Hapon na din nang makauwi kami kahapon dahil sa traffic. Agad kasi kaming umuwi ni Avery nang nakapasok na si Kerein.
Kasalukuyang kakabangon ko lang dahil sa ingay na naririnig ko galing sa kabilang kwarto.
"Tita mabait naman po siya ah? Bakit ayaw niyo pa din sa kaniya?" rinig ko sa hallway nang maramdamang sumarado ang pintuan.
Tama ba ang narinig ko? Pero sino naman yung sinasabi niyang ayaw ni tita Silvia? tanong ko sa isip.
Hindi sa pagiging asyumera pero pakiramdam ko ako ang tinutukoy nila. Pakiramdam ko tinatraydor na naman ako.
"Wag na nga lang natin siya pag usapan. Let's go shopping" biglang pag aaya ni tita Silvia.
Tumayo ako at pasimpleng sumilip sa pintuan nang makita kong inaalalayan pa ni Elodia si Tita Silvia.
Mukhang tinatraydor ako ng pinagkakatiwalaan ko.
Babalik na sana ako sa kama nang maramdamang may pumasok sa kwarto ko at sumarado ang pintuan.
"I told you! Peke talaga yung evil mother ng fiancè mo!"
Tama ako. Si Avery nga ang pumasok.
Buntong hingang hinarap ko siya at nagkibit balikat na lang.
"Bakit ba ayaw mo maniwala, sis? Promise feel ko talaga pakitang tao lang siya sa'yo" asik pa niya.
"Kung tinatraydor niya ako edi traydurin niya ako. Wala akong panahon sa mga katulad niya" kalmadong sagot ko.
Nasa punto na ako ng buhay ko na wala na akong pakialam sa mga ugali na ipinapakita sa akin ng tao.
"Isumbong mo siya kay Ashton! Dapat malaman ni Ashton yun" galit na sabi na naman ni Avery.
"Ayoko. Pag aawayan lang namin yun"
Inirapan niya na lang ako at mabilis siyang lumabas sa kwarto.
Bago ako lumabas ng warto naligo na muna ako.
"Hija pinapasabi pala ni Silvia na sumunod ka daw sa kanila ni Elodia. Nasa mall daw sila ngayon" bungad sakin ni Manang Susy nang bumaba ako sa kusina para kumain.
"Okay po" matipid na sagot ko.
Kumain na muna ako bago nag asikaso papuntang mall.
Nasa byahe na ako nang tawagan ko si tita Silvia para alamin kung saan kami magkikita.
"Hello.. Ma? Saan ko po kayo pupuntahan?"
"Pupuntahan? No need. Pauwi na kami.." sagot niya "Sinundo na kami ni Ashton kaya pauwi na kami ngayon.. Wag kana tumuloy" dugtong pa niya.
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang pinatay ang tawag.
Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman kaya agad na lang akong bumalik sa bahay at nagluto ng hapunan namin.
"Napaaga naman ata ang uwi mo?" biglang tanong ni Manang Susy habang naghihiwa siya ng mga rekado sa inaral kong recepi.
"A-ah pauwi na daw po kasi sila kaya hindi na po ako tumuloy.. Si Avery po pala gising na ba?"
Pag alis ko kasi kanina wala akong narinig na boses niya.
"Ay nakalimutan kong sabihin sa'yo kanina.. Umuwi muna siya.. Kukuha daw muna ng mga damit niya.." seryosong sagot niya "Kailangan niyo daw kasing mag imbestiga sabi niya.." nag iisip na sagot niya pa.
YOU ARE READING
Asier
Ficción GeneralTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...