CHAPTER 8

3 1 0
                                    

Alas dose na pero hindi pa din dumadating si Ashton. Ang sabi niya ay ihahatid niya lang sila Tita Silvia pero hindi pa din siya dumadating kaya tinawagan ko na siya.

"Stop it" pag ungol niya sa kabilang linya.

Napatayo agad ako dahil sa narinig ko. Kasalukuyan kasing nandito kami ni Avery sa glassroom.

"Ano yun? Where are you?" inis na tanong ko.

Iba ang nasa isip ko dahil may iba pa akong pakiramdam.

"Nagpapa massage kami nila mommy.. Sorry" sagot niya.

"Anong oras kayo uuwi? Lalabas na sana kasi muna kami ni Avery.." pagpalaalam ko.

"Hindi ko pa alam eh.. Take care okay? Wag kayong magpapagabi ni Avery" bilin niya saka binaba ang tawag.

Buntong hiningang tumingin lang ako kay Avery.

"What?" taas kilay na tanong niya.

"Bigla siyang umungol sabi niya stop it.." tulalang sabi ko.

"Inexplain niya?"

"Yeah.. Nagpapamassage daw sila" walang emosyong sagot ko.

Hindi pa din ako naniniwala na nagpapamassage lang sila.

"Oh ayun naman pala.. Wag ka kasi mag isip ng kung ano ano" pag irap niya "Tara na.. Nakapag paalam ka naman na ata na aalis tayo? Mag mall na lang tayo para malibang ka" pag aaya niya.

Umalis na agad kami at bumyahe papuntang mall para bumili ng mga gamit sa bahay.

"Parang dati panay damit gusto mong bilhin ah.. Pero ngayon gamit na sa bahay gusto mong bilhin" natatawang sabi niya.

Hindi alam ni Avery na may bahay akong binili sa Laguna. Gusto ko kasing iregalo iyon kay Ashton sa kasal namin. Pero ito na siguro ang tamang oras para sabihin sakaniya iyon.

"Para sa bagong bahay 'to" masayang sabi ko.

Mabilis siyang pumunta sa harap ko at pinandilatan ako ng mata.

"Bagong bahay? Saan? Kelan mo binili? Bakit hindi ko alam? Para saan ang bagong bahay?" sunod sunod na tanong niya.

"Ireregalo ko kay Ashton sa kasal namin" masayang sagot ko.

Wala pang plano tungkol sa kasal namin ni Ashton pero may naiisip na akong date na pwedeng ganapin ang kasal.

"Omg!! Napag usapan niyo na ba yung kasal?" tanong niya na sinagot ko na lang ng pag iling "Pero okay na din 'yun para naman malayo kayo sa mommy niya" tangu tangong dugtong pa niya.

"Ma'am ito na lang po ang available design" biglang sabi ng sales lady na may hawak na papel na may litrato ng mga chandelier.

"A-ah.. Sayang wala yung color na gusto ko.. Babalik na lang kami if may napili na kaming color" sagot ko.

Natutuwa ako kahit paano dahil sa ginagawa ko pero hindi pa din mawala sa isip ko ang narinig ko sa telepono.

"Oh tulala ka na naman.. Wag mo na kasing isipin 'yun" biglang sabi ni Avery habang patuloy kaming naglalakad para maghanap ng iba pang gamit na idedeliver sa bagong bahay.

"Hindi ko lang maiwasang isipin eh.. Paano kung tama nga ang nasa isip ko?" tanong ko.

"Wag ka kasing mag isip ng kung ano ano.. Wala ka bang tiwala sa mapapangasawa mo?" tanong niya.

AsierWhere stories live. Discover now