Ngayon na ang araw na susukatan ako ni Avery para sa gown. Si Ashton naman ay sinundo si Elodia para masukatan na din.
Kasalukuyan akong nasa boutique ni Avery at nakaupo habang hinihintay na matapos ang assisstant niya sa measuring tape.
"Ano ba yan, ang mamahal ng tinda mo tapos isa lang tape measure na gamit mo" pagrereklamo ko.
"Hindi ka ba makapag hintay?" pagtataray niya "Teka nasaan pala si Ashton? Diba ngayon din siya magpapasukat?" tanong niya.
"Sinundo si Elodia, ngayon din daw siya magpapasukat kasi bukas may out of town sila ni Greg" pagpapaliwanag ko.
"Naku yung bruha na 'yon talaga pag nalaman kong inaahas niya asawa mo, kabaong isusukat ko sa kaniya" biglang inis na sabi niya.
"Baliw ka ba? Bigla bigla ka na lang naiinis diyan" natatawang tanong ko.
"Mam ito na po yung tape measure" biglang sabi ng assisstant niya sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Avery.
"Oh tara na, susukatan na kita" pag aaya niya.
Tumayo na ako at sinumulan niyang sukatan.
Simple lang ang design na plano ni Avery sa gown ko pero hindi ko pa alam ang kakalabasan.
Tanging gown ng mga bridesmaid at grooms men ang pinakita niya sa aki.
Habang tumatagal lalo akong naeexcite sa kasal namin ni Ashton.
Inuna na ni Avery na ipagawa ang mga dress ng brides maid sa assisstannt niya dahil nakuha ko naman na ang mga sukat ng mga ito.
Kasalukuyang patapos na kami ni Avery nang dumating si Elodia.
"Hello.." bati niya.
Nginitian lang namin siya at saka bumalik sa pagsusukat.
Nang matapos akongsukatan ay sunod na siyang sinukatan ni Avery.
"Baka naman masyadong revealing yung gown mo?" pagpapaalala ni Ashton na ngayon ay katabi kong nakaupo sa sofa.
"Si Avery sisihin mo, lobe. Ayaw niyang ipakita yung design niya" tila isip batang sumbong ko.
"Kunyari ka pa.. Gusto mo din naman non" sagot ni Avery na patuloy pa din sa pagkuha ng sukat ni Elodia.
Napangiti na lang at napailing si Ashton.
Matapos kuhaan ng sukat si Avery ay sinunod na si Ashton.
Sobrang tuwa ang nararamdaman ko dahil ilang linggo na lang ang hinihintay ko at gaganapin na ang dream wedding ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap nila Ashton tungkol sa design ng dress na gagamitin ko after the wedding nang may tumawaga sa kaniya.
"Okay.. I'll be there.. Uh huh.. Okay okay papunta na ako" nagmamadaling sagot niya sa kausap.
Lumapit naman agad siya at nagpaalam.
"Adi, kailangan kong pumunta sa office nila kim.. Nagkaroon daw ng problema sa papers.. magpahatid ka na lang kay Avery" nagmamadaling paalam niya.
Gusto ko pa sana sumama ngunit inunahan na niya ako at nagmamadali na siyang umalis kaya hindi na ako umalma.
Nagpaalam na din si Elodia na uuwi at ako naman ay agad hinatid ni Avery sa Mansion.
"Sigurado ka bang ayaw mo muna kumain?" pag aalok ko kay Avery.
"Hindi na, may kailangan akong puntahan ngayon eh.. Sige pumasok kana bye" pagmamadali niya saka mabilis na sumakay sa kotse niya at nagmadaling umalis.
YOU ARE READING
Asier
General FictionTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...