CHAPTER 16

12 1 6
                                    

Dalawang araw makalipas nang mapagpasyahan namin na bumyahe na papuntang Cagayan.

Kaming dalawa lang ni Avery ang bumyahe dahil madaming contract ang kailangan tapusin ni Marquis pero nagsabi naman siya na bibisita siya tuwing maluwag ang schedule niya.

"Hay ang ganda talaga dito sa town house niyo" masayang sambit ni Avery habang dahan dahang umupo sa sofa.

Hapon na at kasalukuyang kakarating lang namin at dito sa town house namin naisipan na magstay muna.

"Anong gusto niyong kainin? Magluluto ako.." magalang na tanong ni Mae. Pamangkin ni mommy sa pinsan niya na siyang nakatira na ngayon sa town house.

Walang asawa si Mae at higit dalawang taon ang tanda niya sa akin. Siya din ang tumulong tungkol sa ibang potahe sa restaurant kaya kilala niya din si Ashton.

"Wag na. May binili kaming pancit batil patung.. Kunin mo na lang sa kotse" sagot ko.

Akmang lalabas na siya sa bahay nang biglang bumalik.

"Hindi mo kavulun (kasama) si Ashton?"  kunot noong tanong niya.

Sasagot na sana ako nang biglang tumayo si Avery at hilain si Mae palabas.

"kayat nu (gusto niyo) beer? Bibili ako sa tindahan" tanong ni Mae nang makabalik sila.

Paniguradong sinabi na ni Avery ang nangyari kaya nag aaya mag inom si Mae.

"Madik.. (ayaw ko) Kayo na lang. Magpapahinga na lang muna ako" nakangiting sagot ko.

Bukod sa pagod ako, ayoko din mag inom dahil isa sa pinaka ayaw ni Ashton ang pag iinom ko.

"Girl.. Wag mong isipin na magagalit si Ashton.. Wala na kayo remember?" pamamrangka ni Avery.

Mabilis ko lang siyang inirapan saka ako tumayo.

"Tara.. Bili tayo sa tindahan" pag aaya ko.

Hindi ko na sila hinintay at agad akong lumabas para pumunta sa malapit na tindahan.

"Teka lang.. Alak na alak ka ba? Halos doblehin na namin hakbang namin mahabol ka lang" hingal na pagrereklamo ni Avery.

"Sana all hinahabol" seryosong tugon ko.

Takang tinignan lang nila ako ni Mae na tila hindi maintindihan ang sinabi ko.

"Affu.. (hala) Ikaw na ba yung anak nila Ross?" manghang tanong ng isang medyo katandaan na babae nang makarating kami sa tindahan.

Ngumiti lang ako at tumango.

"Buti nakabakasyon ka bitu (pala)" masayang sabi niya.

Yearly naman kami nagbabakasyon, sadyang hindi lang ako lumalabas ng bahay dahil sa sobrang init.

"Aunti maysa (isa/isang) case ng beer" biglang sabi ni Mae.

Agad namang kumuha ng isang case ang babae at tinulak papunta sa amin.

"Grabe dalagang dalaga kana.. Siguro may nobyo kana" bungisngis na sabi ulit ng babae.

"A-ah busy po ako sa personal na buhay ko kaya wala pa po sa isip ko 'yun" pagpapalusot ko saka mabilis na tumalikod para bumalik sa bahay.

Dineretsyo naman agad ni Avery ang beer sa pool area.

AsierWhere stories live. Discover now