MATAPOS ang dinner ay masaya ng umuwi si Elizha sa bahay ni Sanya. Hinatid siya ni Healton. Nang maihatid na siya nito ay agad na itong nag paalam. Pagpasok niya sa bahay ay nadatnan niya si Sanya na nakaupo sa sofa at nanood ng TV.
"Bes, kamusta ang date?" Tanong nito sa kanya." Ngumiti siya at umupo sa tabi nito.
"Ayos naman. Kararating mo lang?" Tanong niya rito.
"Kanina pa ako nandito. Siya nga pala may nagpadala sayo nito." Sabi niya sabay about ng isang itim na box.
"Kanino galing?" Tanong niya rito. Umiling ito at nagsalita.
"Hindi ko nga alam e. Wala namang nakalagay ng nagpadala. Basta Nakita ko lang yan sa labas ng bahay." Sabi nito sabay tutok ng mata sa TV. Tinignan niya ang box. Napakasimple lang nito. Tanging ribbon lang na pula ang nagpaganda rito. Maingat niyang tinanggap ang ribbon at binuksan, tumambad sa kanya ang litrato nila Healton na puno ng dugo. Sa takot niya at naitapon niya sa lapag ang regalo.
"Bakit bes?" Tanong ni sanya na nagtataka sa kanya. Kinuha nito ang box at tinignan. Ganoon na lang gulat niya ng mahawakan ang larawan. "Omygod! Kanino galing to?" Tanong nito
"Hindi ko alam.." Sabi niya. Tumayo siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
"Sigurado ka bang hindi mo alam? Wala ka bang nakaaway?" Tanong ni sanya na nakalapit na sa kanya. Sa totoo lang may Isang tao siyang naisip na gagawa ng ganon ngunit ayaw niyang magbintang.
"Sanya, kilala mo ko. Alam mong di ko ugaling makipag away." Sabi niya na umupo sa harap ng lamesa sa kusina.
"Hindi kaya si Freya? Siya lang naman ay ang may galit sayo e." Sabi ni sanya. Hindi siya kumibo at kinuha sa kaibigan ang regalo. Tinignan niya ulit ito. Kasama ng larawan ang isang liham.
Dear Elizha,
Wait for more explosive gifts from me."Patingin nga. Siguro dapat sabihin mo to Kay Healton, para maprotektahan ka." Sabi ni sanya sa kanya ng mabasa ang sulat.
"Hindi naman tayo siguradong siya nga ang may gawa nito sanya. Alam mong masamang magbintang." Sabi niya.
"Pero siya lang ang may motibong gawin to bes. Siya lang." Sabi nito. Napaisip siya at napaupo sa upuan. Tama ito. Si Freya lang ang alam niyang may galit sa kanya. Kinuha ni Sanya ang box. Inilagay iyon sa lamesa at pinicturan. Maya Maya ay marinig ko ang pagtawag niya sa cellphone.
"Hello Healton? Natanggap mo ba yung sinend Kong picture sayo?" Tanong nito sa kabilang Linya. "Ayos naman siya. Sige, huwag kang mag alala. Hindi ko papabayaan si Eli." Sabi nito sa nobyo niya. Ibinaba nito ang cellphone at tumabi sa kanya.
"Kinausap ko si Healton, paiimbestigahan niya raw ang regalong ito. Sa ngayon, huwag daw muna maglalabas ng bahay." Sabi nito. Tumango siya at ngumiti.
"Huwag kang mag alala. Walang mangyayaring masama sakin Sanya." Sabi niya. Bumuntong hininga ito.
"Hindi pa rin tayo sigurado, kaya mag ingat ka." Sabi nito. Hindi na siya sumagot sa sinabi nito. Napatingin na lamang siya sa box. Kung sino ang nagpadala nito ay palaisipan pa rin sa kanya, pero ang ikinakabahala niya kung sino man ang nagpadala noon sigurado siyang nag uumpisa pa lang ito.
HINDI makatulog si Healton, nag aalala pa rin siya sa sinabi ni Sanya sa kanya. Bumangon siya sa higaan at pumunta sa banyo para magshower. He's thinking about the gift that eli receive. Hindi kaya si Freya ang may kagagawan nun? He knew her. Sa isang taon nilang nagsama alam niya ang ugali ng babae. Maldita ito kaya naman hindi sila magkasundo ni Hailey. Napabuntong hininga siya at pinatay ang shower. Kumuha siya ng boxer at nagbihis na. Nahiga siya sa kama at tumingin sa dingding. Kakaiba ang nararamdaman niya ngayon. Para kasing may Mali. Parang may mangyayaring hindi maganda. Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. May miss call si Eli. Hindi niya nasagot kanina dahil nasa banyo siya. Tinawagan niya ito ngunit busy na ang Linya. Dali dali siyang tumayo at nagbihis. Pupuntahan niya si Elizha.
GISING PA RIN ang diwa ni Elizha dahil sa nangyari kanina. Hindi pa rin mawala sa kanya ang pag aalala. Wala pa naman si Sanya dahil may biglaang duty ito ngayong gabi. Kaya naman lalo siyang nakakaramdam ng takot. Bumaba siya sa kama niya para pumunta sa kusina. Magtitimpla siya ng gatas, upang makatulog siya. Malapit na siya sa kusina ng maulinigan niyang parang may tao sa labas ng pinto nila. Kitang kita niya ang bulto nito sa bintana na malapit sa pinto. Bigla siyang nakaramdam ng ng kaba at takot. Dis oras na ng gabi kaya naman nakakapagtakang may tatambay sa labas ng apartment nila ni Sanya.
Binuksan niya ang ilaw para makita ng maliwanag ang bulto. Ngunit nataranta ata ito kaya naman bilang tumalilis. Dali dali niyang tinawagan si Healton ngunit hindi ito sumasagot. Akmang tatawagan niya ulit ito ng bigla siyang makarinig ng sigawan sa labas. Ganoon na lang ang paglaki ng mata niya ng makitang nagliliyab ang pintuan nila. Kumakalat ang apoy sa bintana na may nakasabit na kurtina kaya naman lalong lumaki ang apoy. Nasusunog ang bahay!!
-
@maxxinajin13💞
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...