Chapter Fifteen

6K 103 5
                                    

NAGISING siya sa paligid na hindi pamilyar sa kanya. Kulay puting dingding, puting kumot, puting pintura ng paligid at Amoy gamot na kapaligiran. Ramdam niya rin ang panghihina ng katawan. Napatingin siya sa gilid niya, nakadukmo si Healton at hawak ang kanyang kamay. Kahit nanghihina ay iniangat niya ang kanyang katawan para makaupo. Pinagmasdan niya ang mukha ng binata. Tulog na tulog ito. Hinaplos niya ang pisngi nito gamit ng kaliwa niyang kamay. Dahil sa ginawa niya ay nagising ito.

"Eli.." Sambit nito. Ngumiti siya rito.

"Good morning." Sabi niya.

"Eli.. Galit ka ba sakin. I'm sorry eli." Sabi nito sabay yakap sa kanya. Nagulat siya sa ginawa nito ngunit yumakap rin siya dito. Hindi niya mapigilang maluha.

"H-hindi ako galit. Dapat nga akong humingi ng paumanhin sa nobya mo e." Sabi niya. Tumingin ito sa kanya at pinahid ang luha niya.

"Hindi ka dapat mag sorry sa kanya. Wala na kami Eli." Sabi nito. Kumunot ang noo niya.

"P-pero ang sabi niya kagabi..."

"Hindi totoo yun. And I'm sorry for letting her hurt you honey." Sabi nito na puno ng pagsisisi ang mukha. Hinaplos nito ang pisngi niya. "I'll promise I won't hurt you again eli."

Tuluyan na siyang humagulgol.

"Hey honey.. Makakasama sayo ang pag iyak. Tahan na." Sabi ni Healton.

Inis niyang pinagtatampal ang dibdib nito. "Ikaw kasi pinapaiyak mo ko. Akala ko .. Nobya mo pa rin siya. Hindi mo alam kung gaano masakit malamang yun. Sasapakin talaga kita pag sinaktan mo ko ulit" Sabi niya naiiyak. Natawa naman si healton at pinigilan ang mga kamay niya.

"Shh.. Honey lagi mong tatandaan ano man ang nangyari hindi ko hahayaang masaktan ka. Ganoon ka ka special sa akin at patawarin mo ako kagabi." Sabi nito. Tumango siya at ngumiti.

"Pinapatawad na kita Healton." Sabi niya. Hinalikan nito ang noo niya at pisngi. Pagkatapos ay ang tungki ng Ilong niya. Hahalikan sana nito ang labi niya ng makarinig sila ng katok.

*tok*tok*

Pumasok ang isang nurse kasama ang mama ni Elizha at si Sanya. Nakasunod rin ang mga magulang ni Healton.

"Mukhang nakaistorbo ata tayo balae." Sabi ng mama ni Healton. Namula siya at napayuko. Konti na lang kasi ay magdidikit na ang labi nila ng mabuksan ang pinto. Ngumiti lamang ang ina niya sa ginang at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito at nagsalita.

"Anak bakit hindi mo sinabi na may dinaramdam ka. Sa doctor ko pa malalaman na may sakit ka." Sabi nito na puno ng pag aalala.

"Sorry inay." Sabi niya.

Bumuntong hininga ito at pinisil ang kanyang mga kamay.

"Labi mong tatandaan na nandito lamang ako para sayo anak. Gagawin natin ang lahat para mapadali ang pag galing mo. Alagaan mo ang sarili mo." Sabi ng kanyang ina. Napahikbi siya at yumakap dito.

"Opo nay. Patawarin nito po ako kung pinag alala ko kayo." Sabi niya.

"Tahan na anak.." Sabi ng kanyang ina. Yumakap siya ng mahigpit rito.

ILANG araw na rin ang nakalipas mula ng maconfine siya sa hospital. Ayaw kasi siyang palabas in ni Healton at kanyang ina hanggang hindi pa bumabalik ang lakas niya. Sa ilang araw na nasa hospital siya ay palaging dumadaan si Healton sa kwarto niya para alagaan siya. Madalas din dumalaw si Terrence sa kanya. Ito ang binata ng nagdala sa kanya sa hospital ng nawalan siya ng Malay. Mabait ito, maalahanin at gwapo kaya kadalasan ay may mga nurse na sumisilip dito pag nagpupunta ito sa kwarto niya. Natatawa na lang siya tuwing nagkukumpulan ang mga nurse sa pintuan niya.

"Hindi ka talaga nagsasawang dalawin ako no kaya ayan ang daing nurse sa pinto ko." Sabi niya na natatawa. Tumawa lang ang binata at nagbalat ng ponkan at ibinigay sa kanya. Wala si Healton dahil may pasok ito sa trabaho. Si Sanya naman ay busy rin kaya hindi gaanong makadalaw. Umuwi na sa probinsya ang kanyang ina at kapatid.

"Ayaw mo nun sumisikat ka." Sabi nito na nakangisi. Tinampla niya ang balikat nito.

"Sira, ikaw ang sikat. Hindi ako." Sabi niya. Isang engineer ang lalaki. May kompanya itong pinamamahalaan kaya nakakapagtaka na labi itong may oras ito sa pagdalaw sa kanya.

"Edi nahahawa ka na sa kasikatan ko." Sabi nito na nagyayabang. Natawa siya at naiiling.

"Ewan ko sayo. Hindi ka ba busy?" Tanong niya.

"Ako? Hindi naman at sala para sayo hindi ako magiging busy." Sabi nito. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Talaga lang ha? Bakit importante ba ko sayo?" Tanong niya. Tumingin ito sa mga mata niya at nagseryoso ang mukha nito.

"Paano kung sabihin Kong oo? Anong sasabihin mo?" Sabi nito. Ngumiti siya.

"Ang swerte ko namang kaibigan mo." Sabi niya at natawa.

"Higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo Eli." Sabi nito. Nagtaka siya at napatigil sa pag nguya ng ponkan.

"Ano?" Tanong niya.

"I like you.. I like you a lot Eli" Sabi nito. Tuluyan ng nalaglag ang prutas sa kamay niya. Natigalgal siya sa sinabi nito.

Ano raw? He like me?!

--A/N: haba naman ng hair ni Elizha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--
A/N: haba naman ng hair ni Elizha. Haha. Pinag aagawan😂
Sana oil.all.ol😂

@maxxinajin13

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon