CHAPTER 6

6 1 2
                                    

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong binuksan ang aircon dahil sobrang init.

"Infairness maganda ang bahay niyo" walang emosyong sabi ni tita Silvia "Ilang rooms lahat?" dugtong niya.

"Isang master's bedroom tska apat pong room.. Tapos dalawang office po tska sa taas po may movie room tska sa rooftop naman po full glass room na nagsisilbing club and entertainment room" masiglang sagot ko.

Tumango lang siya habang nakangiti at parang natutuwa.

"Where here" masiglang sabi ni Avery nang dumating sila dahilan para mapatingin kami sa kaniya.

"A-ah tita.. Ihahatid ko po muna kayo sa room niyo para makapagpahinga po muna kayo habang hinahanda po namin yung dinner" nakangiting sagot ko.

Agad namang binuhat ni tito Emilio ang bag na naglalaman siguro ng gamit nila at sumunod sa akin sa taas.

"Sino ang nakatira dito kapag nasa Cavite kayo?" tanong ni Tita Silivia na ikinatuwa ko.

Pakiramdam ko ito na ang oras na magiging okay kaming dalawa dahil interesado na siya sa buhay ko.

"Yung kapatid ko po.. Pero may sariling office na po kasi siya kaya minsan po yung mga maids ang nakatira dito" sagot ko.

Tatlong kasambahay ang naiiwan dito palagi sa mansion kapag wala kami. Malayong kamag anak namin sila kaya may tiwala na kami at halos thirty years na sila nag sisilbi sa pamilya namin.

"Ikaw ba ang nagdesign ng kwarto na ito?" tanong niya nang makapasok kami sa guest room na naging kwarto dati ni Kerein.

"o-opo.. Pasensya na po hindi maayos yung pagkakadesign.. Bago lang po kasi naming inayos ito.." nahihiyang sagot ko.

Gulat akong tinapik niya ang balikat ko.

"Maganda.. I really like your designs.. Bakit hindi ka nag interior designer?"

Nakakatuwa na unti unti ng nagiging magaan ang loob namin sa isa't isa ngunit nandoon pa din yung pagkailang ko.

"Ayaw na po akong pagtrabahuin pa ni Ashton, tita.." pagsasabi ko ng totoo.

"Ang bata talagang 'yon.. But it's okay, atleast he's not worried about you.." nakangiting sagot niya.

Nakakaramdam na ako ng pagkailang dahil parang biglaan ang pagiging interested ni tita Silvia sa buhay namin ni Ashton.

"A-ah t-tita.. Maghahanda na po muna ako ng dinner" nakangiting pamamaalam ko.

"Mommy na lang itawag mo sa akin.. Wala naman na akong magagawa eh.. Gusto ka na talaga ni Ashton" nakangiting tugon niya habang komportableng nakaupo sa kama.

Matipid naman akong yumuko at ngumiti bilang pagpapaalam.

Masaya akong tumakbo sa kusina dahil pakiramdam ko kasal na lang talaga ang kulang sa buhay ko.

"Para kang bulateng nilagyan ng asin" pagrereklamo ni Avery nang lapitan ko ito.

"Bawal maging masaya?" pagsusungit ko "Nasaan pala ang finacèe ko?" masayang tanong ko.

"Nandoon sa rooftop kasama si Marquis.. Doon na lang daw kakain para mas presko" sagot niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagpalagay pa ng aircon sa pamamahay na ito kung gusto lang din nila sa rooftop magpahangin.

Pero sabagay, iba pa din kasi ang lamig na binibigay ng hangin at lamig na binibigay ng aircon. Sagot ko sa sarili.

"Ako na diyan" pag agaw ko sa mga kutsara na hawak ni Avery na iaakyat niya.

AsierWhere stories live. Discover now