MARQUIS' POV
Napansin kong naging matamlay si Ate. Ayokong isipin na buntis siya dahil paniguradong panibagong sakit na naman ang pagdadaanan niya.
"Sigurado ka bang si Elodia tsaka si Ashton yung nakita mo?" pangungulit muli ni Avery nang umakyat na si Ate sa kwarto niya.
Bago kasi ako pumunta dito naisipan kong bumili ng mga gamit na pwedeng makatulong sa pag ganda ng ambiance ng bahay dito sa resort nang makita ko si Ashton na may kasamang babae kaya sinundan ko at nakita kong nasa Maternity section sila at Infant's section.
"Oo siguradong sigurado ako" sagot ko.
"Pero bakit nasa maternity section sila? Buntis ba si Elodia?" nagtatakang tanong ni Mae.
Kahit ako sa sarili ko 'yun ang tanong ko.
"Hindi te. Baka si Ashton 'yung buntis" pamimilosopo ni Avery.
"May napansin ba kayo kay Ate?" seryosong tanong ko dahilan para manahimik si Avery at Mae sa pag aasaran.
"Meron. Lalo siyang naging masungit" mabilis na sagot ni Avery
"What if buntis din si Adi?"tanong ni Mae na ikinabahala ko.
Hindi ko alam ang gagawin kung buntis si Ate. Sobra siyang masasaktan pero alam kong mas mahihirapan si Ashton kung parehong buntis si ate at si Elodia.
"What if hanapan na natin si Adira ng boyfriend tapos ikulong natin sila sa iisang kwarto hanggang may mangyari sa kanila tapos aakalain ni Adira na 'yun yung ama nung pinagbubuntis niya?" tanong ni Avery habang nakahawak sa baba.
"Ukinnam. Mas masasaktan si Ate sa gagawin natin" kunot noong sagot ko.
"Eh anong gagawin natin? Kailangan makapag usap na silang dalawa ni Ashton"
Napasandal ako nang maayos sa upuan dahil sa mga iniisip.
Si Mae naman at Avery ay busy sa pagkain ng mga chips na binili nila.
"What if sabihin na natin kay Ashton na nandito tayo para bukas na bukas nandito na sila?" suhestiyon ni Avery.
Agad naman akong napaisip sa sinabi niya.
"Oo nga. Kasi alam mo mas magandang ngayon pa lang mag usap na sila habang hindi pa malaki tiyan ni Elodia kasi for sure mas lalong masasaktan si Adi" suhestiyon ulit ni Mae.
"Hindi ba lalong masaktan si ate kapag nalaman niyang alam natin na buntis si Elodia pero hindi natin sinasabi sa kaniya?" nag aalalang tanong ko.
"Hindi pa naman tayo sigurado na buntis si Elodia ah?"sagot ni Avery.
"Eh anong ginagawa nila sa infant's tska maternity section?" tanong ni Mae.
"Malay mo buntis yung mama ni Ashton hahahahahaha" natatawang sagot ni Avery dahilan para matawa na din kami ni Mae.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago kuhain ang cellphone ko sa bulsa at nagbook ng dalawang ticket sa eroplano. Matapos magbook ay tinawagan ko agad si Ashton.
"Tatawagan mo na siya?" tanong ni Avery na tinanguan ko naman.
Habang nag riring ang number, iloud speaker ko ito habang kinakabahan na hinihintay ang sagot niya.
"Who's this?" tanong niya.
Iba na pala ang number na gamit ko kaya hindi niya alam na ako ang tumatawag ngayon.
Magsasalita na sana ako nang may narinig ako.
"Ash I think mas magandang gawin nating room ng baby natin 'yung kabilang room" sabi sa kabilang linya na paniguradong si Elodia.
"Hindi pa nga lumalabas baby natin gusto mo na siyang bigyan ng kung ano ano" sagot ni Ashton.
Agad kong pinatay ang tawag dahil sa pagkabigla. Nagkatinginan kaming tatlo nila Avery dahil sa narinig.
"Confirmed" bulong ni Avery.
"dapat na talaga silang bumyahe ngayon" sagot ko kaya mabilis kong dinial ulit ang number ni Ashton.
"hello? Sino ba 'to?" galit na tanong niya.
"Si Marquis 'to" kalmadong sagot ko.
"A-ah b-bakit? B-bakit ka napatawag?" tanong niya.
"Nasa Resort kami nila ate sa Santa Anna, gusto kong mag usap na kayo at magkaayos dahil ayokong saka kayo magkaayos kapag lumala na ang sitwasyon" deretsyong sabi ko.
"A-ah I'm sorry pero hindi kami makakabyahe ngayon.. Medyo madilim na at delikado sa daan"
"That's why I booked flights for both of you.. Matagal ko na itong pinagpaplanuhan that's why I have your information" deretsyong sagot ko "And please.. Don't tell Adira that I was the one who asked you to come here" dugtong ko.
"Sige. Send me the information about our flights"
"Okay I'll send you. We will wait for you here. Wag mo na kaming biguin muli" pagpapaalala ko bago ibaba ang tawag.
Nang matapos makipag usap ay parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan at nadagdagan ng mas malaking tinik.
Alas dose na ng gabi hindi pa din ako mapakali. Alas tres ng madaling araw ang flight nila at mga alas syete ng umaga paniguradong dating nila dito.
Hindi ako ang kakausap kay Ashton pero maging ako ay kinakabahan nang todo dahil sa maaaring mangyari sa pag uusap nila.
Natatakot ako na baka malaman ni ate ang lahat na ako ang nagplano nito at baka malaman niyang magkakaroon na ng anak sila Elodia at Ashton na hindi man lang naming sa kaniya sinasabi.
YOU ARE READING
Asier
Ficción GeneralTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...