NAKANGITING pinagmamasdan ni Healton ang mahimbing na pagtulog ni Elizha sa tabi niya. Last night was perfect. Not just that they made love, but because she completes him. Making him contented of having her by his side. Hindi niya alam na kaya pala niyang maramdaman iyon. Ang pagiging kuntento sa isang babae. Napapailing siyang ngumiti. Sa bawat araw na nakakasama niya ito ay lalong tumitibay ang pag ibig niya rito. She make him want her all over again and again that no other woman can do. Hindi siya nagsasawa at kahit kailan ay hindi niya pagsasawaang makasama ang dalaga.
Ganito pala pag tinamaan ka ng pag ibig. Lahat ng bagay magbabago sayo. Anang ng isip niya.
Maingat niyang inayos ang pagkakahiga nito at dahan dahan siyang bumangon para ipagluto ito ng almusal. Hinalikan niya muna ang noo nito bago lumabas ng kwarto.
NAGISING si Terrence dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa isang bintanang hindi pamilyar sa kanya. Dahan dahan siyang bumangon mula sa kama at tumingin sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan siya. Ang huli niyang naalala ay nag lasing siya sa isang bar.
"Where am I?" Sambit niya habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto. Maliit lamang iyon ngunit malinis. Panlalaki ang silid na puno ng mga libro ang gilid na shelves na katabi ng isang maliit na lamesa. May lampshade roon na kulay asul. Tatayo sana siya ng maramdaman ang kirot mula sa kanyang sintido. Napahawak siya sa ulo.
"Gising ka na pala. Ipinaghanda kita ng mainit na sabaw." Sambit ng babaeng pumasok mula sa isang pintuan. Nasa mid forty's ito, maputi, chinita, at nakalugay ang mahabang buhok nito na nakangiti sa kanya.
"Sino ka?" Tanong niya.
"Ako si ate Tina, nakakatandang kapatid ni Sanya. Dinala ka niya rito kagabi. Lasing na lasing ka at basang basa kaya naman binihisan ka ng asawa ko. Mabuti nga at hindi ka pinolmonya." Sabi nito habang inilalapag ang pagkain sa lamesa.
"Salamat.. Hayaan niyo babayaran ko kayo sa itinulong niyo sakin." Sabi niya. Umiling ang babae at ngumiti.
"Hindi mo na kami kailangang bayaran. Masaya kaming nakatulong sayo. Kaibigan ka ng kapatid ko kaya kaibigan ka na rin namin." Sabi nito. "Kung may kailangan ka pa nasa labas lamang kami. Umalis na si Sanya kanina dahil may duty siya sa hospital. Ang damit mo ay malinis na. Nailagay ko na dyan sa banyo para makaligo ka na. Inumin mo na itong advil pagkatapos mong kainin ang almusal mo para guminhawa ang pakiramdam mo." Sabi nito pagkatapos ay tuluyan ng lumabas.
Kahit medyo nahihirapan dahil sa hang over ay pinilit niyang kainin ang inihanda nito sa lamesa. Matapos kainin iyon ay ininom na niya ang gamot na ibinigay nito. Nang maramdaman niya na nawawala na ang sakit ng ulo niya ay pumasok na siya sa banyo para maligo.
MASAKIT. Iyon ang naramdaman ni Elizha ng magising siya. Ramdam niya ang kirot sa pribadong parte ng katawan niya. Maingat siyang bumangon, hinatak ang kumot. Ibinalot ang hubad niyang katawan, umupo sa kama at sumandal sa headboard. Sakto namang papasok si Healton habang hawak ang tray na may laman ng almusal niya.
"Good morning honey." Sambit nito sabay baba ng tray sa lamesa pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at hinalikan siya.
"Good morning hon." Sabi niya na nakangiti, pilit tinatago ang pagkangiwi niya kaya naman alanganin ang ngiti niya. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa mukha niya.
"Okay ka lang hon? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sabay lapat ng kamay nito sa noo niya. Hindi siya makakibo at namumula.
"Masakit... Masakit hon yung ano.." Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil nahihiya siya. Alam naman kasi niya na siya ang pumilit dito kagabi na may mangyari sa kanila.
Unti unting napangiti si Healton, at ang ngiti nito ay napalitan ng tawa. Inis siyang tinampal ang balikat nito.
"Pinagtatawanan mo pa ko.. Kaasar ka!" Sambit niya na naiinis rito. Tumawa lang ito at hinalikan ang pisngi niya.
"Honey. It's normal. You will feel sore down there because it is your first time. Let me see?" Tanong nito na nakangisi. Sa inis niya ay sinabunutan niya ito. Natatawa naman ito sa ginawa niya. "Honey I'm joking."
"Che." Sambit niya na akmang tatayo ngunit naunahan na siya nito at kinarga palapit sa bakanteng upuan. Inayos nito ang pagkapulupot ng kumot sa kanya. Inihain nito ang nasa tray na nasa harap niya. Tuwing gagawin nito ang mga bagay na ganun ay hindi niya talaga mapigilang kiligin.
"Kumain ka ng mabuti honey." Sabi nito na nakangiti. Napangiti siya at sinimulang kumain. Habang kumakain ay walang oras na hindi siya inaasikaso ng binata. She is blessed to have him in her life. Kaya naman hindi niya pinagsisihang ibigay ang lahat dito ng buong buo.
-
A/N: I decided to make a novel of Sanya and Terrence. Pero hindi ko muna ipopost. Tatapusin ko muna ang storyang ito. Ang mga scene nila rito ay pahaphaw lamang sa gagawin kong storya. Kaya naman sa mga nagtatanong kung anong nangyari sa kanila ay abangan na lang po. Salamat.@maxxinajin13💕
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...