LIMANG ARAW na rin ang lumipas mula ng ihatid ni healton si Elizha. Naging busy ang dalaga dahil nalalapit na ang foundation day ng kanilang eskwelahan kaya naman wala siyang balita sa binata. Madalang niya kasing masagot ang tawag nito.
Byernes ng hapon ay maaga siyang umuwi dahil umaga lang ang kanyang klase. Sa hapon ay meeting lang ang naganap. Malapit na siya sa bahay ng mapansin niya ang isang magarang sasakyan. Pamilyar sa kanya iyon dahil iyon ang ginamit nila ni Healton ng inihatid siya nito. Nakadama siya ng Saya at pananabik. Sa ilang araw na lumipas hindi nawala sa isip niya ang binata. At lagi niyang pinapanalangin na sana ay magkita silang muli.
Ngumiti siya at excited na pumasok sa kanilang bahay. Nakita niya ang binata na prenteng nakaupo sa sofa sa kanilang sala. Nakasuot ng itim na T-shirt na pinatungan ng brown na jacket. Napakagwapo nito lalo na ng ngumiti ito sa kanya.
"Eli.." Sambit nito ng makita siya na papasok sa pinto. Tumibok ng mabilis ang puso niya ng marinig ang pag tawag nito sa kanya. Napakasarap sa tenga.
"Healton.. Bakit nandito ka?" Tanong niya sa binata. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. Ipinatong niya rin ang mga gamit niya sa lamesita sa kanyang harap.
"Gusto sana kitang dalawin at anyayahan sa birthday ni mama sa linggo. Isama mo ang kapatid mo at ang mama mo." Sabi nito sa kanya.
"Sigurado ka ba healton? Nakakahiya naman.." Sabi niyan na nahihiya. Hindi pa sila gaanong magkakilala at mayaman rin ang binata kaya naman naiilang siya.
"Oo naman. Gusto kang makilala ni mama." Pamimilit nito sa kanya.
"Hmm.. Sige na nga. Sasabihin ko kila inay." Sabi niya na nahihiya. Hinawakan nito ang kamay niyan at hinalikan.
"Salamat Eli." Sabi nito. Namula ang pisngi niyan sa ginawa ng binata. Bumilis rin ng triple ang pagtibok ng puso niya. Napahawak siya sa dibdib niya.
"Okay ka lang eli? May masakit ba sayo?" Alalang taong nito sa kanya. Umiling siya at ngumiti.
"Wala to Healton." Sabi niya at hinatak ang kamay niya sa binata. Tumayo siya at nagpaalam.
"Magpapalit lang Ako ng damit Healton. Sandali lang ha. Ipaghahanda kita ng meryenda." Sabi niya at pumasok na siya sa loob ng kanyang kwarto.
NAPABUNTONG HININGA si Healton habang nakatingin sa papalayong bulto ni Elizha. Bilang or as din siyang bumiyahe para makitang ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit gusting gusto nilang puntahan ito.
Napapikit siya at hinilot ang sintido. Simula ng makilala niya si Elizha ay wala pa siya ng matinong tulog. Pagoda na pagod rin siya sa trabaho. Bawat gabi laging ang dalaga ang nasa isip niya.
"Healton.. Magkape ka muna iho." Sabi ng ina ni Elizha na si aling Elijha.
"Salamat po tita." Sabi niya at tinanggap ang kape.
"Nagpapasalamat nga pala Ako sa pagtulong sa anak ko ng nasa manila siya." Sabi ng ginang sa kanya.
"Wala ho iyon tita. Masaya along nakatulong Kay Elizha."
"Isa kang mabuting binata iho at napakakisig mo." Papuri nito sa kanya.
"Salamat po." Nahihiya nilang sambit sa ginang. Mukhang tuwang tuwa ito sa kanya.
"Inay.. Nahihiya na si Healton sa inyo." Natatawang sambit ni Elizha. May hawak itong Plato na may laman na kakanin. Lumapit ito sa Manila at inilapag ang pagkain sa lamesita.
"Naku anak. Totoo naman ang sinasabi ko. Kaya kapag niligawan ka ni healton ay botong boto Ako." Sabi ng ginang.
"Inay nakakahiya!" Namumulang sambit ni Elizha habang nakaupo ito sa tabi niya. Natawa naman ang ina nito at nagpaalam.
"Sige na aalis na Ako. Healton ikaw na ang bahala sa dalaga ko ha." Sabi pa nito. Hindi niya napigilang matawa.
"Pasensya ka na sa inay ko. Minsan mahilig talagang magpatawa yun." Sabi ni Elizha na hiyang hiya.
"Wag kang mag alala. Tama naman si tita e." Sabi niya na may ngiti sa labi.
"Na makisig ka?" Tanong nito sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya at ngumiti. Kung pwede niya lang sabihin Kay eli ang nararamdaman niya ngunit masyadong maaga pa para sa kanila.
SA BAHAY na nila nagpalipas ng gabi si Healton. Bukas kasi ay sabay sabay na silang luluwas sa manila para sa kaarawam ng ina nito.
Inihahanda na niya ang higaan nito sa sala. Naglabas siya ng comforter at unan at inilagay iyon sa sofa.
"Salamat eli." Sabi ni Healton sa kanya. Nakatayo ito habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya.
"Walang anuman Healton. Pasensya ka na ha. Dalawa lang kasi ang kwarto sa bahay. Yung isa Kay inay. Tas yung isa saming magkapatid." Sabi niya.
"Ayos lang ito. Salamat at pinatulog mo Ako rito."
"Walang anuman."
"Sige matutulog nako. Maaga pa tayo bukas." Sabi niya sabay tayo. Maglalakad na sana siya pupunta sa kwarto niya ng hawakan ni healton ang braso niya. "Bakit?" Tanong niya sa binata.
"Ah wala. Sige goodnight." Sabi nito at bumitaw sa kaya at humiga sa sofa. Nalilito man ay umalis na siya sa sala at pumasok sa kanya ng silid.
Ano kanya ang sasabihin ni Healton? Sambit niya sa isip na pati sa pagtulog ay nadala niya.
-
A/N: Ano kaya yung sasabihin ni Healton? Abangan.😂@maxxinajin13
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...