PAGPASOK nila sa mansyon ay marami ng tao. Karamihan roon ay mga sikat at may sinasabi sa lipunan. Hindi niya tuloy mapigilang manliit.
"Hey eli. I'm here." Sambit ni Healton at pinisil ang mga kamay niya.
"Nakakahiya Healton.." Sabi niya na hindi nakatingin sa mga mata nito. Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang mukha rito.
"Huwag kang mahiya. Napaka ganda mo ngayon. You're the most beautiful woman here in the party." Sabi nito.
Namula siya at tinampal ang balikat nito.
"Mambobola." Sabi niya. Tumawa ito at inakay siya palapit sa ina nitong may kaarawan. Kasalukuyan itong nasa gilid kasama ang ama nito.
"Mom, Dad, I want you to meet Elizha. The woman I told you." Sabi ni Healton na nakatingin sa kanya.
"Good evening po maam and sir. Happy birthday po maam." Sabi niya sa ginang.
"Oh god. She's gorgeous Healton. Thank you iha." Sabi nito sabay yakap sa kanya. Nagulat siya reaksyon nito ngunit yumakap rin siya sa ginang.
"Maganda nga siya Healton. Boto na ko sa kanya." Sabi naman ng mama nito. Hindi niya mapigilang mamula.
"S-salamat po sir." Sabi niya.
"Call me Tito and call my wife tita iha. Special ka sa anak ko kanya naman special ka samin." Sabi ng ama nito.
"Tama ang asawa ko Elizha. Call me tita." Sabi naman ng ginang.
"Ah Sige po t-ita at Tito." Sabi niya na nahihiya.
"Siya nga pala mom at dad nandito rin ang mama ni Elizha at kapatid. Ipapakilala ko sila sa inyo." Sabi ni Healton. Tamang tama namana ng paglapit ng ina niya kasama ang kapatid at kaibigan niya.
"Happy birthday!" Bati ng ina niya sa ginang. Ngumiti ang ginang.
"Welcome balae." Sabi ng ina nito. Lahat natigilan maski siya. Ang ina naman niya ay napangiti ng maluwag samantalang napatigalgal sila ni Sanya.
"Mahal masyado ka atang excited. Hindi pa nga sila ng anak natin." Sabi ng ama ni Healton sa asawa nito. Natawa naman ang ginang ang nagsalita.
"Pasensya na nagulat ko ata kayo, excited lang kasi ako at saka gusto ko si Elizha para sayo anak."
"Mommy gusto ko rin siya." Sabi naman ni Healton. Lalo siyang namula at yumuko. Natawa naman si Sanya at nagsalita.
"Happy birthday tita. Ito po ang gift namin sa inyo sana magustuhan niyo." Sabi nito sabay abot ng dalawang regalo sa ginang.
"Salamat iha. Sana mag enjoy kayo sa party. Usap tayo mamaya balae. Ilalagay ko lang to sa kwarto ko." Paalam nito sa kanila. Umalis na ito kasama ang asawa.
"Sabi ko naman sayo mabait sila mommy e." Sabi ni Healton.
"Oo nga. Malayong malayo sila sa inaasahan ko. Salamat Healton at dinala mo ko rito." Sabi niya.
"Walang anuman. Ikaw pa. Special ka sakin e." Sabi nito. Natigilan siya at tumingin rito. "Alam ko naman na nabibilisan ka Eli pero yun talaga ang totoo. Special ka sakin. Gusto kita." Dagdag pa nito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan.
"H-healton.." Sambit niya.
"Ayos lang kahit huwag ka munang sumagot. Hihintayin kita." Sabi nito na ngumiti. Niyakap siya nito ng mahigpit. "At pag sinagot mo nako hindi na kita pakakawalan."
Gumanti siya ng yakap rito. Ramdam niyang sincere ito sa sinasabi nito at hindi niya mapigilang kiligin ngunit natatakot rin siya. Paano kung bumigay ang puso niya? Napapikit siya sa naiisip. Hindi niya yata kanyang iwan ang binata.
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...