OnTune: Ferris wheel by Yeng
**HINDI makapagsalita si Elizha habang nasa biyahe. Nakatingin lamang siya sa labas ng pinto ng kotse ni Healton. Nahihiya kasi siyang makipag usap sa binata. Habang si Healton ay abala sa pagmamaneho.
"Gusto mo ng music? Buksan ko ang radio?" Tanong nito sa kanya. Tumingin siya sa binata na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Sige." Sabi niya. Pinindot nito ang radyo at tumunog ang isang pamilyar na kanta.
Meron siyang di nalalaman sa akin.
Takot man ako sa heights. Walang magagawa dahil nandito na. Magkahalong kaba at pananabik ang tungtungang bumuhat sakin. Kailan man ay hindi niya alam. Hindi pa umaangat loob ko'y nahulog na.Sa piling mo ay nalulula. Ngunit unti unti ring nasasanay. Sa piling mo'y nalulula. Ngunit parang ayaw ko ng bumaba. Ahh. Bumaba..
Napapikit siya ng marinig ang kanya. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Parang tinatamaan siya sa waiting naririnig niya.
"Are you alright eli? Masakit ba ang dibdib mo?" Tanong ni healton na nakatingin pala sa kanya.
Umiling siya at ngumiti. "Wala lang I just like the song." Sabi niya na tumingin ulit sa labas ng bintana.
Pinagmasdan niya ang lugar na daraanan pauwi ng kanilang probinsya. Maraming puno, lupain na may palay. Maganda rin ang panahon kaya naman nakikita ng maaliwalas ang mga lugar. Bumuntong hininga siya. Gaano niya pa kaya matagal makikita ang magagandang tanawin na iyon. Hindi niya mapigilang mapahikbi. Paano kung dumating ang araw na mawala na siya? Hindi man lang niya na-eenjoy ang buhay niya.
"Eli umiiyak ka ba?" Takang tanong ni Healton sa kanya. Dali dali niyang pinahid ang luha niya at tumingin sa binata. Bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"H-hindi Healton." Pag sisinungaling niya. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid.
"Sigurado ka ba? Sabihin mo sakin ang problema eli." Sabi nito sa kanya. Hindi niya na mapigilang ang mapaluha. Dumaloy ng masagana ang luha niya.
"Shh.. Tahan na eli. What's the matter?" Sabi nito na habang pinapahid ang luha niya. Tinanggal rim nito ang seat belt nila at niyakap siya nito ng mahigpit.
"I-im sorry Healton.. Nalulungkot lang ako.. Ang ganda ng tanawin. Paano kung ito na pala ang huling pagkakataong makita ko ang mga ito." Sabi niya na umiiyak.
Hinaplos haplos nito ang mga buhok niya. Pinapakalma siya.
"Shh.. Eli hindi ka mawawala. Maraming paraan para magamot ang sakit mo. Huwag kang natakot. Nandito lang ako para sayo." Sabi nito. Tumingin siya sa mga mata ng binata. Pinahid nito ang luha ng nasa gilid ng pisngi niya. "Be strong eli." Dagdag nito.
Gumanti siya ng yakap Kay Healton at sinubsob ang mukha niya sa mga dibdib nito.
Ang bango bango niya. Piping sambit ng utak niya. Hindi niya mapigilang Amoy amoyin ang katawan nito.
"Okay ka na eli?" Tanong nito na bahagyang nakangiti sa kanya. Namula ang mukha niya at agad na humiwalay sa yakap nito. Nahuli yata siya nito na inaamoy Amoy niya ang katawan nito.
"T-thankyou." Sabi niya na nahihiya.
"Always welcome my eli." Sabi nito na kumindat sa kanya.
Bumilis ang pintig ng puso niya. Parang hinaplos ng init sa bawat ngiting ibinibigay sa kanya ng binata. Siguro kung ano ang Ipinagpapasalamat niya mula ng malaman niyang may sakit siya ay noong nakilala niya si Healton. Ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pag aalaga.
MAHIMBING na natutulog ni Elizha. Napangiti si healton habang pinagmamasdan ang mukha nito na bahagyang nakatagilid sa gilid ng bintana ng sasakyan. Ang ano ng mukha nito. Makinis din iyon at walang bahid ng kolorete. Napaka simpleng dalaga. Kanina habang umiiyak ito ay parang nadudurog ang puso niya habang pinagmamasdan ito. She's afraid. He know she need help. Para sa kanya, ang dalaga ay kailangan ng pag aalaga lalo na sa kalagayan nito. Hindi niya alam kung ano bang nagtutulak sa kanya para ilapit ang sarili sa dalaga. Alam niyang hindi awa ang nadarama niya. May iba pa. Bumuntong hininga siya at inayos ang ulo ni Elizha para hindi sumakit ang batok nito. Hindi sinasadyang napatingin siya sa sa labi nito. Pulang pula iyon at parang nag aanyayang mahalikan. Napalunok siya ng maamiy ang mabangong hininga nito. Nanabik siyang matikaman ang labi nito. Hindi niya alam kung among nagtulak sa kanyang idikit ang labi sa dalaga.
Bahagya niyang hinalikan ang labi nito. Magaan at nananantya. Napakatamis noon. Ito na yata ang pinakamasarap na labi na natikman niya. Hindi niya mapigilang mapangiti at halikan ang noo nito.
"You're lips is so sweet my eli." Bulong niya sabay paandar ng sasakyan.
-
Omygee Healton. Paraparaan lang ha.Miss Elizha ano ka ba tulog mantika ka. Di mo tuloy nahuli si healton. Hahaha.
One chapter a day lang po ang update. Salamat and enjoy reading.
@maxxinajin13💕
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
Roman d'amourPregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...