Chapter Thirty

4.2K 70 3
                                    

HINDI mawala ang ngiti ni Healton habang nakatingin Kay Elizha, kasalukuyan silang nasa kotse. Papunta sila ngayon sa grocery store para bumili ng stocks. Kakalabas lang nito sa hospital. Ayaw na sana niyang isama itong mamili pero mapilit ang kanyang nobya.

"Sigurado ka ba honey na sasama ka? Hindi ka ba pagod?" Tanong niya rito.

"Paano ako mapapagod e puro higa lang naman ang ginawa ko sa hospital." Sabi nito. Natawa siya at hinawakan ang kamay nito.

"Basta pag feeling mo napagod ka sabihin mo sakin ha." Sabi niya. Ngumiti ito at tumango.

"Opo Doc." Sabi nito. Hinalikan niya ang mga kamay nito at nagfocus na sa pagmamaneho. Makalipas ang ilang minuto ay nasa grocery store na sila. Hindi naman marami ang kailangan nilang bilhin dahil may stocks pa naman siya. Karagdagan lang ang kailangan dahil sa condo na niya titira ang dalaga. Napag usapan nila na mas mainam na kasama niya ito dahil hindi siya mapapalagay pag wala ito sa tabi niya.

Lalo pa ngayon na hindi niya alam kung anong balak ni Freya. Hindi niya alam kung titigil na ito. Nakausap na rin niya si Ramil at sinabi niya ang lahat ng nalalaman niya. Sa ngayon ay iniimbestigahan na nito si Freya. Makalipas ang ilang minuto ay nasa grocery store na sila. Kumuha siya ng push cart at itinulak iyon habang nasa tabi niya si Elizha. Hindi naman marami ang mga tao kaya naman madali silang natapos. Bumili rin sila ng mga damit ni Elizha dahil walang natira rito dahil sa sunog. Matapos nilang mamili ay pumunta muna sila sa mansyon para doon mananghalian.

HINDI mapigilang kabahan ni Elizha habang nasa hapag kainan ng mansyon ng Dela Vedra. Kumpleto ang pamilya ni Healton kaya naman dumoble ang kaba niya. Kahit magiliw ang mga ito sa kanya ay di niya mapigilang manliit kasi napakayaman ng pamilya nito. Maraming pagkain ang nakahain, halatang pinaghandaan ng ginang ang tanghalian para sa kanila.

"Iha kumain ka ng mabuti." Sabi ng mama ni Healton na si Mrs. Hillary.

"Sa-salamat po." Sabi niya na naiilang. Ngumiti siya pagkatapos ay sinimulan na niyang kumain. Medyo mahapdi ang braso niya dahil sa natamo niyang paso kaya naman nahihirapan siyang kumain.

"Honey subuan na lang kita." Sabi ni healton pagkatapos ay iniumang ang kutsara sa kanya.

"H-healton nakakahiya.." Sabi niya na namumula. Hindi naman pinakinggan ni Healton ang sinabi niya at mas inumang pa ang pagkain kaya naman wala siyang nagawa kundi isubo yun. Natawa si Hailey at ang mama nito. Samantalang sila Harry at Hans ay napapangiti na lang.

"Ang sweet nila Mahal. Bagay na bagay talaga sila ni Elizha." Sabi ng mama nito sa esposong katabi nito.

"Yes mahal. Bagay na bagay sila." Nakangiting sambit ni Don Arthur dela Vedra. Hindi tuloy siya makatingin sa mga ito. Hinawakan ni Healton ang kamay niya.

"Honey huwag kang mahiya kila mama. Minsan mas sweet pa ang dalawang yan daig pa nga teen ager e. Minsan nga kami pa ang nahihiya sa kanila." Sabi nito. Hindi niya mapigilang mapangiti sa sinabi ng nobyo.

"Tama si kuya Healton ate. Kaya nga minsan hindi na lang kami tumitingin." Dagdag pa ni Hailey na nakapagpatawa sa kanya. Natawa na rin ang lahat sa lamesa.

"Ganoon talaga pag in love ka. Kahit matanda na kayo ay magiging sweet kayo sa isa't isa." Sabi ni Mrs. Hillary pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ng asawa na nasa gilid ng lamesa. Para sa kanya nakakahanga iyon dahil hindi nahihiya ang mga itong ipakita kung gaano sila ka inlove sa isat isa.

"And when you love someone, you'll never ashamed of it." Dugtong naman ng esposo nito na hinalikan ang noo ng asawa. It made her smile again. Ngayon alam niya na kung San nagmana ang binata sa ugali nitong malambing. Kitang kita niya kung anong pamilya meron ito. Isang masaya at mapagmahal na pamilya. Pinisil niya ang kamay nito na hawak niya. Tumingin ito sa kanya ng nakangiti.

'Thank you.' She mouthed to him.
Lalong lumuwang ang ngiti nito at bumulong sa kanya.

"Your welcome honey, and by the way.. I love you." Sabi nito sabay halik sa pisngi niya. At para sa kanya, iyon ang pinakamasayang tanghalian ng nangyari sa kanya mula ng mawala ang kanyang ama.
-

Sorry late update.

@maxxinajin13💕

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon