Chapter Nineteen

4.9K 94 1
                                    

ANG planong pag punta ni Healton sa Bulacan ay hindi na Natuloy. Bukod sa ayaw siyang tantanan ni Freya ay dumami ang pasyenteng nangangailangan sa kanya kaya naman hindi siya makaalis. Isang linggo na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Elizha. Gustong gusto niya ng makita ito.

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng records ng pasyente niya ng bilang pumasok si doc. Esguera sa opisina niya.

"Healton.. I came here to say the news." Sabi nito sa kanya at umupo sa harap niya.

"Ano yun doc?" Tanong niya sa kaibigan doctor. Abala pa rin siya sa pagbanasa ng mga records kaya naman hindi niya ito tinitignan.

"I have a patient named Elizha Cutillion. Did you know her? I remember her e. Diba yun yung dalagang dinala mo sa hospital nung nakaraang buwan?" Tanong nito sa kanya. Mula sa binabasang record ay napatingin siya sa kaibigan.

"Nasan siya?" Tanong niya sabay tayo.
Palabas na sana siya ng opisina ng pigilan siya nito.

"Hey heal. Wala na siya. Kanina pa siya umalis kasama si Mr. Cordoja." Sabi nito. Bumuntong hininga siya at umupo ulit sa harap ng lamesa niya.

"Sino si Mr. Cordoja?" Tanong niya.

"I don't know. Maybe her boyfriend. Iba tingin nun Kay Elizha. He looked at her with affection." Sabi ng doctor. Nagtangis ang bagong niya. Sino kaya ang lalaking yun? Parang gusto niyang pumatay.

"Hey. Okay ka lang. Hmm. Someone is jealous." Sabi nito na natatawa. Inis siyang bumaling dito.

"How is she? Kamusta ang puso niya? Is she doing good?" Tanong niya ng may pag aalala.

"Isa isa lang heal. How is she? She's fine. Kamusta ang puso niya? Ayos naman. Mukhang maganda ang lagay nun ngayon. Is she doing good? Yeah I think so. Madalang na raw kasi sumasakit ang puso niya. And I tell her that I recommend someone who's good in heart. Hindi naman kasi iyon ang specialty ko. You know I'm a hepatologist." Sabi nito. Napangiti siya sa sinabi nito.

"That's good. Mabuti naman at ayos ang lagay niya." Sabi niya.

"Yeah at mas magiging maayos pa ang lagay niya kung titignan mo siya. I recommended you to her. Hindi niya pa alam na ikaw iyon. Sinabi ko lang na ang pinakamagaling na cardiologist ang gagamot sa kanya." Sabi nito na nakangiti.

"Salamat tol.. I owe you one." Sabi niya sa kaibigan.

"You're welcome. Sige mauna na ako, may pasyente pa ako e." Sabi nito. Tumango siya sa kaibigan. Mukhang may paraan na siya para hindi iwasan nito. Napangiti siya sa Naiisip niya.

DAHIL sa manila magpapagamot si Elizha ay tinigil na muna niya ang pagtuturo. Nagresign siya sa eskwelahan at sa bahay siya ni Sanya naninirahan. Gusto mang sumama ng kanyang ina sa kanya ay hindi niya pinayagan. Mas kailangan ito ng kapatid niyang si Ella. Sa tulong ni Terrence ay masisigurado niya na ang pag galing niya. Lagi itong nasa tabi niya. Nagtataka man siya dahil hindi nito sinasabi ang sponsor niya ay hinayaan na lamang niya ang binata. Ngayon araw ang pangalawa niyang konsulta. Sabi ni Dr. Esguera ay irerefer raw siya nito sa mahusay na cardiologist na kaibigan nito. Kasama niya si Terrence ng araw na iyon. Hindi naman daw ito kailangan sa kompanya nito kaya lagi siyang nasasamahan nito. Naiisip niya, paano kaya kung si Healton ang kasama niya ngayon, sigurado masaya ng masaya siya. Nang maisip ang binata ay naalala niya ang mensaheng pinadala nito kanina.

'I miss you. See you soon.'. Maikli man ang mensahe ay libo libong kilig ang naramdaman niya. Miss na miss na niya ito. Kamusta na kaya ang binata?
Nakatunganga siya habang iniisip si healton ng pisilin ni Terrence ang pisngi niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bench sa harap ng hospital.

"Uy eli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uy eli. Ang lalim ng iniisip mo ha?" Tanong nito sa kanya.

"Ah. Wala lang may naalala lang ako." Sabi niya at tinanggal ang pagpisil ng pisngi nito sa pisngi niya.

"Hmm. Pogi ba yung iniisip mo? Mas gwapo ako dun." Sabi nito na may pagmamayabang sa tono. Natawa siya at tinampal ang balikat nito.

"Mas gwapo pa rin ying iniisip ko." Sabi niya na natatawa. Sumimangot ito at nagpout. Napakacute nito.

"Di tayo bati." Sabi nito na parang isip bats. Natawa siyang ng malakas at umiling.

"Sira ka talaga. Tara na nga. Baka hinihintay na tayo ng magiging doctor ko." Sabi niya at tumayo. Naglakad na siya at sinundan nito. Hindi nila napansin ang pagsubaybay ng isang tao sa kanila.

-
A/N: Mukhang magkikita na silang dalawa ulit. Ano kang magiging reaksyon ni Elizha.

Cute ni Terrence. 😍

Mukhang may pinaplano si Healton ah.

Dr. Esguera at your monitor. Gwapo ni doc. He is a hepatologist.

Hepatologist is the doctor of liver. Sa mga mahilig sa alak diyan at sira na ang atay. Pakonsulta kayo Kay doc. Haha.

-@maxxinajin13💖

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon