CHAPTER 15

6 1 1
                                    

"Are you really sure about this?" nag aalalang tanong ni Avery habang nasa byahe na kami.

"Lalayo na ako sa kaniya.. Ito lang yung alam kong paraan para makalimutan ko yung sakit" malungkot na sagot ko.

"Hindi ba't mas mahihirapan ka? Kasi paano na lang kung nakamove on ka na sa kaniya tapos biglang nakita mo siya? Edi mafefeel mo na naman yung pain.." kunot noong sabi niya na animoy malungkot at nag aalala.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana dahil sa nagbabadyang luha ko.

"Kasi alam mo dapat bago ka mag move on, mag usap muna kayo.. Let him explain.." dugtong pa niya.

Pakiramdam ko nadadamay na sa problema ko si Avery.

Pasimple ko namang pinunasan ang luha ko dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak.

"S-sorry.. Alam kong nasasaktan ka pa din until now.. Pero kung ito talaga yung nakikita mong paraan.. Susuportahan na lang kita" malungkot na sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot.

Tuwing ineexplain ko ang side ko palagi na lang nauuna ang luha ko.

Hindi malayo ang binili kong bahay kaya saglit lang ang byahe namin.

"Kapag sana nakita mo si Ashton wag mo siyang awayin.. wag mo din siyang itaboy.."

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko pero I really mean it.

"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Avery.

Hindi ko na pinag isipan sagutin ang tanong niya at tumango na lang ako.

Kusang tumulo na naman ang luha ko dahil naaalala mo lang kung paano namin binuo ni Ashton ang relasyon namin na nasira dahil sa malakig pagkakamali.

Naramdaman ko namang hinaplos niya ang likod ko bilang pagpapakita ng suporta at pagcocomfort na naging dahilan ng lalong pag iyak ko.

"Avery.. I want him back.." pag iyak ko.

Alam kong hindi kasi ganun kadali na lang na bitawan ang lahat. Mahal ko pa siya pero natatakot akong masaktan ulit.

Nakatingin lang si Avery na tila ba magbabadya na din ang luha sa mga mata. Walang pasensya naman siyang umupo sa sofa sa harapan ko.

"Paano kung pinainom lang siya ni Elodia ng pampatulog? Oo tama.. Avery puntahan natin siya sa Bahay nila.." nagmamadaling sabi ko.

"Sis.." umiiyak ng sabi ni Avery.

"tara na, Avery!! Samahan mo ako.. Kailangan ako ni Ashton.." pag iyak ko.

"Adira tama na!! Matagal ko ng alam na may relasyon si Elodia at Ashton" umiiyak na sigaw niya.

Biglang nagpantig ang tenga ko at pilit ko mang tanggapin ang sinabi niya, parang ayaw itong tanggapin ng puso at isip ko.

Dahil sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko kusa na lang akong umupo sa sahig na para bang batang inagawan ng candy.

"Isang taon na ang nakalipas noong nalaman ko yung tungkol sa kanila.. pero sinabi ni Ashton na tinigil na nila kaya nakampante ako.." nagpupunas ng luha na sabi niya "Nahuli ko din silang gumagawa ng kabastusan noong busy ka sa restaurant niyo.. Sorry hindi ko sinabi.. Pinakiusapan ako ni Ashton.. Tinigil naman na daw nila kaya hindi ko na sinabi sa'yo.." pagtuloy niya.

"Naniwala ka namang tinigil nila?" nakangiwing sagot ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali dali na akong tumakbo sa kwarto para magkulong.

AsierWhere stories live. Discover now