CHAPTER 17

11 1 2
                                    

ASHTON'S POV

Apat na linggo na ang lumipas nang mangyari ang isa sa pinaka masakit na pangyayari sa buhay ko.

Iniwan ako ng taong papakasalan ko noong isang araw na lang bago ang kasal namin.

Aminado akong kasalanan ko ang lahat.

"Ashton that's enough!! Gabi gabi ka na lang umiinom" sigaw ni mommy.

Sa loob ng apat na linggo wala akong ibang ginawa kundi uminom lang nang uminom dahil pakiramdam ko nakakalimutan ko ang sakit kapag umiinom ako.

"Pwede ba mom! Wag niyo akong pakialaman. The last time na pinakialaman niyo ang buhay ko, nagkagulo lang" inis na sigaw ko.

Mabilis akong lumabas at nagmaneho.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hanggang ngayon umaasa akong makikita ko si Adira.

Halos araw araw pumupunta ako sa bahay nila pero wala akong naaabutan doon. Si Marquis naman ay palagi ko lang naaabutang paalis kaya hindi kami nagkakausap.

Nagulat na lang ako dahil kusa akong dinala ng pagmamaneho ko sa harap ng bahay nila at maswerteng nakita kong kakarating lang ni Marquis.

Mabilis akong bumaba at agad na lumapit sa kaniya.

"Bro.. Bro" pagtawag ko sa kaniya habang hawak ang braso niya.

Mabilis naman niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at masamang tinitigan ako.

"Anong ginagawa mo dito" inis na sabi niya.

"Bro.. Please.. Gusto kong makausap si Adira.." pag mamakaawa ko.

"Umalis ka na habang may respeto pa ako sa'yo, kuya" may diin na sabi niya sa huling salita.

"Kung ayaw mong kausapin ko si Adi kahit ikaw na lang.. Gusto kong ipaliwanag sa'yo yung nangyari.." naluluhang sabi ko.

Pakiramdam ko malapit nang tumulo ang luha ko.

Tinitigan niya lang ako na tila nag iisip.

"Pumasok ka" utos niya saka pumasok sa garden nila at umupo.

Sumunod naman agad ako at umupo din.

Nakatingin lang siya sakin na tila ba hinihintay ang sasabihin ko pero pakiramdam ko walang kakayahan ang bibig ko na magsalita ngayon.

"May sasabihin ka ba? Kasi sinasayang mo lang ang oras ko" walang emosyong sabi niya bago tumingin sa relo niya.

Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga saka nag simulang magsalita.

"Lasing kaming pareho ni Elodia nung nahuli kami ng ate mo.. Si mommy ang nag set up ng lahat.." pagsisimula ko.

Sumandal naman siya sa upuan at nakadekwatro na tila ba handang handang makinig sa paliwanag ko.

"Hindi ko gusto lahat ng nangyari, Marquis.. Sana mapatawad mo ako" pagmamakaawa ko.

"Paanong nahuli kayo ni Ate?" deretsyong tanong niya na tila ba nag iimbestiga.

"Hindi ko alam.. Bigla na lang siyang dumating.. Pero maniwala ka.. Lasing ako nung araw na 'yon" pagpupumilit ko.

"Ano pang paliwanag sasabihin mo para mapatawad kita sa ginawa mo sa ate ko?" tanong niya habang kunot ang noo.

Napaisip naman ako dahil hindi ko alam kung papaniwalaan niya ba ang mga sasabihin ko.

"Wala ka ng masabi?" buntong hiningang tanong niya "Pwede ka ng umalis" utos niya.

AsierWhere stories live. Discover now