HINDI alam ni Healton kung saan magsisimula. Wala pa rin kasing linaw sa kanila kung sino ang dumukot sa nobya niya. Ang tanging ebidensya nila na kinidnap ito ay ang CCTV na nakuha kaninang umaga. Isang lalaki ang nakasuot ng uniform ng nurse may karga kay Elizha habang wala itong malay.
Unti -unting nagtangis ang bagang niya at tumiklop ang kamao niya. Ibig niyang manapak ng mga sandaling iyon. He swear that if anything happens to Elizha, he would probably kill someone.
"I think it's not just a simple kidnapping son. As you can see, the kidnapper know which place he would go. Mukhang alam niya ang pasikot sikot dito sa hospital." Sambit ng kanyang ama na tahimik na nakamasid sa CCTV footage na nasa harap niya kasama ang nakakatanda niyang kapatid na si Harry. Agad na nagpunta ang dalawa ng malaman nito ang nangyari sa hospital.
"You're right dad. Alam na alam niya kung paano iiwasan. Look, he even sign something here, like he was giving a signal on someone to stop. Mukhang hindi nag iisa ang dumukot sa nobya mo Heal." Puna nito.
Tumingin siya sa screen at kumunot noo. Bumuntong hininga siya at desperadong napaupo sa bakanteng upuan sa tapat ng CCTV monitor. Hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat ng nobya sa dibdib nito at sa ngayon buntis pa ito. Hindi siya mapakali.
"We should call Ramil now. Baka alam niya na kung sino ang may pakana ng mga ito." Sabi ng ama niya na akmang kukunin ang cellphone nito sa bulsa ngunit biglang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at bumungad si Akil.
"Healton someone wants to talk to you. He's the chief policeman who's handling this kidnapping case." Akil said whike looking at him. Tumango siya at pinapasok ang pulis. Sa tantya niya nasa edad na itong kwarenta pataas. Nakasalamin itonna bumagay sa mataba nitong katawan.
"Hi Dr. Healton. I'm chief inspector Natividad of Manila Police station." Pagpapakilala nito sa kanya. Iniabot nito ang kamay at nakipag-kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon.
"May balita na ba sa kaso chief?" Tanong niya rito. Tumango ang pulis.
"Sa ngayon, iniimbistigahan pa rin namin ang nangyari, hanggang ngayon wala pa kaming lead kung sino ang may pakana ng nangyari ngayon pero pinapangako namin na hindi kami titigil sa pag hahanap sa may gawa nito Doc." Sambit nito.
"She's pregnant chief, at ayokong mapahamak siya at ang magiging anak namin. Please.. help me find her." Pagsusumamo niya rito. Tumango ang chief police at tinapik ang balikat niya.
"Is there someone you know possibly do this?" Tanong niya sa amin. Agad naman tumango ang kapatid niyang si Harry.
"Yes chief, we knew someone. Maybe she did this?" Sabi nito sabay tapik sa balikat niya.
"We don't have any prove nor evidence that we can sue her. I already warning her kuya Harry." Sagot niya sa kapatid niya ngunit nagkibit balikat lamang ito.
"Pero kilala mo si Freya. She won't stop until she gets what she wants. Remember nung nasa trip tayo ng boracay? Diba doon mo siya nakilala, kahit ang bet mo noon ay si Sandra ay hindi ka niya tinantanan. Muntikan niya na nga lunudin si Sandra kung hindi lang nailigtas ni Hans noon." Sambit ni Harry. Kumonot ang noo niya. Maaring si Freya nga, pero ilang linggo na itong hindi nag paparamdam.
"Okay we will investigate her. Sa ngayon Doc mauuna na kami para may makalap na kaming inpormasyon." Paalam ni Chief natividad sa kanya. Tumango siya at tumingin ulit sa monitor ng cctv. Hindi siya papayag na mawala si Elizha sa kanya ngayon pang magkakababy na sila.
IMINULAT ni Elizha ang kanyang mga mata. Nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ang bumungad sa kanya. Nanghihina at nahihilo siyang pilit umupo sa kama. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Isang simpleng silid na may isang kama, lamesa at upuan sa gilid. May isa ring maliit ma bintana kung saan pumasok ang sikat ng araw. Kahit nahihilo ay tumayo siya at nilapitan ang bintana. Pilit niyang binubuksan iyon ngunit may harang na nakalagay roon mula sa labas. Napabuntong hininga siya at muling umupo sa kama. Hianawakan niya ang kanyang tiyan. Ramdam niya ang gutom dahil wala pa naman siyang kinakain ng araw na iyon. Sa tantiya niya ay mag aala una na ng hapon. Napansin niya ang kaunting umbok sa kanyang tiyan, himdi man pansinin dahil ilang linggo pa lang ang kanyang sinapupunan ay alam niyang may buhay sa kanyang sinapupunan. Natatakot siya, hindi lamang sa kanyang sarili kundi para rin sa baby niya. Nawala siya sa pag iisip niya ng mapansin ang pagbukas ng pinto mula sa gilid. Pumasok ito na may dalang tray na puno ng pagkain. Naalala niya na tinawag ito na Eun ni Freya.
"Kumain ka na. Alam kong gutom ka." Sabi nito.
"Parang awa mo na, palayain mo na ako." Sabi niya ma nagsusumamo dito ngunit inilapag lamang nito ang tray ng pagkain sa lamesa pagkatapos ay naglakad papunta sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit dito.
"Huwag ka ng magtagka na magmakaawa, wala din naman mangyayari. Nabenta ka na namin sa isang foreigner na taga Japan. Mamaya na ang flight." Sabi nito.
"Please hindi maari, b-buntis ako.." sambit niya habang umiiyak. Natigilan ito at napatingin sa tyan niya. Lumapit ito at hinawakan iyon. Ramdam nito ang umbok niyon.
"Nalintikan na. Siguradong magagaling ang hapon na yun pag nalamang buntis ang magiging parausan niya. Kailangang malaman ni Freya to." Sabi nito na palabas na ngunit pinigilan niya.
"Huwag, siguradong ipapatay niya ang baby ko.. maawa ka sakin. Kahit sa baby ko lang." Sabi niya rito. Hindi ito nagsalita at tumalikod na lamang at naglakad palabas. Naiwan siyang umiiyak na napaupo sa kama. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya at sa magiging baby niya. She's afraid..
"Healton.." sambit niya na pabulong..
-
A/N: Sorry ngayon kang, busy sa school.
Keep safe everyone. Enjoy Reading.
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) *Unedited*
RomancePregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha) Sypnosis Elizha is a beautiful woman. Matalino, mabait at masipag. Normal ang pamumuhay niya at maayos ang kanyang trabaho pero sa kasamaang palad ay may sakit siya. She has congenital heart disease that...