TAHIMIK ang lahat habang nakamasid si Healton sa natutulog na nobya. Ikatlong araw na ni Elizha sa hospital. Sa ngayon bumubuti na ang lagay nito. Unti-unti ng naghihilom ang sugat mula sa operasyon nito. Hinawakan niya ang kamay ng nobya. Kahit paano ay nawawala na ang pangamba nito, at nakikitaan na ito ng konting sigla. Pero madalas nakikita niya pa rin ang lungkot nito sa mga mata at pangungulila sa kapatid at ina nito.
"Sigurado ka ba Healton sa gusto mong mangyari?" Tanong ni Terrence habang nakaupo sa sofa. Kausap niya ito ngayon kasama si Akil na natayo sa likod niya.
"If that's the best for her." Sabi niya na hindi lumilingon sa kausap.
"Do you think it would be best for her? I mean, we all know that she loves you more than anything in this world bro." Akil said while tapping his shoulder.
Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa kasintahan. Alam niyang hindi papayag ang nobya sa desisyon niya, ngunit hindi niya ata kaya na muling mapahamak ang kasintahan niya. Ngayon pang nawawala si Ramil at hindi niya macontact.
"Tama si Akil pare. Alam mong hindi kaya ni Elizha na mahiwalay sayo. Ngayon pang nawawala ang kapatid niya at si tita Elijha." Sabi nito. Lumingon siya sa mga kausap.
"Ayokong may mangyari masama kay Elizha at sa magiging anak namin, sa ngayon mas mainam na magpunta muna siya sa America habang inaayos ko ang paghahanap sa kapatid niya at ina." Sabi niya. Ramdam niya ang di pagsang-ayon ng dalawa sa desisyon niya. Kahit naman siya ay ayaw ding malayo sa nobya, ngunit hindi niya kayang isugal ang kaligtasan nito at ng baby nila.
"If thats what you want bro. I'm here to help you." Sambit ni Akil na tinapik ulit ang balikat niya. Pilit siyang ngumiti. Umiling na lang si Terrence at tumayo.
"Aasikasuhin ko na ang passport niya. Sa ngayon babalitaan na lang kita." Sabi nito. Tinawagan niya kasi ito para tulungan siya sa mga dokumento para sa pag alis ng nobya.
"Salamat Terrence." Sabi niya. Tumango lang ang binata at umalis na. Habang siya at si Akil ay naiwan at nagbabantay kay Elizha. Hindi niya alam kung ano pang pwedeng mangyari sa kanila kaya naman kahit masakit sa kalooban niya ay kailangan niyang malayo kay Elizha.
"HINDI dapat makatakas iyon! Mayayari tayo kay madam." Sambit ni Gener habang hinahabol nila si Ramil. Kasalukuyan silang nasa kabukiran sa Bulacan. May nakagsabi kasi sa kanila na nagtanong tanong doon ang pulis, at noong mapansin nito n nakasunod sila ay bigla itong sumibat. Hindi tuloy nila alam kung saan hahanapin ang pulis at siguradong katakot takot na mura ang aabutin nila sa kanilang boss.
"Naroon siya!" Sigaw ni Berting habang itinuturo ang pulis na paliko. Agad nila itong pinaputukan gamit ang baril na hawak nila ngunit sadyang mabilis gumalaw ang pulis.
"Palibutan natin!" Sambit ni Gener na iminuwestra ang gagawin ng mga kasama. Kailangan nila itong mapatay para sa pera.
LAKAD takbo ang ginagawa ni Ramil. Hindi mabilang kung ilang beses siyang natamaan sa mga sanga ng halaman na nakatanim sa bukirin. Hinahanap niya ngayon ang taong maaring maging testigo sa kaso ng kapatid ang nanay ni Elizha. Ayon sa datos na nakalap niya mula na rin numero ng tumawag sa binata mula sa organisayon na kinabibilangan niya. Ang tawag ay nagmula sa lugar rin ng biktima kaya naman nangtanong tanong siya, ngunit sa hindi inaasahan pangyayari ay may sumusunod sa kanya.
"Lumabas ka dyan pulpol na pulis!" Sigaw ng lalaking may tattoo na tigre sa braso. Nagpaputok pa ito ng ilang ulit sa kanyang gawi. Dahil nag iisa lang, lugi siya sa makakasagupa. Nagtago siya sa gilid ng isang puno ng mangga. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ngunit napamura lamang siya ng makita kung ilang porsiyento na lamang ang karga noon. Kaya wala siyang choice kundi magtago.
"Lumabas ka na pulis! Huwag mo ng pagurin ang sarili mo. Sigurado naman na hindi mo kami kakayanin e!" Sigaw ng isa. Hindi niya alam ang gagawin. Tanging ang pag asa na lang niya ay ang natitirang bala sa kanyang baril. Kung lalaban siya maari niyang ikamatay ngunit kung susuko siya ay wala rin siyang tyansa na mabuhay.
Isa na lang ang pag-asa niya at yun ang mga taong pwedeng tumulong sa kanya.
"SIGURADO ka ba na susundan mo si Ramil?" Tanong ni hepe Charles kay Isabella. Isang pulis na nakadestino sa Bulacan. Napagdesisyonan ni Isabella na sundan si Ramil dahil ang testigo na mismo ang pumunta sa pulisya para tumulong sa imbestigasyon. Sa ngayon nasa witness protection program si Matteo at ang ina nito.
"Oo Chief. Dapat malaman niya na nandito na ang hinahanap niya." Sammbit niya aa nakakataas sa kanya.
"Mas mainam na tawagan mo na muna siya." Sabi ng hepe. Kinuha niya ang telepono upang idayal ang numero nito ngunit nakailang tawag na siya pero walang sumasagot.
"Ayaw sumagot chief." Sabi niya sabay baba ng telepono. Tatayo na sana siya ng biglang may pumasok na lalaki na sa tantya na isang mambubukid sa kanilang tanggapan. Humahangos itong lumapit sa kanya.
"Maam. May barilan na nagaganap sa bukirin. Malapit sa sapa ng kabilang nayon. May hinahabol silang pulis." Sambit nito. Hindi na nila hinintay pa na idetalye nito ang nangyari. Agad silang sumugod sa lugar na sinasabi nito. Alam niyang kung sino man ang pulis na iyon ay nasa panganib ang buhay nito. Kaya kailangan nilang dalian.
TAGAKTAK ang pawis ni Ramil habang pilit na isinisiksik ang sarili niya sa isang punong kahoy. Sa ngayon hindi pa siya napapatay ng mga lalaki na humahabol sa kanya. Ngunit hindi pa rin siya sigurado sa kaligtasan niya. Napabuntong hininga siya at tinignan ang balang natitira sa baril niya. Dalawa na lamang iyon. Kung tutuusin wala rin maitutulong ang dala niyang armas.
"Hindi ka makakapagtago samin spo1! Lumabas ka sa lungga mo!" Sigaw ng lalaki na humahabol sa kanya.
Napapikit siya, ramdam niya ang pag lapit ng mga yabag na unti unting palapit sa kanya. Isa.. Dalawa.. Tantya niyang palapit sa kaniya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang baril at iniumang na. Handa na siyang makipagsagupa ng bigla niyang marinig ang nakakabinging tunog ng wang wang.
"Ta** i** may parak!" Sigaw ng humahabol sa kanya.
"Sibat na tayo!" Sigaw pa ng isa habang nagpapaputok ng baril.
"Sumuko na kayo!" Sigaw ng isang babae na pamilyar sa kanya. Bahagya siyang sumilip sa siwang ng punong kahoy na pinagtataguan niya. At kita kita niya ang pagdating ng mga pulis at pagtutok ng baril sa mga humahabol sa kanya. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon at bigla siyang lumabas sa pinagtataguan niya. Agad niyang tinutok sa ulo ng lalaking may tattoo na tigre sa braso ang baril na hawak niya.
"Subukan mong gumalaw. Kakalabitin ko ang gatilyo sa bungo mo." Matapang niyang sambit.
Habang lahat ng kasama nito ay itinutok ang baril sa amin.
"Sige iputok niyo ng maunang mamatay ang lalaking ito." Sambit niya. Hindi nakakilos ang mga kasama nito. Agad namang rumesponde ang mga pulis at lumapit sa mga kasamahan nito para hulihin. Lumapit sa kanya si Isabella para kunin ang baril ng lalaking tinutukan niya ng baril. Pinaluhod nito ang lalaki sa harapan nila at sinambit nito ang miranda warning habang pinoposasan ang lalaki. Siya naman ay agad nilapitan ng medic. May daplis kasi siya sa tagiliran bunga ng pgabaril sa kanya ng mga ito kanina.
"You have the right to remain silent. Anything you say can be used against you in court. You have the right to talk to a lawyer for advice before we ask you any questions. You have the right to have a lawyer with you during questioning. If you cannot afford a lawyer, one will be appointed for you before any questioning if you wish. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you have the right to stop answering at any time." Sambit nito sa lalaki. Ang tanging nagawa na lamng ng mga ito ay ilagay ang kamay sa ulo at yumuko.
Ngayong nahuli ng mga ito makakahinga na siya ng maluwag dahil ito ang susi sa kasong hinahawakan niya.
-
A/N: sorry for non updating for a week. Inasikaso ko kasi ang enrollment ko. Sana maintindihan niyo. Thankyouu.@maxxinajin13
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomansPregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...