"RAIZEN!" Walang pagdadalawang isip na sinugod ni Jae ang kasintahan. Halos masubsob pa nga ang babaeng kinakalantaryo nito.
Huling huli na sa akto. Ayan lang ang naiisip ni Jae ng mga panahong yun.
Binuhos niya ang lahat ng sakit sa mga sapak at tadyak na ibinigay niya sa lalaki, sinigurado niyang pagkatapos nito hindi siya magsisisi at hindi niya iisiping kulang itong pambubugbog niya.
Madaling nagkumpulan ang mga taong naroroon but Jae doesn't even mind that. Pokus ang atensyon niya sa manlolokong kasintahan.
Nasa tabi niya ang kaibigan, si Red, na sa unang mga minuto ay hinayaan siya nito sa pansasapak at pag atake sa lalaki. Tama lang naman iyong ginagawa ni Jae, he cheated kaya ngayon harapin niya ang consequences ng panggagago niya.
Pero nung nagsimula nang makapukaw ng atensyon ang kaguluhan, inawat niya narin ang kaibigan.
Nagpadala nalang si Jae sa panghihila ni Red, nakuntento narin naman ito sa pananakit. Wala namang ibang ginawa si Raizen tungkol doon at hindi naman na nito pinatulan pa ang dalaga.
Ulrica, on Raizen's side was silent. Ilang minuto pa nito inisip ang nangyayari bago tuluyang maintindihan. She doesn't know any of these shits. Ang alam niya ay wala naman talagang nobya itong si Raizen kaya nagawa nito ang bagay na yun.
"Kaya pala palaging busy.." Mapaklang natawa si Jae, nag uumpisa nang sabihin ang lahat ng hinaing nito.
"Kaya pala laging busy, putangina mo!" Hindi naman talaga palamura si Jae, but the situation makes her wanna cuss a lot. Naiisip niyang iyon ang dapat para sa tarantadong lalaking nasa harapan.
"Jae, calm down—" Hindi na napigilan ni Red, hindi siya kumportable sa nakikita. Habang patagal ng patagal, maiwawala na niya ang sinabi sa sarili na hahayaan niya lang si Jae sa gusto nitong gawin.
Patagal ng patagal mas gusto na ring sugurin ni Red ang lalaki dahil sa ginawa ng kaibigan.
"Hindi, Red! Tanginang 'yan bakit ako kakalma sa ulol na 'to? Ha! Bakit kita igagalang? Bakit ako ang mahihiya?! Ikaw ang mahiya gago ka!"
Gustong gusto nang pigilan ni Red ang sarili kaya ganon nalang ang pasasalamat niya ng dumating si Vivianne, finally, the friend who can really help.
Nilapitan ni Vivianne si Red, na parang inaanalisa ang mga nangyayari.
Pero hindi na halos napansin iyon ni Jae, hindi nito halos maramdaman ang iba pang nangyayari sa paligid.
Her eyes were fixed at her cheater boyfriend. Nanggagalaiti na siya. Kung hindi lang siya matinong babae baka kung ano pa ang magawa niya.
"Jae, tara na.." Alam niyang si Vivianne iyon pero mas pinili itong baliwalain. Bumaling ang dalaga sa babaeng nasa tabi ni Raizen kaya nag simula na namang kumulo ang dugo nito.
"Ulrica? Ulrica ano? Alam mo bang may girlfriend yan bago mo landiin? Baka hindi mo alam? O baka alam mo.."
"..Baka alam mo pero pumatol ka parin. Alam mo tawag don?" Itinatawa nalang nito ang pagkainis. "Malandi."
"Malandi ka! Isa ka pang Raizen ka! Ano makati na ba yang ano mo dyan at naghahanap kana rin ng kakamot?"
Napabungkaras ng tawa ang kaibigan sa likod. Ganoon rin ang iilan pang nakikiusyoso. Maya maya pa, may dumating ng isang lalaki para patigilin ang komusyon. Kilala niya iyon, madalas niya naring nakikita kung saan.
"Miss?" Pinili ng lalaki ang pakalmahin si Jae, pero sa estado nito ngayon parang malabo na iyon.
"Ako na ang hihingi ng pasensya sa ginawa ng kaibigan ko—"
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024