"NAGAWA niyo ba ang pinagagawa ko?" Tanong ni Freya sa kabilang Linya. Kausap niya ngayon ang inupahan niya para sunugin ang bahay na tinitignan ni Elizha. She wants to kill that woman. Ito lang naman kasi ang dahilan kung bakit iniwan siya ni Healton. Napangiti siya habang ipinapanuod sa kanya ang video kung paano nasunog ang bahay.
"Opo maam kaso hindi po namin napatay yung pinapapatay niyo. Nakaligtas po siya sa sunog." Sabi ng kabilang Linya.
"It's okay. At least ngayon may dahilan na si Healton para pansinin ako. Ipapadala ko na lang ang bayad. Magatago muna kayo." Sabi niya pagkatapos ay pinutol na niya ang tawag. Desperada na kung desperada pero hindi siya papayag na hindi mabawi ang para sa kanya. Healton is hers and she will do anything to have him again even if it means to kill Elizha, then so be it.
IT WAS a hell of a night for Healton. He almost lost Elizha because of that fire. Buti na lang naagapan ito. Maayos na ang lagay nito. Puno ng benda ang hita at braso nito. Labis ang awa niya sa kanyang nobya. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan.
"Mahal na mahal kita honey. Salamat hindi mo ko iniwan." Sabi niya. Umupo siya sa tabi nito at pinisil ang mga kamay nito. Kahit paano ay nawawala na ang takot niya na bumalot kanina sa kanya. Hindi pa rin malinaw sa kanila kung ano mga ba ang nangyari dahil hindi pa natutukoy ng mga pulis ang may gawa nito. Inayos niya ang pagkakakumot nito ng biglang pumasok ang humahangos na si Terrence.
"How is she?" Tanong nito na puno ng pag aalala.
"Ayos na siya. First degree lang ang natamo niya." Sabi niya. Napabuntong hininga ito. Hinaplos ang mukha ni Elizha. Tinignan siya nito ng seryoso.
"We need to talk." Sabi nito sa kanya. Nagtataka man ay tumango siya sa sinabi nito. Lumabas sila sa kwarto ni Elizha at nag usap sa labas.
"Anong pag uusapan natin?" Tanong niya.
"I should said this to you earlier. Ngayon nahuli na ako kaya naman napahamak na si Elizha. As you can see, she's been hurt and that's because of you!" Sabi nito. Natigilan siya sa sinabi nito.
"What do you mean? May alam ka ba kung sinong may gawa nito?! Tell me!" Sigaw niya sabay hawak sa kwelyo nito.
"Hindi pa ba malinaw!? Si Freya ang may kagagawan nito! She wants you back motherfucker!" Sigaw nito. Nabitawan niya ito at hindi siya makapagsalita. "Gusto ka lang namang makuha ng babae na yun kaya naman kahit saktan niya si Elizha ay gagawin niya. Psycho ang ex mo! At hindi siya titigil Healton. Baliw na siya."
"Hindi.." Sabi niya na nanlulumo. Hinawakan siya ni Terrence sa balikat.
"I know you love Elizha, pero kung dahil diyan sa pag ibig mo mapapahamak siya. I'm warning you. I won't let it happened. At kung kinakailangan Kong ilayo siya sayo, gagawin ko para lang hindi siya ulit mabingit sa kamatayan." Sabi nito.
"You can't do that. Hindi ako papayag." Matigas niyang sambit sa lalaki.
"Then do something. Huwag mong hayaan masaktan si Elizha. She doesn't deserve any of this." Sabi nito. Tinapik nito ang balikat niya at umalis sa harap niya. Tama ito. Kailangan niyang pigilan si Freya. At kung kinakailangan niyang isakripisyo ang pagmamahal Kay Elizha, gagawin niya upang hindi tuluyang mapahamak ang babaeng minamahal niya.
DEJA VU. Iyan ang pakiramdam ni Elizha ng magising siya. Puting kisame, puting pader at Amoy gamot na lugar na kinalalagyan niya. Napatingin siya sa gilid niya. Hawak hawak ni Healton ang mga kamay niya. Akala niya hindi niya na ulit makikita ang binata. Napaluha siya. Tears of happiness. Hinaplos niya ang buhok ng binata. Nakangiti siya habang umiiyak. Hindi niya maipaliwanag ang Saya dahil nahahawakan niya ito, nakikita at makakasama pa. Akala niya tuluyan na siyang mawawala sa mundo.
Unti unting gumalaw si Healton at nagising. Napatingin siya Kay Elizha na ngayon ay nakangiti sa kanya.
"Honey.. Kamusta ang pakiramdam mo? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito sa kanya. Ngumiti siya at pinahid ang luha niya.
"Ayos lang ako hon. Medyo mahapdi lang ang mga sugat ko. I'm just happy. Umiiyak ako kasi masaya ako. Kasi hindi pa ko kinuha ni Lord. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko na kasama ka." Sabi niya. Napangiti si Healton at hinalikan siya sa noo.
"I'm so worried about you hon. Akala ko mawawala ka na sakin. Mahal na mahal kita at huwag kang mag alala dahil lahat ng gusto mong gawin kasama ako ay gagawin natin. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Eli." Sabi ni Healton habang yakap siya. Yumakap na rin siya sa nobyo.
"Mahal na mahal din kita Healton." Sabi niya na gumanti ng yakap rito. Alam niya na kahit anong mangyari hindi magbabago ang nararamdaman niya rito. Dahil isa ito sa dahilan kung bakit gusto niya pang mabuhay sa mundo.
-
@maxxinajin13💕
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...