Alas kwatro nang matapos naming isaayos ang mga succulents dahil doble ingat kami sa paglalagay nito sa box saka dumeretsyo sa venue.
Malapit lang naman ang venue kaya saglit lang ang binyahe namin.
"Buti na lang maaga kayo nagsabi.. Naglilipat kasi ako ng gamit ngayon sa bagong unit ko" nakangiting sabi ni Brenda nang magkita kita na kami sa venue.
"Asan ba yung mga souvenirs? Mukhang hindi ka excited ha?" natatawang tanong niya.
Inilabas ko naman sa box ang isang souvenir.
"Ito oh" pagtawag ko sa kaniya habang hawak ang souvenir.
"Hala kayaman man uy" mabilis na sagot niya "Where did you buy this? This is so maganda" ayun na naman ang maarte niyang pananalita.
"Pinasadya namin sa plants and shop" sagot ni Avery.
Si Ashton ang may ideya sa succulent pero naisipan kong mas pagandahin pa ito dahil grey and ivory ang theme ng kasal, at glass ang invitation namin, pwedeng gawing geometric glass din ang paglagyan ng succulents.
"Ang beautiful. I like you idea. You're so very talino about this" nakangiting sabi ni Brenda.
Nginitian ko na lang siya dahil sa sinabi niya.
"Ilagay niyo na lang lahat ng souvenirs diyan sa gilid" turo niya sa pinakasafe na pwesto sa function hall "And then bukas na bukas aayusin ko na itong venue para ready na lahat" dugtong niya.
Nagtawag naman si Avery ng mga tauhan ng venue at tumulong na ibaba lahat ng box.
Sa isang box anim lang ang kasya kaya sampung box lahat. Sinobrahan na namin dahil sabi ni Avery mas magandang sobra kesa kulang.
Nang matapos ibaba ang lahat ay nagpaalam na kami kay Brenda para umuwi na at magpahinga.
"Sige. I need to go na din kasi because inaayos ko yung bagong bili kong unit. Pero mauna na kayo kasi I need to talk to them" turo niya sa mga crew na kasalukuyang inaayos ang mga box.
Pinauna na niya kaming pinauwi dahil ihahanda na daw niya ang mga crew na kakailanganin niya.
Alas sais nang umalis kami pero dahil sa traffic dahil may ginagawa na naman daw na kalsada, alas nwebe na kami nakauwi. Sumabay pa kasi ang mga makulit na driver na sinasalubong ang mga sasakyan.
Kataka takang hindi bukas ang ilaw sa bahay kaya agad akong umakyat dahil baka nasa kwarto lang si Ashton pero wala siya.
Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone niya.
"Baka hindi pa tapos yung inaayos niya sa bahay ni Sasay?" tanong ni Avery.
Iba ang pakiramdam ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng sobrang kaba na tila ba may paru-paru sa tiyan ko.
YOU ARE READING
Asier
General FictionTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...