HINDI mapigilang maawa ni Eli Kay Terrence. Dumugo ang labi nito dahil sa pagsapak ni healton dito.
"Pasensya ka na Kay Healton. Hindi ko alam na kaya ka niyang saktan." Sabi niya sa lalaki.
"Wala yun. Marami ka pa talaga ng hindi alam sa nobyo mo." Sabi nito. Kumuha siya ng bulak at alcohol para linisin ang sugat nito.
"Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Hindi naman siya ganoon e." Sabi niya. Nilinis niya ang sugat nito. Napapaaray ito sa bawat dikit niya ng bulak.
"Elizha hindi mo pa siya lubusang kilala. Sigurado ka ba sa kanya?" Tanong nito. Ibinaba niya ang bulak na may alcohol sa lamesa.
"Mahal ko siya Terrence. Alam Kong mabilis pero iyon ang nararamdaman ko para sa kanya." Sabi niya. Bumuntong hininga ito at hinawakan ang nga kamay niya.
"Hindi naman masamang magmahal Elizha. Naiintindihan kita. Basta ano man ang mangyari lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Isang kaibigan na handang tumulong sayo." Sabi nito. Tumango siya at ngumiti.
"Salamat ha. Isa ka talagang kaibigan." Sabi niya. Ngumiti lamang ito at tumayo.
"Sige mauuna na ako. Salamat sa kape." Paalam nito. Inihatid niya ito sa pintuan. Pagkatapos nun ay pumunta siya ulit sa kusina. Bukas niya na kakausapin si Healton, siguradong mag aaway lang silang dalawa pag kinausap niya ito.
LASING NA LASING na si Healton, nakailang shot na siya ng brandy pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag inom. Masama ang loob niya sa nobya. Hindi man lamang siya nito pinagpaliwanag.
Nagtatampo siya pero kahit ganoon ay mahal na mahal niya pa rin ito. Kasama ang mga kabarkada niya ay tuloy lang sila sa pag inom. Marami na ring mga babae ang lumapit sa kanya ngunit hindi niya pinansin ang mga iyon.
"Iba yata timplado mo? Hindi ka naman dating ganyan ha doc." Pang aasar ni William. Kaklase niya ng highschool at isa ring kabarkada.
"Letshee. Tighilan mwo ngaa ako." Sabi niya sa kaibigan. Natawa lang ito at nagkibit balikat. Tumayo siya at pasuray suray na naglakad. Kaya pa naman niyang magmaneho. May konti pa siyang lakas. Pupuntahan niya si eli. Hindi siya papayag na hindi sila magkabati ngayon gabi. Nang makapasok sa kotse ay pinaandar niya iyon. Sa asa ng diyos ay ligtas siyang nakarating sa destinasyon niya. Bumaba siya sa kotse at nagdoorbell ng nagdoor bell. Sumisigaw rin siya.
"Ehli kaushapin mwo ko! Hindi ako Salish di-dito! Kaushapin mo ko honeyy!!" Sigaw niya sa may pinto.
MATUTULOG NA sana si Eli ng makarinig ng sumisigaw sa labas. Tunog rin ng tunog ang doorbell sa ibaba. Bumangon siya at tinignan ang nasa labas. Palapit na siya ng marinig ang Boses ng nobyo niya.
"Ehli kaushapin mwo ko! Hindi ako Salish di-dito! Kaushapin mo ko honeyy!!" Sigaw nito. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang lasing na lasing na si Healton. Lumapit ito sa kanya at yumakap. Pagkatapos ay humiwalay ito sa kanya
"Honey.. Kaushapin mo ako. Pwatarin mho nako." Sabi nito na nagmamakaawa. Lumuhod pa ito at yumakap sa mga binti niya. Nahabag siya sa nobyo niya at hinimas ang buhok nito.
"Tumayo ka na dyan Healton. Matulog na tayo." Sabi niya. Tumayo naman ang lalaki at pasuray suray na naglakad. Nailing na lang siyang sinarado ang pinto at sumunod rito. Ilang ulit na itong matumba kaya inalalayan niya.. Pagkatapos ay inihiga niya ito sa kama. Kumuha siya ng bimpo at pinunasan ang binata. Tinanggal niya ang damit nito. Hindi niya mapigilang mamula ng makita ang six pack abs nito. Kahit kinakabahan ay pinunasan niya ang katawan nito. Pagkatapos ay kinumutan niya ito.
"Eli.. Mahal.. Honey ko.." Sambit nito habang natutulog. Tumabi siya rito at yumakap. Bukas na niya ito pagagalitan, sa ngayon hahayaan na muna na nakatulog ito ng mahimbing sa tabi niya.
NAGISING SI HEALTON na nasa tabi ni Elizha. Wala siyang saplot na pang itaas. Nakayakap sa kanya ang dalaga at payapang natutulog sa tabi niya. Hinalikan niya ang noo nito. Sa bawat araw ay dinadalangin niya sa maykapal na habang buhay niyang makasama ang dalaga. Ito lang ang nagparamdam sa kanya kung paano umibig.
"I love you Elizha. Mahal na mahal kita." Sabi niya sabay yakap rito. Alam niyang hindi siya perpekto pero para sa babae ay gagawin niya ang lahat mapaligaya lamang ito.
-
A/N: Alak pa healton😂🍷🍻
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...