton sa isa't isa sa loob ng isang linggo. Pero dumating na ang araw na hindi na niya ako matiis.
"I'm sorry.." bulong niya habang nakayakap sa likod ko.
"Sorry din.." tugon ko.
Gusto kong magkaayos na kami ni Ashton pero natatakot ako sa sinabi niya noong narinig ko sila nila Elodia na nag uusap habang kumakain.
YOU ARE READING
Asier
General FictionTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...