A/N: Warning! This chapter contains words that are not suitable for young readers. Words that used in this story is just filled by the imagination of the writer. Parental guidance is advice.
GABI NA ng makauwi si Elizha at Healton sa condo unit nito. Napasarap kasi ang pag uusap sa mansyon kaya naman ginabi silang dalawa sa pag uwi. Sobrang giliw ng pamilya ni Healton sa kanya kaya naman gumaan talaga ang pakiramdam niya. Matapos pumasok sa bahay ay naupo siya sa sofa. Nakangiti lang siya habang tinitignan si Healton na abala sa pag bubuhat ng mga pinamili nila.
Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya."Welcome home." Sabi nito sabay halik sa noo niya.
"Salamat, sobrang Saya ng araw ko ngayon." Sabi niya sa binata. Ngumiti ito at niyakap siya ng mahigpit. Hinalik halikan nito ang buhok niya.
"Masaya din ako honey. Masaya akong kasama kita." Sabi nito. Yumakap siya sa binata ng mahigpit at hinalikan niya ang palibot ng pisngi ng nobyo. Natawa naman si Healton sa ginawa niya.
"Honey wag kang ganyan. Nakikiliti ako." Sabi nito. Natawa naman siya at itinuloy pa rin ang paghalik rito. Todo iwas ng mukha si Healton habang tumatawa ngunit hinahabol niya ang pag iwas nito kaya naman hindi sinasadyang nakumbabawan niya to. Natigilan sila pareho sa ayos nilang dalawa. Nakatingin si Healton sa mukha niya at ganoon din siya.
"H-honey.." Utal na sambit ni Healton. Unti unti niyang nilapit ang mukha sa mukha nito hanggang sa katiting na agwat na lang ang pagitan nila. Ngumiti siya at hinalikan ang labi nito. Sa unang pagkakataon ay siya ang nanguna sa halikan nila. Tinugon naman ni Healton ng buong suyo ang halik niya. Mapusok ang halik, marubrob at mapaghanap. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaiba sa halik nito. Hindi niya mapaliwanag, parang nag iinit siya. Nag hiwalay lang sila ng maramdaman nila ang pagkakapos ng hininga. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.
"I love you Elizha and I respecting you. Hindi ka pa handa para doon kaya please huwag mo akong akitin. Nahihirapan ako." Sabi nito. Hindi niya mapigilang mamula. Nakakahiya na siya pa ang nanguna. Alam niyang nagpipigil ito. Ramdam niya na nahihirapan ito.
Nakahiga siya sa dibdib nito habang yakap yakap siya nito. She heard his heart beats. Ang bilis ng tibok noon, kasing bilis ng sa kanya. Napapikit siya habang nakayakap dito. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa dibdib nito.
MAINGAT na pinangko ni Healton si Elizha. Mahimbing ang tulog nito sa dibdib niya. Muntikan na siyang bumigay kanina. He wants her badly but he can't. Hindi pa ito magaling dahil sa sunog at alam niya na wala itong karanasan sa ganoon. Gusto niyang ingatan ito at alagaan, na ngayon niya lang ginawa sa nakarelasyon niya. He is a certified playboy before and he just fuck who ever he wants. But not her Elizha. Iba ito sa lahat at ayaw niyang masaktan ito. She changed him.. A change that made him a better person.
Naglakad siya papunta sa kwarto nila at dahan dahan niyang inilapag si Eli sa malambot na kama. Sobrang himbing ng tulog nito, marahil ay napagod ito ngayon araw. Kinumutan niya ito at hinalikan sa noo. Kontento na siya na yakap niya ito. Siguro nga habang lumilipas ang mga araw ay lalong lumalalim ang pagmamahal niya dito. Na hindi lamang mababaw ang pag ibig niya rito. He finally saw what love is, katulad ng pag ibig ng kanyang mga magulang sa isat isa. Pag ibig na kayang hamakin ang lahat. Pag ibig na handang gawin ang lahat para sa isat isa. Pag ibig na Kay Elizha niya lang nakita.
GALIT NA ibinato ni Freya ang hawak niyang bote ng alak sa pader. Kagagaling niya lang sa opisina ng pulisya para sa ilang paulit ulit na katanungan. Buti na lamang at kakilala niya ang hepe na kaibigan ng kamyang ama kaya naman nalusutan niya ang gusot na yun ngunit hindi pa rin siya sigurado dahil tuloy pa rin ang pag iimbestiga sa kanya.
Alam niyang kahit anong gawin ng mga pulis ay wala silang makikitang ebidensya dahil sunog na ang regalong ipinadala niya kay Elizha at ang mga binayaran naman niyang sumunog sa bahay ni Sanya ay nakalayo na. Inimbestigahan lang naman siya dahil siya ang may malaking motibo para saktan ang Elizha na yun pero hanggat wala silang nakukuhang ebidensya ay walang makaka-pagpakulong sa kanya. Napangisi siya. Mautak talaga siya. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at umupo sa gilid ng kama. Maingat niyang binuksan ang kabinet na nasa gilid ng kama at inilabas roon ang Methamphetamine o crystal meth na lusaw na nakalagay sa injection. Ang Methamphetamine ay isang uri ng droga na tumutulong sa kanyang magpapayat ngunit nakakaadik ito. Madalang siyang gumamit nito, maliban na lang pag stress siya at feeling niya tumataba siya. Bilang modelo ay nakasanayan na niya ito dahil ito ang madalas gamitin ng kapwa modelo niya. Illegal ito ngunit nakakapgpuslit sila. Itinurok niya ito sa sarili at nakangiting nahiga sa kama. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo siya at nagsalita.
"Kung inaakala mong titigil ako Healton pwes nagkakamali ka! Kung hindi ka rin naman mapupunta sakin. Hindi ka mapupunta sa kahit kanino man! Walang makikinabang sayo. Tandaan mo yan!" Galit niyang sigaw pagkatapos ay kinuha niya ang larawan ng dating nobyo na nasa gilid ng higaan niya. Tumawa siya na parang nahihibang.
-
A/N: WAG PONG TULARAN SI FREYA. Now you know kung bakit siya nababaliw.Akala nila SPG😂
@maxxinajin13
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...