Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang engage na kami ni Ashton. Kasalukuyang nasa garden kami ngayon kasama si Avery, Marquis, Elodia at Symon.
Si tito at tita naman ay kasalukuyang nagpapahinga na sa kwarto.
"Girl mas maganda beach wedding" suhestiyon ni Avery dahil kasalukuyang pinag uusapan namin ang kasal.
"Mas better kung garden wedding" sagot naman ni Elodia.
"Gusto namin church wedding pano yon?" natatawang sagot ni Ashton.
"Ano naman motif niyo?" tanong na naman ni Avery.
Sa totoo lang hindi ko pa kayang sagutin iyon dahil hindi pang kasal ang itim na balak kong maging motif. Kaya kibit balikat ko na lang siyang sinagot.
"Mas maganda kung aesthetic color" suhestiyon ni Elodia.
"Bakit ba naistress kayo sa kasal namin ni Ashton eh matagal pa naman 'yon" natatawang tanong ko sa kanila.
"Siyempre we want it to be memorable" maarteng sagot ni Avery.
"Yeah. We want to make it the most awaited wedding of the year" pag sang ayon ni Elodia "Pero wag muna tayong kampante. Engagement pa lang 'yan.." dugtong pa niya.
"Bakit? Sa palagay mo ba hindi matutuloy ang kasal nila?" masungit na tanong ni Avery.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Elodia.
"We still don't know.. Pero.. Dapat wag muna tayong magplano hangga't hindi pa sigurado" seryosong sagot niya.
Mabilis naman umirap si Avery sa kaniya at agad na umalis na si Elodia papunta sa room niya.
Nagpaalam na din si Marquis at Symon na magpapahinga na din kaya kaming tatlo na naman ang magkakasama.
"Ashton. Sigurado ka na ba sa kaibigan ko? Hindi mo ba siya iiwanan?" biglang tanong ni Avery na ikinagulat namin.
"Hahaha bakit mo naman natanong? Syempre siguradong sigurado na ako sa kaibigan mo.. Walang sinuman ang makakapagpahiwalay sa amin" nakangiting sagot ni Ashton.
"Avery, kung ano ano tinatanong mo.." masungit na sagot ko.
"Sinisigurado ko lang naman.." mabilis na sagot niya "Pero paano Ash kung may babaeng surot na nang akit sa'yo?" seryosong tanong niya.
Dahil sa tanong niya ay kinabahan ako. May mga tanong na pumasok bigla sa isip ko tdahil sa tanong ni Avery kay Ashton.
"Bakit naman ako magpapatukso sa babae? Kuntento na ako kay Adira"
"Eh paano nga kung dumating yung time na nanlamig kayo pareho sa isa't isa?"
"Edi magpapainit kami" natatawang sagot ni Ashton.
"Ay go na sis. Sigurado na nga yan sa'yo hahahaha"
Napailing akong tumawa dahil sa iniisip nilang dalawa.
"Magpahinga na tayo. Anong oras na oh.. Avery magpahinga kana din.. Kailangan kong pagpahingain ang fiancè ko" malambing na sabi ni Ashton habang nakatayo na sa likod ko.
Mabilis akong tumayo dahil tumayo na din si Avery.
"Pagpapahingain o papagurin?" panunukso niya.
"ulapa" sambit ko.
"Let's go?" nakangiting tanong ni Ashton.
![](https://img.wattpad.com/cover/228718677-288-k823027.jpg)
YOU ARE READING
Asier
General FictionTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...