Chapter Twenty Nine

4K 70 3
                                    

MATAPOS magkamalay ni Elizha ng ilang oras ay nakatulog ulit ito. Si Healton pa rin ang nagbabantay sa dalaga. Hindi niya maiwasang mapangiti habang inaalala ang sinabi nito kanina. Ang sabihin nitong marami pa itong gustong gawin kasama siya ay isa sa pinaka magandang mga salita na narinig niya, ngunit may bahagi sa kanya na natatakot, takot na baka mawala si Elizha sa kanya. Lalo na ngayon at pinagbabantaan ni Freya ang buhay ng nobya niya. Nang naisip ang dalaga ay hindi niya mapigilang magdilim ang mukha. Galit siya rito. Galit siya rito dahil baliw na ito. Muli niyang tinignan si Elizha at hinalikan ang mga kamay nito.

"I'll promise that i won't let her hurt you again." Sambit niya. Sa ngayon hihintayin niya muna ang pag galing ng nobya bago niya kausapin si Freya. At pag nakausap niya ito ay hindi siya mangagako na hindi niya ito masasaktan.

ILANG ARAW rin ang itinagal ni Elizha sa hospital. Maraming dumalaw sa kanya kabilang ang pamilya ni Healton. Naging magiliw ang mga magulang nito sa kanya kaya naman lalo siyang naging masaya. Dumalaw din ang kanyang ina at kapatid. Sa ngayon ay balak niyang manirahan sa condo ni Healton habang ipinapagawa ang bahay ni Sanya. Mas makakabuting kasama niya ang nobyo niya dahil hindi pa sila sigurado kong sino ang nagtatangka sa buhay niya. Si Sanya naman ay nakatira sa bahay ng tiyahin nito. Wala si Healton ngayon dahil may aasikasuhin daw ito kaya naman si Sanya ang nagbabantay sa kanya.

"Bes pasensya ka na ha. Hindi na kita makasama sa bahay ni Tiya. Marami na rin kasing nakatira doon. At saka mas mabuti ng kasama mo si fafa Healton." Sabi ni sanya. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ng kaibigan.

"Okay lang yun bes. Salamat ha at pasensya ka na kasi dahil sakin na sunog ang bahay mo." Sabi niya.

"Ano ka ba? Wala yun. At saka nangako naman si Terrence na siya na ang bahala sa bahay ko. Pati nga si Healton tutulungan ako. Don't ya worry." Sabi nito. Natawa siya dahil excited ito sa magiging bagong bahay nito.

"Siya nga pala mag iingat ka ha. Hindi Biro yung nangyari sayo nung isang araw. Buti na lang may kapitbahay tayo na nakatawag agad ng bumbero." Sabi nito.

"Oo bes." Sabi niya. Masaya silang nag uusap ng biglang may kumatok sa pinto. Si PO1 Ramil. Ang pulis na nag iimbestiga sa kaso niya.

"Magandang araw miss Cutillion. May mga itatanong lamang sana Ako." Sabi nito.

"Magandang araw rin sir." Bati niya. "Ano po iyon?" Tanong niya rito.

"May Nakita ka bang kahina hinala nung araw na iyon bago masunog ang bahay ni Miss Balicbic?" Tanong nito.

"May mga lalaking nakatambay sa pintuan namin. Para silang may hinihintay. Pagkatapos Kong buksan ang ilaw, nagsitakbuhan sila. Tapos may apoy na lang na biglang kumalat. Hindi ko alam kung sa kanila ba galing yun." Sabi niya.

"Namukhaan mo ba?" Tanong nito.

"Hindi po sir. Nakatalikod po kasi sa gawi ko yung isang lalaki. Habang yung ibang kasama nito ay hindi ko makita. Nalaman ko lang na madami sila dahil naririnig ko ang boses ng pag uusap nila. Hindi nga lang malinaw." Sabi niya.

"May pinaghihinalaan ka ba kung sino ang gagawin nito sayo? At ang nagpadala ng regalo sayo?" Tanong nito. Bigla siyang natigilan. Gusto niyang maghinala pero ayaw niyang magbintang.

"Wa-wala po sir." Sabi niya na nauutal.

"Sigurado ka miss? Hindi natin malulutas ito kung hindi mo sasabihin ang totoo." Sabi nito.

"Opo sir. Wala po talaga." Sabi niya.

"Okay sa ngayon wala pa kaming lead sa kaso mo. Kaya mabuting mag ingat ka palagi. Tawagan mo na lang ako kapag may kahina hinala kang Nakita o Kaya naman may threat ka ulit na natanggap." Sabi nito. "Aalis na ako maam."

"Ihatid ko na kayo sir." Sabi ni Sanya. Matapos nitong ihatid sa pinto ang pulis ay lumapit agad ito sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi na may pinaghihinalaan ka bes? Tama naman si Sir e. Hindi malulutas to kung hindi ka magsasalita." Sermon sa kanya ni Sanya.

"Mahirap kasing magbintang, at saka wala naman tayong pruweba. Paano kung hindi naman pala siya?" Sabi niya.

"E paano kung siya nga?" Tanong nito. Hindi siya nakapagsalita. Tinitigan niya lamang ang kaibigan. "Bes buhay mo na ang nakataya rito. At hindi lang basta biro ito. Kung hindi si Freya, sinong gagawa nito sayo?" Sabi nito.
Napaisip siya. Tama si Sanya. Malaki ang posibilidad na si Freya nga ang may gawa nito, lalo nat ito lang ang kilala niyang may galit sa kanya. Pero kaya ba nitong gawin iyon? Kaya ba niyang pumatay para lang sa pag ibig?

GALIT NA ISINALYA ni Healton si Freya sa dingding. Kasalukuyan siyang nasa condo nito. Kinompronta niya ito.

"Umamin ka Freya. Ikaw ba ang may kagagawan noon Kay Eli? Ano bang gusto mo? Bakit ba ayaw mo kaming tantanan?" Galit na sambit niya sa dalaga.

"Alam mo kung anong gusto ko! At ikaw iyon. Alam mong mahal na mahal kita Healton." Sabi nito na umiiyak. Nabitawan niya ito at napasabunot sa sarili.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tapos na tayo. Hiwalay na tayo. Mahirap bang intindihin iyon? Hindi ikaw ang mahal ko!" Sigaw niya.

"Hindi ako makikipag hiwalay sayo. Hindi ako papayag na itapon mo lang ako na para bang basahan. Hindi ako papayag na magkatuluyan kayong dalawa! Kasi akin ka. Akin!" Galit nitong sigaw.

"Hindi ako magiging sayo tandaan mo yan. At kung hindi ka titigil sa kagugulo samin Freya. Hindi ako magkikiming ipakulong ka! Kaya kung ayaw mong humawak sa rehas tigilan mo na kami." Sabi niya at iniwan ito, baka kasi hindi niya mapigilang ang sarili at tuluyan itong masaktan.
-
@maxxinajin13💕

Pregnant by My Hot Doctor (Healton & Elizha)  *Unedited*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon