CHAPTER 2

6 1 0
                                    

Sa sobrang pagod namin ni Ashton sa paglilinis ng bahay ay nakatulog na kami kaagad kahapon.

Maayos na ang bahay ngayon kesa dati at mas naging maaliwalas na tignan.

Naglagay ako ng scented candle sa tabi ng table malapit sa TV.

Maaga din nang makaalis kami ni Ashton para hindi kami maabutan ng traffic kaya maaga pa lang ay nandito na kami sa airport at hinihintay ang magulang niya.

"Kinakabahan ako.." bulong ko kay Ashton habang nakakapit sa braso niya

"Wag kang kabahan, mom would definitely like you.." pagpapakalma niya.

Ilang minuto ang hinintay namin nang dumating na si Elodia.

"Hello, Am I late? Sorry traffic kasi.. Hi, Adi." sabay beso niya sa akin.

Kung kanina kaba ang nararamdaman ko, ngayon naman ay hindi ko na maipaliwanag.

Parang nag iba bigla ang awra ng paligid.

"Wala pa naman sila Mom, but for sure naglalakad na siguro sila papunta dito. Naka take off na daw sila eh" paliwanag ni Ashton.

Kita sa mukha nilang dalawa ang saya. Saya na hindi ko mararamdamaan.

Ilang minuto na naman ang hinintay namin nang may lumapit sa amin.

Maputi, matangos ang ilong, matangkad, elegante ang itsura at mukhang mataray na babae at medyo may katamtaman na laki ng katawan, matangos ang ilong, puti ang mga buhok na lalaki.

Paniguradong ito ang magulang ni Ashton.

"Hi my lovely, son" maarteng bati nito na mabilis yumakap kay Ashton.

Tama nga ako, siya ang mommy ni Ashton.

"Hi, Auntie, hi tito" masiglang bati ni Elodia at dali daling yumakap sa magulang ni Ashton.

"Oh hi, Eli. Let me guess.. Is she your financée?" nakangiting tanong ng mommy nito kay Ashton.

Nasaktan ako dahil doon. Hanggang ngayon si Elodia pa rin pala ang gusto niya para kay Ashton.

"Hahaha ofcourse not, Auntie" mabilis na di pag sang ayon ni Elodia.

"Mom, dad, this is Adira Braelynn Zedler my girlfriend.." pagpapakilala sa akin ni Ashton "Adi, this is my mom, Silvia Sage and this is my dad Emilio Sage" pagpapakilala ni Ashton sa mga magulang niya.

Mabilis akong lumapit sa mga ito at nagmano.

"Hello, nice meeting you po" masiglang sabi ko.

"Oh siya na yun? I thought she's your maid.." deretsyong panlalait ng mommy niya.

"Mom!!"

"Silvia stop being rude.. I'm sorry anak, pagod ang tita mo sa byahe" paghingi ng paumanhin ng dad ni Ash.

"Tita?" gulat na tanong niya "I still not give her permission to call me that way, I only accept that call from Eli.." masungit na sabi niya "Just call me madam" dugtong pa niya.

Parang gusto kong maglaho na lang bigla dahil sa mga sinasabi niya. Hindi man lang niya nirespeto ang pagiging girlfriend ko sa anak niya.

"A-ah.. Okay po, Madam" pagdidiin ko sa dulong salita.

Pasensya. Pasensya. Pasensya. Bulong ko sa sarili habang bumubuntong hininga.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa van na dala namin ni Ashton. Naggrab lang daw si Elodia kaya sa amin na din siya sumabay.

AsierWhere stories live. Discover now