Chapter Forty

4K 67 5
                                    

HINDI mabilang ni Elizha kung ilang beses siyang nagduduwal sa lababo. Nahihilo rin siya at nanghihina. Naghilamos siya at lumabas ng banyo. Sakto namang pumasok si Healton na nakabihis na para sa trabaho. Lumapit ito sa kanya at humalik sa ulo niya.

"Hon good morning." bati nito sa kanya. Akmang magsasalita sana siya ng maamoy ang pabango nito. Agad siyang napasapo sa bibig at nagtatakbo sa banyo. Nagtataka namang nakasunod sa kanya si Healton. Kitang kita niya ang pag aalala rito habang hinahagod ang likod niya.

"Hon? Are you alright? May nakain ka bang hindi maganda?" tanong nito habang hinahagod ang likod niya. Umiling siya at nagmumog pagkatapos ay pinunasan ng towel ang bibig niya.

"Hon ang baho ng pabango mo. Ayoko ng amoy." sabi niya na tinakpan ang ilong niya saka lumayo rito. Nagtataka namang napaamoy ang nobyo sa sarili habang tinitignan siya. Naglakad siya palapit sa kama at humiga, itinalukbong niya ang kumot sa sarili niya. Inaatok siya. Ramdam niya ang pamimigat ng mata niya. Nakapikit na siya ng maramdaman ang pag upo nito sa tabi niya. Pilit nitong tinatanggal ang kumot sa mukha niya ngunit pinipigilan niya ito. Ayaw niyang maamoy ang pabango nito.

"Hon, kumain ka na.. Masama magpagutom sayo. Papasok na ako sa trabaho hon." sabi nito. Bahagya niyang ibinaba ang kumot ngunit kalahati lamang ng mukha niya. Natatakpan pa rin ang ilong niya. Maingat siyang umupo at sumandal sa headboard.

"Hon, ayoko ng pabango mo. Nagpalit ka ba ng pabango?" tanong niya rito.

"Hindi hon. Nagtataka nga ako sayo. Dati gustong gusto mo kong inaamoy." sabi nito na bahagyang nakangiti.

"Hindi yan yun. Iba ang amoy hon." pamimilit niya. Natatawa namang umiling si Healton at tumayo.

"Nakahanda na hon ang breakfast mo. Kailangan ako ng maaga sa hospital. Papalitan ko na lang ang pabango ko kung yun ang gusto mo. I love you." sabi nito pagkatapos ay dinampian nito ng halik ang buhok niya.

"I love you too hon. Ingat ka." sabi niya ng nakangiti. Hinatak niya ang kwelyo nito at hinalikan ang labi nito. Natigilan naman si Healton noong una ngunit gumanti rin naman sa kanya.

"Gusto mo lang yata akong mahalikan kaya sinasabi mong mabaho ang pabango ko." sabi nito na natatawa. Hinampas niya ang balikat nito ngunit tumatawa lamang ang nobyo. Nang matapos itong tumawa ay nagsalita ito.

"Kumain ka ng marami hon. Dito ka lang sa bahay. Kung may kailangan ka, tumawag ka lang." Sabi nito. Tumango na lamang siya nobyo at humiga ulit. Gusto niya pa kasing matulog. Antok na antok siya.

MAAGANG pumasok si Healton hindi dahil may importante siyang gagawin sa hospital. Idinahilan niya lamang iyon sa nobya para hundi ito magtaka sa maaga niyang pag alis. Naiiling na lang siya habang nagmamaneho papunta sa bahay ng kaibigan niyang si AKil Khan Diogracia Filel. Isang half Pakistani, half pinoy na nakabase ngayon sa pilipinas. College buddy niya ito. Bale apat sila sa grupo noong kolehiyo. Lahat sila ay nag aral sa Harvard university. Si Philip ang kasama niya sa kurso sa medisina samantalang si AKil ay isang arkitekto at si Hades Xyrus Silva naman ay isang lagalag na manunulat na may lahing kalahating espanyol at amerikano. Sa ngayon nasa Africa ito para sa isang writing convention na ito ang host.

Hindi man sila madalas magkitang magkakaibigan ay may komunikasyon pa rin naman sila. Kaya naman pag may kailangan sila sa isat isa ay hindi sila nahihiyang magsabi sa bawat isa. At ngayon nga ay kailangan niya ang tulong kaibigan kaya naman pupuntahan niya ito para pag usapan ang plano niyang proposal.

NAGISING si Elizha dahil nagugutom siya. Pupungas pungas siyang pumuta sa kusina para tignan ang niluto ng nobyo niya. Nakatakip sa stove ang chicken soup na niliuto nito, tapos may fried scrambled naman na nakalagay sa lamesa na nakatakip din. Pinainit niya muna ang soup pagkatapos ay umupo sa bakanteng upuan sa tapat ng lamesa. Habang iniinit niya ang pagkain ay pinapak naman niya ang scrambled egg sa lamesa, kahit walang kanin ay napasarap ang kain niya. Akmang tatayo na siya para patayin ang stove ng biglang may nagdoorbell sa pinto. Pinatay niya muna ang stove saka naglakad papunta sa pinto. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya naman labis ang pagtataka niya. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya si Sanya na umiiyak. Nagtataka man ay hindi na siya nakapagsalita ng yakapin siya nito.

"Bes.." sambit nito.

"Anong problema Sanya?" takang tanong niya rito.

"Si tita at si Ella.. Nawa-wala sila." sambit nito. Tuluyan ng nawala ang kulay ng mukha niya. Napahawak siya sa dibdib at napakapit dito. Hindi niya alam kung ano na ang sumunod na nangyari. Bigla na lang siya nawalan ng hininga.

"Elizha!" sigaw ng kaibigan niya na hawak hawak ang balikat niya.

And everything went black as her heart stop beating. She closed her eyes with a tear on it.

MASAYANG nag uusap si Healton at Akil ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nagpaalam siya sa kaibigan at sinagot ang tawag. Si Sanya ang tumatawag.

"Hello? Yes Sanya?" tanong niya. Tanging hikbi lang ang naririnig niya mula rito. Nagsasalita ito ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Nakaramdam siya ng kaba na hindi mapaliwanag. "Sanya? What the hell is happening? Why are you crying?" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito ng marinig niya ang pangalan ni Elizha. Dali dali siyang tumakbo sa kotse para mapuntahan ang nobya.

"Hey bro? I thought we have a plan to make?" sambit ng kaibigan niya na nasa pinto na ng bahay nito. Nagtataka itong nakatingin sa kanya.

"I need to go bro. My girlfriend is in the hospital." He said while maneuvering the car. Paliko na sana siya para lumabas ng gate nito ng katukin nito ang salamin ng kotse niya sa passenger seat.

"Then let's go." AKil said. Binuksan niya ang passenger seat at pinapasok ang kaibigan. Hindi pa ito nagseseat belt ng paandarin niya ang kotse.

"Fuck bro. Weyt lahang." Slang na sambit nito pagkatapos ay isinuot nito ang seatbelt. Mabilis niyang pinaandar ang kotse. He was eager to see Elizha. Hindi niya mapaliwang ang takot na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung anong nangyari sa nobya, pero hindi niya makakaya kung mawawala ito sa kanya.

-
A/N: AKil and Hades @ur screen.
@Maxxinajin13

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon