PAGPASOK ni Elizha sa opisina ng cardiologist niya ay nagulat siya sa taong nakaupo sa harap ng lamesa. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Sa ilang araw na hindi niya makita ang binata ay masasabi niyang nangayayat ito at may stubbles sa mukha. Nangangalumata rin ito. Bigla siyang nakaramdam ng habag dito. Masyado yata itong naapektuhan sa pagiwas niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Niyakap agad siya nito ng napakahigpit.
"I miss you badly honey." Sabi nito na nakayakap pa rin sa kanya. Gustong gusto niyang sabihin na miss na miss niya ito ngunit pinigilan niya ang sarili. Bumitaw siya sa yakap nito pero hindi siya binitawan nito.
"Healton hindi ako makahinga." Sabi niya. Mukhang noon lang nito napansin na napakahigpit na ng yakap nito.
"I'm sorry. Na miss lang kita. Kamusta ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Galit ka ba sakin?" Tanong nito na may lungkot sa mga mata.
"Hindi.. Busy lang ako." Pagsisinungaling niya. Hindi ito nagsalita at tinitigan siya sa mata. Hindi pa sana ito titigil sa pagtitig sa kanya ng tumikhim si Terrence na nasa likuran niya. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin Kay Healton.
"So, you're the doctor?" Tanong ni Terrence dito. Tumango ang binata at lumayo sa kanya.
"Okay let's start the check up. Mag dadate pa kami ni Elizha." Sabi ni Terrence. Nakita niya ang pagsama ng mukha ni healton sa sinabi nito. Samantalang siya ay nagtaka naman sa sinabi ng Terrence.
"Okay. Magsimula na tayo, Miss. Cutillion have a seat." Sabi nito sa kanya. Umupo siya sa harapan nito. Tinitigan nito ang record niya.
"So far so good naman ang results mo. Mabuti na hindi mo kinakalimutan ang pag inom mo ng gamot. Sa ngayon mas mainam na muna na idaan natin sa gamot to avoid any heart complication." Sabi nito sa kanya.
"Doc do we have another kind of treatment?" Tanong niya sa binata.
"Yes. We can have a heart transplant pero sa ngayon mahirap humanap ng donor. And it will also risk your life pag hindi tinanggap ng katawan mo ang puso ng ipapalit sa iyo." Sabi nito na seryoso. Nalungkot siya sa sinabi nito. Mukhang wala na atang pag asang gumaling siya. Hinawakan nito ang kamay niya.
"Honey don't loose hope. 70% chances naman ang successful rate ng transplant." Sabi nito sa kanya.
"Thank you doc." Sabi niya na bahagyang ngumiti. "Mauna na kami. Salamat sa check up." Sabi niya.
"You're welcome eli." Sabi nito.
Tumayo na siya para umalis sa opisina nito ng bigla itong magsalita."Eli.. Can we talk alone?" Sabi nito na nakatingin Kay Terrence na nasa tabi niya.
"Sige. Terrence sa labas ka muna." Sabi niya sa kagabi niyang binata. Tumayo naman ito at naglakad Papunta sa pintuan.
"Hihintayin kita sa labas eli." Sabi nito sabay labas. Nang makalabas ito ay tumingin siya sa binata na papalapit sa kanya.
"Anong pag uusapan--" hindi na niya na tuloy ang sasabihin niya ng bigla siya nitong halikan. Nanlaki ang mata niya at hindi nakakilos. Puno ng kapanabikan ang halik nito. Para itong uhaw na uhaw sa labi niya. Tumigil ito at tumingin sa kanya.
"I miss you honey. Please tell me, bakit mo ko iniiwasan?" Sabi nito na nasasaktan. Kitang kita sa mukha nito ang lungkot.
"H-healton.. Hindi mo dapat ako hinalikan!" Sabi niya.
"Pero miss na miss na kita. Hindi mo alam kung gaano ang pag aalala ko sayo. Mahal kita Elizha. Huwag mo naman akong gantuhin." Sabi ng binata. Puno ng hinanakit ang Bose's nito. Napayuko siya at napahikbi.
"Sorry... So-sorry Healton." Sabi niya na naiiyak. Tumulo ang luha niya. Pinahid naman ni Healton ang butil sa kanyang pisngi at hinalikan uli siya sa labi ng magaan.
"Shhh. Tahan na honey." Sabi nito na hinahalikan pa rin ang labi niya. Hindi niya mapigilang tugunin ang halik nito. Para siyang tanga. Sabi niya iiwasan niya na ito ngunit heto siya at ginagantihan ang mga halik nito.
"Sabihin mo sakin na hindi mo na ako iiwasan Eli dahil hindi ko na kaya ang pambabalewala mo. Mababaliw ako honey." Sabi nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Sa totoo lang ay nahihirapan na siyang balewalain ito dahil maski siya ay nasasaktan sa ginagawa niya.
"Hindi ako.. Para sayo.." Sabi niya at yumuko.
"Don't say that Eli. You are more than anything I need." He said.
"P-pero paano kung maging pabigat lang ako sayo.. Paano kung Naawa ka lang kaya mo nasasabi yan." Sabi niya. Pumikit siya at pinili pinapakalma ang sarili. Natatakot siyang marinig sa binata na Naawa lamang ito sa kanya.
"Ako? Eli hindi awa ang nararamdaman ko sayo." Itinaas nito ang kamay niya at itinapat sa dibdib nito. Ramdam niya ang bilis ng pintig nito. Nagulat siyang napatingin rito. "Do you feel it? Its not pity honey its love. I love you." Sabi nito. Humagulgol siya sa iyak at niyakap ito.
"Sorry Healton. Akala ko hindi totoo ang nararamdaman mo. Patawarin mo ako kung nagduda ako." Sabi niya.
"Honey hindi ka dapat mag sorry. Hindi ko naman kasi nilinaw nun kasi nasa buhay ko pa si Freya. I'm sorry honey. Please let me love you. Hayaan mong iparamdam ko sayo kung Anong nararamdaman ko. Hayaan mong pasayahin kita, alagaan, ingatan at mahal in. Honey be my girl." Sabi nito ng buong pagmamahal sa kanya.
"Pa-paano kung mawala ako? Siguradong masasaktan ka.." Nag aalngan niyang sabi.
"I won't let it happen Eli. Hindi ako papayag na mawala ka sakin. Doctor mo ako e.I will cure you, and like my name you will be healed by my love." Sabi nito. Kinilig siya at namula. Sa iba siguro ay corny ang Banat nito pero para sa kanya ay romantic. Ngumiti siya at hinalikan ito sa labi.
"Yes Healton. I am your girl." Sabi niya. Tumalon talon to at nagsisigaw.
"Yes! Yes! I love you eli." Sabi nito. Hinalikan siya nito ng mapusok. She is now his girl. And he is hers.
--
A/N: Ayeeii. Officially sila na. Nakakakilig naman. Hays. Pag ibig.@maxxinajin13💕
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
Roman d'amourPregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...