CHAPTER 20

5 1 8
                                    

Kinaumagahan nang magising ako isang sigawan ang narinig ko sa baba.

"Umalis kana! Wag mo na guluhin si Ate"

"Gusto ko lang siya makausap"

"Wag ka na magpapakita sa kaniya. Lalo mo lang siyang sinasaktan"

"Gusto namin siyang makausap"

"Para ano? Para ipamukha sa kaniya na nagsasama na kayo? Pwede ba umalis na kayo"

Sunod sunod na sigaw na narinig ko mula sa baba kaya dali dali akong bumaba kahit nakasuot lang ako ng roba.

Laking gulat ko sa taong nasa bahay nang makababa ako.

"Adira.." pagtawag sa akin ni Ashton na parang kawawa ang itsura.

Napansin ko namang yumuko at umiwas ng tingin si Elodia. Kasabay ng sabay sabay na tingin ni Marquis, Avery at Mae sa akin.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila na tila pinapakiramdaman ang namamagitan sa kanila.

"A-ah.. Girl.. Kuha muna natin sila ng maiinom" pambabasag ni Avery sa katahimikan bago ako hilain papuntang kusina.

"Paano nila nalaman na nandito ako?" walang emosyong tanong ko.

"Hindi ko din alam.. Nagulat na lang kami kumatok sila kanina.." bulong niya.

Ramdam ko ang pag aalala sa boses ni Avery. Dahil sa pagsagot at pagkilos niya, nararamdaman kong pati siya ay apektado.

"Anong balak mo?" biglang tanong niya.

"Hindi ko alam.. Ayoko naman ipakita sa kanila na sobra akong naapektuhan.. Kung pwedeng maging prangka ako sa kanila, gagawin ko" sagot ko.

Buntong hingang nalungkot lang siya saka binuhat ang tray na may juice at sandwich.

"Baka may lason 'yan ha?" natatawang biro ni Elodia.

"Tss" sambit ko. Naiinis ako dahil feeling niya welcome pa siya sa buhay namin.

"Maiwan muna namin kayo.." pagpapaalam ni Marquis saka hinila si Avery at Mae palabas.

Kaya ko 'to. Hindi pwedeng ipakita ko sa kanilang dalawa na malungkot pa din ako. Dapat ipakita kong tanggap ko na talaga. Bulong ko sa isip.

"Kamusta ka na? Bakit parang pumapayat ka? Kumain ka ba sa tamang oras?" nag aalalang tanong ni Ashton.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Adi.. I'm sorry.." mahinang sabi ni Elodia na ngayon ay nakayuko na.

"Pumunta kami dito.. Para.."

"Para ipaalam na mag lilive in na kayo?" pagpuputol ko sa sasabihin ni Ashton dahilan para magulat silang pareho.

"Paano mo nalaman?" gulat na tanong niya.

Ngumiti ako "Tumawag mommy mo at sinabi sa akin" sagot ko.

Agad naman nanlaki ang mata ni Ashton "What else did she told you about?" parang kinakabahang tanong niya.

"Yun lang.." sagot ko.

Mabilis naman siyang magpakawala ng malalim na hininga.

"Ah.. Pwede bang makiligo muna ako Adira?" pagsingit ni Elodia.

Natawa naman ako ng bahagya dahil sa pag iiba niya ng usapan.

"Doon diretsyo ka lang tapos kanan bago magkusina" turo ko.

AsierWhere stories live. Discover now