Chapter Thirty Eight

3.9K 72 3
                                    

SHE can't stop smiling while looking at Healton who's busy cooking for their snack. They will be having a movie date on the house. Hindi na pumasok ang binata sa hospital ngayong araw at pinili na lamang na samahan siya sa bahay. Noong una ay ayaw niyang pumayag ngunit mapilit ito kaya naman hinayaan niya na lang. Abala ito sa paghahalo ng cheese powder sa fries at popcorn ng lapitan niya ito. Niyakap niya ito mula sa likod.

"Honey thank you." Sabi niya. Tumigil ito sa ginagawa, hinawakan nito ang kanyang kamay na nakayapos rito at dahan dahang humarap ito sa kanya.

"Why are you thanking me honey?" Sambit nito na nakangiti habang titig na titig ito sa kanyang mata. Medyo nailang siya at yumuko.

"F—for making me special at saka..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng iangat nito ang mukha niya at halikan ito ng binata. Napakapit siya rito at gumanti ng halik nito. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil rin sila at hinalikan nito ang noo niya. Ngumiti ito at hinalikan nito ang tungki ng ilong niya, at pisngi. Napatawa siya at tinapik ang balikat nito.

"Nakakarami ka na.." Sabi niya na natatawa. Kanina pa kasi ito halik ng halik sa kanya.

"I just loved kissing you honey and i told you, you shouldn't say thank you to me because you deserve to be treated like a queen cause you are my queen." Sabi nito. Tuluyan ng namula ang kanyang mukha na gaya ng kulay ng kamatis. Ngumisi naman ito at pagkatapos ay  ipinahid nito ang cheese powder sa mukha niya. Nang akmang maglalagay na naman ito ay umiwas na siya at lumayo rito. Akmang magpapahid ulit ito sa kanya ng biglang tumunog ang doorbell ng condo nila. Natigil sila sa paglalambingan at nagkatinginang dalawa. Natawa sila parehas.

"Bubuksan ko lang ang pinto." Sabi niya ngunit hindi ito pumayag at binuhat siya nito at pinaupo sa counter table nasa harap nila.

"Ako na honey. Dito ka lang." Sabi nito sabay kindat sa kanya. Natawa siya at hinayaan na lamang ang nobyo na pumunta sa pinto.

NAKANGITI si Healton habang papunta sa pinto. Eli always make him happy. Kahit maliliit lang na bagay na ginagawa nito ay grabe ang sayang ibinibigay sa kanya. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya si Terrence na nakatayo sa harap niya.

"Nandyan ba si Elizha?" Tanong nito sa kanya. Tumango siya at binuksan ng maluwag ang pinto. Pumasok naman ang lalaki na tahimik lang.

"Honey. Someone is looking for you." Sabi niya ng makalapit siya kay Elizha. Binuhat niya ito pababa ng counter. Nakangiti naman itong lumapit sa lalaking kararating.

"Terrence!" Sambit nito na nagulat. Maski ang binata ay nagulat rin sa reaksyon nito. Napangiti na lang siya at nailing. Kumuha ng baso sa counter cabinet at pinagtimpla ng juice ang bisita.

NAGULAT si Terrence sa reaksyon ni Elizha ng makita niya ito. Nakangiti ito at walang bahid ng galit ang mukha nito habang nakatayo sa harap niya. Bakas ang kasiyahan rito na makita siya.

"Elizha.." Alanganin niyang sambit ng makalapit ito sa kanya. Ngumiti ito at minuwestra na maupo siya. "Hindi ka na galit?" Tanong niya. Tumango ito.

"Pasensya ka na sakin ha. Masyado akong nadala ng galit ko sayo kaya nasaktan kita. Pinapatawad na kita sa anumang nagawa mo Terrence, alam ko naman na ginawa mo lang iyon para sakin. Huli ko na naisip na dapat mas naintindihan kita kasi kaibigan kita. Siguro nagalit ako kasi hindi ko inaakala na magagawa mong magsinungaling sa akin at magpagamit kay Freya pero alam ko naman na hindi mo intensyon iyon." Sabi nito. Para siyang nabunutan ng tinik ng sabihin nito ang mga katagang iyon. Hindi siya makapaniwala na napatawad siya ng dalaga kahit na nga nagsinungaling siya rito.

"Salamat Elizha. Thank you for giving me a chance." Sabi niya. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"I want you to let go Helena, Terrence. Gusto kong maging masaya ka. Pero kung lagi mong iisipin ang guilt dyan sa puso mo, lalo ka lang mahihirapan. You should get a life without her and accept that she's not for you." Sambit nito. Hindi niya napigilang mapaluha sa tinuran ng dalaga. Luha ng saya at hindi lungkot. Sa tatlong taon na dumaan. Hindi nawala sa isip niya ang namatay na kasintahan at lagi niyang sinisi ang sarili ng mawala ito. Siguro mas mabuting palayain niya na ang sarili sa guilt na nararamdaman.

"Thankyou eli." Sabi niya. Ngumiti lamang ito at tinapik ang balikat niya.

"Magkaibigan tayo. Tandaan mo yan." Sabi ng dalaga.

Makaraan ng ilang sandali ay pumasok si Healton sa sala na may bitbit na meryenda. Inilapag nito iyon sa lamesita at tumabi ito kay Elizha.

"Meryenda ka muna." Sabi nito sa kanya. Kinuha niya ang juice at uminom ng kaunti pagkatapos ay nagpaalam na.

"Sige mauuna na ako. Salamat sa oras Elizha, Healton." Paalam niya. Tumayo na siya. Inihatid siya ng magkasintahan sa pinto nito. Ngayong maayos na sa pagitan nila ni Elizha parang nawala lahat ng bigat sa dibdib niya. Nakangiti siyang sumakay sa kotse, sa ngayon may tao siyang dapat pasalamatan. At papunta siya ngayon sa taong iyon.

PRENTENG nakaupo si Healton at Elizha sa sofa habang nanonood ng pelikula. Isang romcom film ang pinapanood nila. It was entitled 50 first date. A romantic comedy film which (Adam Sandler) playing the role of Henry Roth falls inlove with Lucy Whitmore (Drew Barreymore) a woman who suffers from a short-term memory loss. Since she doesn't recognize him, he did many things just make her fall inlove with him.

Pasulyap sulyap siya sa binata na tahimik lang na nanonood sa tabi niya habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib nito.

"Honey.." Tawag niya rito. Tumingin ito sa kanya.

"Yes hon?" Tanong nito.

"I love you." Sabi niya rito. Ngumiti ito at niyakap siya nito.

"I love you too Eli." Tugon nito. He lowered his lips on her forehead, leaving her a kiss. "I will love you hon for the rest of my life."

It was the sweetest date she ever had and she's longing to have more dates with only him.
-
@maxxinajin13💕

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon