NAKATULALANG nakatingin si Elizha sa salamin ng comfort room. Hindi niya inaasahang ang nangyari kanina. Bakit nga ba hindi niya naisip ang nobya nito. Alam niyang may kasintahan ito. Napakapit siya sa lababo ng maramdaman ang paninikip ng dibdib niya.
"Bes?! Okay ka lang?" Sabi ni Sanya na kapapasok lang sa comfort room. Lumapit ito at hinawakan siya.
"O-okay lan-g a..ko" sabi niya na nahihirapang magsalita. Sumandal siya sa pader na banyo. Huminga siya ng malalim at bumilang ng tatlo. Nang naramdaman niyang medyo nawawala na ang pananakit ng dibdib niya ay nagsimula na siyang maglakad, ngunit nakaka ilang habang pa lang siya ay naramdaman niya ang matinding kirot na bumalot sa dibdib niya. Napakapit siya sa kanyang kaibigan.
"Ah!" Sigaw niya.
"Bes?! Bes?!" Panic na Sigaw ni Sanya.
Iyon ang huli niyang narinig bago siya mawalan ng Malay.
"BES!? BES?!" sigaw ni Sanya sa kaibigan. Nawalan ito ng Malay kanya naman nataranta siya. Dali dali niyang inalalayan ito palabas ng banyo. Tamang tama naman ay may lalaking palapit sa kanila.
"Miss what happened?" Tanong nito sa kanya.
"Nawalan siya ng Malay. Tulungan mo kong dalhin siya sa hospital." Sabi niya. Tumango naman ang binata at kinarga si Elizha. Nakasalubong nila si tita Elijha kasama ang magulang ni healton.
"Omygod Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Mrs. Dela Vedra.
"Anak ko.." Naiiyak na sambit ng ina ni Elizha na palapit sa kanila.
"Mamaya ko na po sasabihin tita. Sumunod na lang kayo sa hospital." Sabi niya.
Tumango lamang ang tatlo at sumunod sa kanila. Dinala ng lalaki si Elizha sa isang nakaparadang BMW na itim. Matapos maayos na mahiga ang kaibigan sa loob ng kotse ay pinaharurot nito ang sasakyan sa malapit na hospital.
HINDI alam ni Healton kung paano magpapaliwanag Kay Elizha. Papasok na siya ng mansyon ng marinig ang pagkakagulo sa loob.
"Mom? Anong nangyayari?" Tanong niya sa ina na nagpapanic sa harap niya.
"Iho si Elizha. Sinugod sa hospital." Sabi nito. Bigla siyang kinabahan at napatakbo sa labas ng mansyon. Kitang kita niya ang pagharurot ng BMW palabas sa garahe nila. Wala na siyang sinayang na oras at sumakay sasakyan niya at hinabol ang kotseng sinasakyan ng babaeng mahal niya.
PABALIK balik si Sanya ng paglalakad habang hinihintay ang palabas ng Dr. Mula sa ER. Kasalukuyan nandoon ang kaibigan at tinitigan ng mga doctor. Napahinto siya sa paglalakd ng makita ang lalaking tumulong sa kanya. May sala itong kape at ibinigay sa kanya.
"Don't worry. She's going to be fine." Sabi nito.
"Sana nga. Salamat nga pala. By the way I'm Sanya Balicbic and you are?" Pagpapakilala niya.
"Terrence Cardoja." Sabi nito sabay lahad ng kamay nito sa kamay niya. Ngumiti siya at inabot iyon. Magsasalita sana siya ng bilang lumapit sa kanila ang humahangos na si Healton.
"Sanya si Eli? How is she?" Tanong nito sa kanila.
"N-nasa er pa siya doc. Inatake siya kanina sa comfort room. Kung bakit ba naman kasi binigla mo siya." Sabi niya na iinis. Hindi niya mapigilang magsalita ng ganoon. Ayaw niyang masasaktan ang kaibigan.
"I-im sorry. Hindi ko alam na gagawin ni Freya iyon." Sabi nito. Hindi siya nagsalita at umupo sa upuan na naroroon. Hindi niya alam kung ano pa bang dapat sabihin. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor.
"Sino ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito. Lumapit siya sa doctor.
"Ako po ang kaibigan niya. Papunta na ang mama niya doc." Sabi niya.
"Tatapatin ko na kayo. Mahina ang puso ng pasyente. At sa paglipas ng panahon ay lalo pa itong hihina kung hindi maagapan. Marami namang pwedeng gawin upang malunasan siya ngunit kung hindi niya aalagaan ang sarili niya ay madaling bibigay ang puso niya." Sabi nito. "Sa ngayon ayos na ang lahat niya. Mild lang naman ang atake sa kanya kaso hindi natin alam kung kailan ulit siya aatakihin. Traidor ang sakit sa puso iha kanya naman mas mainam na iwasan niyang mapagod at makaramdam ng matinding emosyon gaya ng labis na Saya at lungkot. And make sure na iinumin niya ang irereseta Kong gamot sa kanya. Ililipat na namin siya sa patients room. Pwede nito na siyang dalawin doon." Sabi nito.
"Salamat doc." Sabi niya. Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito pero hindi rin mawala sa kanya ang pangamba.
-
A/N: Sino si Terrence? Kakampi o kalaban?@maxxinajin13
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
Roman d'amourPregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...