"Girl tara na samahan mo na ako. Titignan pa natin 'yung mga gamit na bibilhin para sa bagong bahay tapos kukuhanin pa natin mga gamit ko sa bahay kasi dito na ako muna titira" pagsigaw ni Avery.
Alas nuwebe na ng umaga pero pakiramdam ko kulang pa din ako sa tulog kaya hindi ko siya pinansin.
Itutuloy ko na sana ang tulog ko dahil sa katahimikan nang biglang may dumabog sa kama na iminagulat ko.
"Morning sickness, check. Lalo mo lang pinapatunayan sa akin na buntis ka" sigaw niya.
Agad kumunot ang noo ko at padabog na bumangon.
"Hindi nga ako buntis. Kung ano man 'yang pinaniniwalaan mo, wag mo na ako idamay" pagsusungit ko bago tuluyang pumasok sa banyo at naligo.
"First day ni Mae ngayon diba? Ihatid kaya natin siya? Or daanan?" suhestiyon ni Avery nang nasa byahe na kami makalipas ang dalawang oras niyang paghihintay sa akin.
"Pwede din. Ikaw bahala. Ikaw naman nagmamaneho" walang ganang sagot ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan kong magmaneho hanggang makarating kami sa isang pamilyar na mall.
Kung hindi ako nagkakamali, ito ang mall na kung saan una kaming nagtagpo ni Ashton.
"Wag tayo dito" deretsyong sabi ko.
"Bakit? Is it because this was the place where you first met?" taas kilay na tanong niya.
Kibit balikat ko lang siyang sinagot.
"Tara na. Let's make this day to be the first step" nakangiting sabi niya.
"First step for what?" tanong ko.
"For moving forward? First step to make yourself your priority?" kibit balikat niyang sagot.
"I can't" sagot ko.
"Yes, you can. Wag kang nega! Hindi mo pa nga nasisimulan, aatras ka na? Just try it step by step. No need to rush everything" pagtataas niya ng boses.
Inirapan ko na lang siya at saka bumaba ng kotse.
Siguro tama din si Avery na ito ang gawin kong unang hakbang para makalimot at unahin ang sarili.
Naglakad na kami at pumunta sa department store at naghanap ng mga gamit na pwedeng ilagay sa bagong bahay.
"I like this one" turo ko sa wooden set of plates.
Agad namang kumilos ang sales lady para kumuha ng mga ito.
"Sigurado ka na ba na mag isa ka munang titira sa bagong bahay?" tanong ni Avery.
Nasabi ko na kasi sa kanila noong bago kami umuwi ng Manila na gusto kong mapag isa sa bagong bahay para mas matuto akong maging independent na tao.
Sang ayon naman sila at napag kasunduan namin na once a month lang nila ako pwedeng puntahan.
"A-ah.. Tara doon tayo magaganda gamit doon" biglang paghila niya sa akin sa mga sleepwear.
"Teka 'yung set ng plates hindi pa natin nakukuha" pag iinarte ko.
Maglalakad na sana ako pabalik sa kitchen section nang pigilan niya ako.
"A-ah ano kasi.. A-ah.. A-ano.. Bibili ako ng pantulog natin.. Naisip kong mag pajama party bago ka umalis sa mansion" sagot niya.
"Next week pa naman ako lilipat at isa pa pwedeng ikaw na lang magtahi para personalized"
"ayoko magtahi"
![](https://img.wattpad.com/cover/228718677-288-k823027.jpg)
YOU ARE READING
Asier
General FictionTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...