HINDI mapigilan ni Terrence na masaktan sa nasaksihan. Nakatayo siya sa may pinto habang tinitignan ang pag hahalikan ni Elizha at ni Healton. Yayayain na sana niya itong umuwi dahil may meeting siyang pupuntahan ngunit iyon ang tagpong Nakita niya. Bumuntong hininga siya at sinara ulit ang pintuan. Mukhang kahit Anong gawin niya ay hindi siya ang pipiliin nito. Siguro mas mainam na hayaan na lang niya ang dalaga na mahalin si Healton. Sabi nga nila, if you loved someone, let her go.
Siguro maraming tao ang maawa sa kanya, pero ano ba ang pakielam nila. He liked Elizha. She is a reminder of the woman he loved before. Si Helena. Helena is beautiful, smart and talented. They'd been for five years in a relationship. Plano na nilang magpakasal ngunit bigla itong binawian ng buhay dahil sa sakit sa puso. Dahil Kay Elizha naalala niya ang dati niyang kasintahan. Kung sana nalaman niya lang ang kalagayan nito dati, siguro kasal na sila nito. He felt guilty for Helena.
At itong pagtulong niya sa dalaga ang nagpapawala ng guilt feeling niya. Palabas na siya ng hospital ng bilang may sumalubong sa kanyang mestisang babae. Maganda ang katawan nito. Nakangiti ito sa kanya."Hi. I'm Freya Ramirez. You're Terrence Cordoja right? Can we talk?" She asked while looking at him.
"Sige." Sabi niya. Lumabas sila at pumunta sa pinaka malapit na restaurant. Hindi niya alam kung Anong kailangan nito sa kanya pero curious siya kung Anong sasabihin nito. Nang makaupo na sila sa harap ng pangdalawahang lamesa ay tinanong niya ito.
"Anong gusto mo? Order na tayo?" Tanong niya sa dalaga. Ngumiti ito.
"Coffee is okay. Hindi naman tayo magtatagal. May sasabihin lang ako sayo." Sabi nito.
"Okay. Waiter two brewed coffee." Sabi niya sa waiter na naghihintay ng order nila. At nang umalis na ang waiter ay nagsalita ulit ito.
"Do you like Elizha Cutillion?" She asked. Nagulat siya sa tanong nito at nagtaka.
"Pardon?" Sabi niya. Baka kasi namali lang siya ng rinig.
"Sabi ko gusto mo ba si Elizha? I can help you with her." Sabi nito na seryoso. Napailing siya at natawa.
"Help me? It's too late. Sila na ni Healton kaya wala na Kong magagawa." Sabi niya. Sumama ang mukha nito. May pait siyang Nakita sa mga mata nito. "Hey! You're mad." Sabi niya. Umirap lang ito at nagsalita ulit.
"Hindi pa naman sila kasal e. May pag asa pa tayo. Ayaw mo bang tuluyan mo ng makalimutan ang guilt mo?" Sabi nito. Nagulat uli siya sa sinabi nito. Mukhang marami itong alam sa kanya.
"Paano mo malaman yan? Sino ka ba?" Tanong niya.
"Hindi na importante kung sino ako Terrence. I'm here to help you. And I know a lot of things about you. Specially things about your dead fiance." Sabi niya. Kumuyom ang kamao niya at nagtangis ang bagang niya. Sino ito para ungkatin ang pagkamat ng babaeng minahal niya.
"You know miss, its rude to talk about my dead fiance. At pwede ba kung wala kang matinong sasabihin tigilan mo na ako. Sinasayang mo ang oras ko." Sabi niya na naglapag ng pera sa lamesa at tatayo na sana ngunit pinigilan siya nito.
"Hindi ko sinasadyang idamay ang ex mo. Gusto ko lang kasing tulungan mo ako.." Sabi nito. Bumuntong hininga siya.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong niya at umupo ulit.
"I know you like Elizha and I'm willing to help you to get her." She said.
"Why? Bakit gusto mo akong tulungan?" Tanong niya rito.
"Nasa kanya ang taong mahal ko. Inagaw niya, at hindi ako papayag na magkatuluyan sila." Sabi nito. Madilim ang mukha nito.
"So your using me to get healton. Nang sa ganoon mapaghiwalay sila. How desperate." Sabi niya. Tinignan siya ng masama nito.
"Hindi lang naman ako ang makikinabang rito. Pwede mong makuha si Elizha, at siya nga pala hindi ka pwedeng tumanggi kung ayaw mong tuluyang magalit sayo si Elizha." Sabi nito na nakangisi.
"What do you mean?" He asked.
"Diba ikaw ang sponsor niya? Hindi mo sinabi sa kanya dahil alam mong tatangi siya. At paano kung malamang niya na kaya mo siya tinutulungan ay para mawala ang guilt mo sa pagkamatay ng ex fiance mo. Siguradong masasaktan si Elizha pag nalaman niya ang motibo mo." Sabi nito.
"Shut the fuck up!" Sigaw niya rito. "Hindi ko alam kung saan mo nalaman yan. Pero I'm warning you Freya! Don't ever tell her what you knew." Pagbabanta niya. Ngumiti lamang ito sa kanya.
"Kaya nga kung ako sayo ay tutulungan mo na ako. Umpisahan natin sa plano kung paano sirain ang relasyon nila." Sabi nito at tumawa ng nakakademonyo. Alam niyang Mali ang gagawin niya pero ayaw niyang masaktan si Elizha at tuluyan siyang layuan.
--
A/N: may binabalak ang demonyita. Nablack mail pa si Terrence. Paktay tayo dyan.@maxxinajin13❤
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...