CHAPTER 21

9 2 1
                                    

Dalawang araw ang nakalipas nang umuwi kami dito sa manila. Naging tahimik naman ang buhay ko. Hindi na ako tinatawagan o pinupuntahan ni Ashton at Elodia.

Ngayon ang araw pupunta kami sa St. Claita's Hospital para ipasok si Mae. Si Mae ay Certified Nurse Midwife o CNM ngunit dahil nagkasakit ang mama niya, huminto muna siya sa pagtatrabaho. Ang St. Claita's Hospital ay pagmamay ari ng pinsan ni Avery na si Venzel, kaya dito namin naisipan na iapply si Mae.

"Kapag nakaapply kana gusto ko ikaw magapaanak sa akin ha?" seryosong sabi ni Avery kay Mae habang nasa byahe kami na ikinabasag ng katahimikan.

"mappa-bussit (magpabuntis) ka muna ah" natatawang sagot ni Mae.

"walang magtatangkang bumuntis diyan. Wala nga 'yang matres eh" pambabara ko.

"Ikaw nga may matres pero walang jowa" pang aasar niya.

Hindi na ako pumalag pa dahil nasa harap na kami ng hospital at papasok sa parking lot. Malapit lang ang St. Claita sa Mansion kaya hindi pa umabot ng twenty minutes ang byahe namin.

"Good morning.. I'm looking for Dr. Venzel Arquilla" panimulang bati ni Avery sa guard na nakaduty sa parking lot.

"Tatawagan ko lang po 'yung secretary niya" sagot ng guwardya.

Hindi ko na narinig pa ang sunod na usapan nila nang maaninag ko sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na kotse ngunit mabilis itong lumiko paakyat kaya hindi ko nakita nang maayos.

"Nasa penthouse pa daw po siya. Hintayin niyo na lang daw po siya sa opisina niya" sagot ng guwardya at saka kami pinatuloy.

Isa ang St. Claita's Hospital sa kilalang hospital dito sa Laguna dahil bukod sa isa ito sa pinakamalaking hospital sa lalawigan ng laguna, isa din ito sa kauna-unahang hospital na itinayo para sa libreng serbisyo.

"Baka naman wala gaanong pasyente ang asikasuhin namin dito? Pangalan pa lang kasi pang private na" bulong ni Mae nang makarating kami sa opisina ni Venzel sa pinakataas na floor.

Matagal ng kinikekwento ni Avery si Venzel pero hindi ko pa siya kahit kalian nakita.

"Ulapa (baliw). Ganun lang talaga ang pangalan ng hospital dahil.. Oo nga bakit nga ba, Ave?" tanong ko kay Avery na kasalukuyang nangangalikot sa mga gamit ni Venzel.

"Dahil ang St. Claita ang pangalan ng dalawang lola niya. Ang St napulot niya lang sa kung saan saan para magtunog mayaman ang hospital. Ang C-L-A ay galing sa Clara na lola niyang Espanyol at ang I-T-A ay galing sa pangalan ng lola niyang filipino na Carmelita" sagot ni Avery.

Tangu tango naman kaming nahiwagaan ni Mae sa origin ng hospital na ito.\

"May CR ba sa loob ng office na 'to? Naiihi na kasi ako sa kaba eh" nanginginig na tanong ni Mae.

"Wala pa si Venzel, hindi tayo sure kung pwedeng mag CR sa office niya pero sige ako na lang ang bahala. Pag pasok mo diyan sa parang kwarto na 'yan ay may isa pang pintuan, tapos doon na" sagot ni Avery.

Agad namang tumakbo si Mae sa pintuan na tinuro ni Avery.

Umupo na lang ako sa sofa set na nandito sa office ni Venzel dahil sa inip.

"Malayo ba ang penthouse simula dito?" naiinip na tanong ko.

"I think mga five minutes lang? Baka nga lakarin niya lang sa sobrang lapit eh" sagot ni Avery.

Pinalibot ko na lang sa loob ng office ang paningin ko at doon ako namangha sa ganda ng mga nakadisenyo dito. Patuloy ako sa pagtingin ng mga disensyo nang mapatigil ako sa isang paintings na nasa likod ng table niya na ngayon ko lang napansin.

AsierWhere stories live. Discover now