Chapter Thirty Five

3.9K 68 6
                                    

SANYA didn't expect to see Terrence at the bar. She was busy talking with her friend when she saw him passing by. Sa totoo lang hindi siya mahilig sa gaanong lugar kasi hindi naman siya party goer. Napilit lang siya ng isang kaibigang nurse na sumama sa party nito kahit hindi naman siya marunong uminom. Sinundan niya si Terrence ng lumabas ito. Kitang kita niya sa mukha nito ang lungkot sa hindi niya malamang dahilan. Kahit masikip at maraming tao sa bar ay pilit siyang nakipagsiksikan para mahabol ito at ng maabutan niya ito ay nakita niya kung paano ito nagpakabasa sa ulan.

He just stands there in the rain, while looking down, and after a couple of minutes, he kneels down. She was shock of what he did. He looks miserable, tired and helpless. Hindi na niya napigilan ang sariling lapitan ito. Nanghiram siya ng payong sa gwardya ng bar at naglakad papunta rito.

"Terrence.." Tawag niya rito. Unti unti itong tumingin sa kanya na may pagtatatanong ang mga mata. Hindi niya na napigilang mapaluha. Ang makitang miserable ito ang lalong pumipiga sa puso niya. Akmang hahawakan niya ito ng bigla itong nawalan ng malay, buti na lang ay nasalo niya ang ulo nito.

"Terrence!" Sigaw niya at yugyog dito ngunit umungol lamang ito. Kinapa niya ito. Mainit ang noo nito. Dali dali siyang humingi ng tulong sa mag taong nasa paligid nila. Buti na lang tinulungan siya ng gwardya at isang bouncer na akayin ang binata papasok sa kotse nito.

Hinanap niya ang susi sa bulsa nito at pinaandar ang sasakyan. Tinignan niya ang payapang pagtulog nito.  Hinaplos niya ang pisngi nito at tinignan ang mukha nito ng bigla itong magsalita.

"Helena.." Bulong nito.

Napabuntong hininga siya at tumingin na lang ulit sa manibela. Hindi niya alam kung san niya dadalhin ito pero hindi naman niya pwedeng iwan to lalo na't ganito ang ayos nito. Ano bang paki niya rito? Pilit na pumapasok sa isip niya ngunit ayaw naman sumunod ng puso niya. Naiiling na lang siya.

Sanya bakit ba ang rupok rupok mo?

ILANG ULIT ng tinatawagan ni Elizha si Terrence ngunit hindi ito sumasagot. Siguro busy ito o kaya naman tulog na ito kaya naman itinigil na lng niya ang pagtawag at pumunta sa kwartong kanyang nobyo. Abala ito sa pagbabasa ng maabutan niya ito sa kama. Lumapit siya sa tabi nito at humiga. Ngumiti naman ito at hinalikan ang kanyang noo.

"Honey anong balita?" Tanong nito. Ibinaba nito ang libro sa lamesita sa gilid ng kama at niyakap siya.

"Hindi siya sumasagot. Bukas ko na lang siya ulit tatawagan hon." Sabi niya. "Siguro naman maayos pa namin ang pagkakaibigan namin no hon?"

"Oo naman hon. Maayos niyo pa yan pero hanggang kaibigan lang ha. Seloso boyfriend mo." Sabi nito na tumatawa. Hindi na niya rin napigilang matawa sa sinabi nito.
Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan. Lagi nitong ginagawa yun sa kanya na nagbibigay ng kakaibang kilig sa puso niya.

"I love you, honey." Bulong nito sa tenga niya. Ngumiti siya at siniksik ang ulo nito sa dibdib nito tapos singhot singhot niya ang amoy nito. "Honey please stop teasing me.." Sabi nito na namumula. Iniwas nito ang tingin sa kanya. Tumingin siya rito na nagtataka. 

"Ha? Ano bang ginawa ko?" Takang tanong niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito. Ngunit pilit pa ein na iniiwas nito. "Honey?" Tawag niya rito. Tumingin ito sa kanya ngunit hindi ito nagsalita. Then slowly, his hand touches her waist, then he kissed her passionately. She couldn't move.

Hindi siya makagalaw ng dahan dahan nitong ipasok ang dila nito sa nakawang niyang bibig. Napapikit siya at kinapit ang mga kamay niya sa batok nito. Gumanti siya sa halik nito. Sa una, nag aalangan siya. Hindi niya alam kung paano pantayan ang ginagawa nito sa kanya. Ngunit ng matutunan niya ng ginagawa nito ay mas naging mapusok pa siya. Hindi niya mapigilang mapadaing sa ginagawa nito sa kanya. Nag iinit siya. Nanabik. Nakakaramdam siya ng pagka uhaw ngunit hindi sa tubig. Mas lalo pa siyang naging mapusok ng maramdaman niya ang kamay ni Healton na naglilikot sa kanyang katawan, ng mapadaing siya ng hawakan nito ang hinaharap niya ay bigla itong tumigil. Para itong nagising sa mahikang bumalot sa kanila. Sinapo nito ang mukha niya at tinitigan siya sa mata.

"Honeyy. Please. Pigilan mo ko. Habang kaya ko pa.." Sambit ni Healton sa pagitan ng paghinga. Ngumiti siya at hinalikan ito ng madiin.

Nothing can stop her from giving all to him.
-
A/N: Good Morning😊
#TeamMarupok

@maxxinajin13💕

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon