Chapter Thirty Three

3.8K 62 4
                                    

AFTER eating lunch, Sanya decided to shop with Eli. She was busy looking for a cheap dress when she saw Elizha talking to a man named—Terrence. Nakangiti ito habang kausap ang kaibigan. Nakaramdam siya ng sakit. Yes, she's jealous. She like him but he doesn't know. He likes him but she's just a friend. She smile and walk towards them. Kahit na kinakain siya ng selos hindi niya kayang magalit sa kaibigan kasi alam naman niya na wala itong pag tingin sa binata at wala naman siyang karapatan.

"Uy bes?" Tawag niya sa kaibigan na abala sa pakikipag usap rito. Lumapit si Elizha sa kanya at nagsalita.

"Sanya tignan mo oh nandito rin si Terrence." Sabi nito na nakangiti. As if coincidence lang ang nangyari. Ang hindi alam ng kaibigan ay nag tanong si Terrence sa kanya kung nasan sila.

"Hi Sanya." Sambit ni Terrence. Ngumiti siya ng pilit.

"Oo nga bes e. Siya nga pala kailangan kung umuwi. May importanteng pinapasuyo si tita sakin. Mauna na ako sa inyo. Sige Terrence sa susunod na lang ." Paalam niya. Humingi kasi ng pabor si Terrence sa kanya na makausap ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito pero hindi na siya nagtanong. Para San pa e epal lang naman siya sa love triangle ng tatlo.

Sumimangot si Elizha at yumakap sa kanya.

"Ay ganoon bes? Sige. Ingat ka." Sabi nito. Niyakap niya rin ito pagkatapos ay bumeso na. Naglakad na siya palayo sa dalawa habang pilit na nilalabanan ang lungkot na bumabalot sa kanya.

'How can I like the person who's blind of my existence?' Bulong niya sa isip niya.

NAKATINGIN si Terrence sa papalayong bulto ni Sanya. Sa tulong ni nito ay nalaman niya kung nasan si Elizha kaya hindi coincidence na nagkita sila. Gusto niya kaaing makausap ito. Gusto niya ng umamin sa dalaga ang tinatago niya. She needs to know. Hindi na kasi kaya ng konsensya niya magsinungaling sa dito.

"Tara na sa hospital? Baka kasi hinahanap na ako ni Healton." Sabi ni Elizha na nakangiti sa kanya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng guilt pag nakikita niya itong nakangiti sa kanya na parang wala siyang ginagawang kasinungalingan dito.

"Sige ihahatid na kita." Sabi niya, kumapit ito sa braso niya. Nakaka ilang hakbang palang sila ng makita niya ang papalapit na si Freya. Nakangiti ito. Nakaramdam siya ng kaba sa ngiti nito.

"Well, well, what a lovely couple. Bagay talaga kayo Elizha. Bakit hindi na lang siya ang landiin mo? Layuan mo ang Healton ko!" Galit na sabi nito.

"Ayoko ng away Freya. Pakiusap tigilan mo na ako." Sabi ni Elizha rito. Ngunit tumawa lang si Freya at akmang lalapitan ito pero iniwas niya.

"Huwag kang gumawa ng eskandalo dito Freya. Pwede bang tigilan mo si Elizha?" Galit niyang sigaw rito. Hinawakan niya ang kamay ni Elizha at hinatak palayo sa babae. Tumawa si Freya na nakakaloko at nagsalita.

"Ang tapang mo ngayon Terrence ha? Bakit hindi mo sabihin sa kanya? Baka gusto ako ang mag sabi sa kanya?" Sabi nito na nakangisi. Napahinto sa paglalakad si Elizha at tumingin sa kanya na may  pagtatanong sa mata.

"Anong sinasabi niya Terrence?" Tanong nito. Hindi siya kumibo at pilit na pinalakad ang dalaga.

"Please Elizha, we need to go. Sasabihin ko rin sayo but please trust me." Sabi niya rito. Hindi na kumibo ang dalaga at sumunod sa kanya. He hope that she listen and don't get mad at him, dahil siguradong ikalulungkot niya ang galit nito ngunit tatanggapin niya ang magiging reaksyon nito.

NAGTATAKA MAN ay hindi na kumibo si Elizha at sumunod na lamang kay Terrence. Halatang rito ang balisa at kaba. Nang makasakay sila ng kotse nito ay hindi ito nagsalita. Pinaandar na lamang nito ang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang destinasyon nila ngunit hindi na siya nag tanong.
Huminto sila sa isang sementeryo. Tumingin siya rito ng may pagtataka.

"Anong ginagawa natin dito Terrence?" Tanong niya. Hindi ito nagsalita at lumabas ng kotse, pagkatapos ay inalalayan siya nitong lumabas. Naglakad sila ng ilang sandali hanggang bumungad sa kanya ang isang puntod. Nagtataka man ay tinignan niya iyon.

Helena Hidalgo
1989-2017

"She is my Helena, she is my fiance Elizha." Sabi ni Terrence habang nakatingin sa puntod. Bigla siyang napabaling rito. Kitang kita niya ang lungkot sa mukha nito.

"Sorry Terrence for your lost." Sabi niya rito. Bigla siyang nahabag sa kaibigan. Hindi niya alam na may pinagdaraanan pala ito sa likod ng mga ngiti nito. Tumingin ito sa kanya at pilit ngumiti.

"I want you to meet her. She died 3 years ago because of heart failure." Sabi nito. Natigilan siya. "At tuwing nakikita kita ay pakiramdam ko ay nakakabawi na ako sa kanya dahil ako ang may kasalanan sa pagkawala niya. Mas inuna ko ang pagtatrabaho kaysa sa relasyon namin kaya naman huli ko ng nalaman na may sakit siya. " Sabi nito. Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. "And when she's gone, everything fell apart on me. Nawala ang babaeng pinag alayan ko ng pagmamahal ko, then you came. You help me forget my guilt. Nagustuhan kita kaya naman gumawa ako ng paraan para mapalapit sayo." Sabi nito. Nagtatakang nagpatingin siya dito.

"Elizha, I am your sponsor." Sabi nito. Para siyang sinampal sa sinabi nito. Kaya pala tuwing tatanungin niya kung sino ang sponsor niya sa pagpapagamot ay lagi nitong iniiba ang usapan.

"P—ero bakit ka nagsinungaling? Maintindihan ko naman e. Pero bakit Terrence?" Tanong niya na may bahid ng lungkot. Lungkot dahil nagsinungaling ito sa kanya.

"I am afraid of rejection Elizha. At alam kung tatanggi ka kaya naman nagsinungaling ako. I'm very sorry. Please Elizha." Sabi nito na hinawakan ang mga kamay niya.

"I—iyon ba ang sinasabi ni Freya kanina?" Tanong niya rito.

"Partly yes, she black mailed me. Sasabihin niya ang lahat ng iyon kung hindi ako makiki- pag tulungan sa kanya para malayo kayo sa isa't isa ni Healton kasi mahal kita at baliw na baliw siya sa nobyo mo.." Sabi nito. Tuluyan ng tumulo ang luha niya at sinampal ito.

"Hindi pagmamahal yan Terrence! Niloloko mo ang sarili mo! Paano mo nagawa sakin ito?" Bumitaw siya rito at naglakad palayo rito ngunit humabol ito sa kanya.

"Elizha please listen. Yes I admit. I've done something but I stopped. Simula ng makita ko kung paano mo ka mahal si Healton para piliin mo siya huminto na ako. Pinilit kung lumayo. Pinilit kong kalimutan ka. Patawarin mo ko Elizha." Sabi nito.

"Alam mo Terrence, mapapatawad naman kita. Hindi ako ganoon kababaw para hindi ka maintindihan. Pero alam mo yung masakit sa ginawa mo? Sinira mo ang tiwala ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag tiwala sayo." Sabi niya. Tuluyan na siyang lumayo rito at naglakad palabas ng sementeryo. She needs time and space to think. Hindi yata niya maproseso lahat ng nalaman niya ngayon.

-
A/N: Sorry for not updating yesterday due to low internet connection.

@maxxinajin13💕

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon