CHAPTER 1

11 1 0
                                    

"Good morning, Adi" masayang bati sa akin ni Ashton.

Simula nang mamatay sila mom ay sa mansion na kami umuuwi para may kasama si Marquis. Pero napag usapan na namin na kapag kinasal kami ay bubukod na kami ng bahay.

"Good morning, Ashi" nakangiting tugon ko.

"Mag asikaso na tayo, Adi. Dadalaw pa tayo sa puntod nila mama't papa bago tayo dumaan sa restaurant" utos niya.

Si mommy at daddy ang tinutukoy niya. Ngayon ang fourth death Anniversary nila kaya bibisita kami.

Pero noon pa man, kahit hindi nila death Anniversary ay pumupunta pa din kami sa puntod nila.

"Sige maligo kana, gigisingin ko lang si Marquis" sabi ko bago bumangon.

"Naku, wag na. Ako na ang gigising sa kaniya. Mauna ka na maligo dahil alam kong mabagal ka kumilos hahaha" natatawang sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Napailing na lang ako habang papunta sa banyo dahil totoo naman ang sinabi niya.

Habang nagbibihis na ako narinig ko na ang boses ng dalawa sa labas ng kwarto kaya binilisan ko na dahil naiimagine ko na naman ang itsura nila.

Naka jeans lang ako at plain white shirt na pinaresan ko ng two inches heeled sandals. Simula kasi noong naging busy na ako sa bagong business ko ay hindi na ako madalas nakakapagshopping.

Ang company at ang ABmall ay naibenta na din namin dahil wala naman mag aasikaso. Si Marquis ay busy na sa pagiging Engineer at ako naman ay may restaurant na.

Ang totoo niyan ay sa aming dalawa ni Ashton ang restaurant na pinamumunuan ko dahil si Ashton ay busy sa kaniyang bagong tayong art museum na mismong si Marquis ang Engineer.

"Tara na" pagmamadali ko nang makalabas sa kwarto.

"Halos isa't kalahating oras ka naligo?! Ano bang ginagawa ng mga babae sa banyo bakit ang tagal maligo?!" iritableng tanong ni Marquis.

"Pasensya na, Engineer" natatawang biro ko.

Mabilis naman kaming nakarating sa sementeryo dahil walang traffic.

"Dalawang dosena nga ho ng white rose" masayang sabi ni Marquis sa tindera ng bulaklak malapit sa gate ng sementeryo "Ate akin na bayad" seryosong sabi niya sa akin.

Nasa likod kasi ako ng kotse at siya ang nasa passenger's seat.

"Engineer kana, sakin ka pa humihingi ng pambili ng bulaklak para kila mom?" pagbibiro ko.

"Kuya Ash tignan mo oh. Ganiyan ba kakuripot aasawahin mo?" sumbong ni Marquis.

Umiling na lang si Ashton at nakangiting nag abot ng isang libo sa tindera.

Nang matanggap namin ang bulaklak ay mabilis na kaming nakarating sa puntod mismo nila mommy at daddy.

"Its been a year mom, dad since you've left us.. But it feels like it happened yesterday.." malungkot na sabi ko.

Matapos non ay tahimik na akong nagdasal.

"Mom, dad... Engineer na ako oh. Si ate may restaurant na sila ni Kuya Ash.. Sayang hindi mo man lang kami nakitang naging successful.. Mommy dalawin mo si ate. Turuan mo na din siya na maging wife material.. Baka kaya hindi pa siya inaalok ni Kuya ng kasal hahaha"

Agad ko siyang tinapik. Kahit kailan napaka mapang asar talaga ni Marquis.

"Helloooo" masiglang bati ni Elodia.

AsierWhere stories live. Discover now