Maaga akong nagising na balot na ng kumot habang katabi si Ashton.
Mabilis kong tinignan ang katawan ko na nakabalot sa kumot dahil sa pag aakalang panaginip lang ang nangyari ngunit mali ako.
Hanggang ngayon wala pa din akong saplot.
Babangon na sana ako para magsuot ng damit nang magising si Ashton.
"Round two?" natatawang tanong niya.
"Tigilan mo ako, Ashton Sage.. Tatlong araw na lang kasal na natin and after that day pwede na nating araw arawin" pagsusungit ko habang nagsusuot ng damit.
"Wag kana magdamit.. Tayong dalawa lang ang nandito sa bahay.." sabi niya at mabilis yumakap sa akin.
"Bitawan mo nga ako!" pagtulak ko sa kaniya "Anong tayong dalawa lang? Nasaan si Avery? Si Marquis?" tanong ko.
Umayos naman siya sa pagkakahiga bago sagutin ang tanong ko.
"Alam nila na hindi tayo pwedeng istorbohin kagabi at ngayong umaga kaya baka mamayang tanghali pa sila uuwi" natatawang sagot niya.
Natawa na lang ako dahil sa kalokohan na naisip niya.
Dahil sa sinabi niya ay hindi na ako nagsuot ng short. Tanging damit ni Ashton ang sinuot ko. Masyado itong malaki para sa akin kaya kahit papaano ay natatakpan nito ang pambabang parte ng pagkababae ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya nang lalabas sana ako ng kwarto.
"Kukuha ng pagkain" sagot ko.
Pakiramdam ko gutom ako at naririnig ko na ang pagkalam ng tiyan ko.
"Ako na lang ang kainin mo" pang aasar niya.
Mabilis kong kinuha ang bra na nasa sahig at inihagis ito sa kaniya na agad naman niyang naiwasan.
"Para saan ba itong bra? Wala ka namang dede ah?" seryosong tanong niya na ikinainis ko agad.
"Pasmado 'yang bibig mo ah" inis na sigaw ko.
"Pero alam mo naisip ko lang.. Paano pag nagkaanak tayo? Saan sususo yung anak natin?" seryosong tanong pa din niya.
Sa sobrang inis ko dahil sa mga tanong niya ay mabilis akong lumabas at nagdabog ng pintuan.
Dumretsyo ako sa kusina para magluto pero naalala ko hindi pala ako marunong magluto.
Kumuha na lang ako ng mango juice at chips saka dumeretsyo sa sofa para manood ng tv.
Halos thirty minutes akong natahimik bago bumaba si Ashton.
"Ano yan? Bakit ganiyan kinakain mo?" tanong niya nang makitang may chips at mango juice sa lamesa.
"Gutom ako eh.. Hindi naman ako marunong magluto kaya ayan na lang kinain ko" agad na sagot ko.
"Sana tinawag mo ako diba? Hay nako Adira Brealynn.." umiiling na sabi niya.
Lumapit naman siya sa akin at kinuha ang isang plato ng chips at ang juice para ibalik sa kusina.
Hindi na ako nagreklamo dahil alam kong hindi nga naman maganda sa kalusugan ang chips at juice sa breakfast.
Maya maya pa ay may naamoy akong mabango kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kusina.
"Ang galing talaga magluto ng asawa ko" pambobola ko.
"Ayan ang kainin mo hindi puro chips at juice.. Kaya hindi lumalaki yang.." hindi na niya tinuloy ang sasabihin dahil agad kong tinaas ang kilay ko.

YOU ARE READING
Asier
Fiksi UmumTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...