NAHIHIRAPAN din si Jae lalo pa't hindi iyon ang naging huli nilang pagkikita ni Khlar. Simula pa lang pala iyon dahil kinabukasan ay hindi na ito natigil.
Naroon si Khlar twing nanaisin niyang magpunta sa foodcourt, andoon si Khlar sa gate at madalas na nag aabang sa pag uwi niya. Andoon si Khlar sa madalas na lugar niya twing nag aabang ng masasakyan pauwi.
At hindi rin naging madali para sakanya na paulit ulit tanggihan at paalisin ang binata.
Mahal niya si Khlar. Alam niyang matagal na iyong naroon pero nito niya lang nagawang aminin sa sarili.
Mahal niya ang binata kaya ganon na lang rin ang hirap na nararamdaman niya twing pinipilit niya itong lumayo. Hindi niya iyon ginusto, pero tiyak na kailangan niyang gawin.
Isa pa, para kay Khlar din naman ang mga iyon.
"—congrats, Jae!"
Nagpalinga linga siya, sa mismong harapan ng mga nakangiti niyang kaklase.
"H-Huh?"
Sa mga nagdaang araw, hindi na nito mahagilap ang sarili.
"Jae! Ikaw yung highest sa exam! Congrats." Napatango tango pa siya kahit hindi halos pumapasok sa sistema ang sinasabi ng kaklase.
"Salamat," palagi ang sagot at sinasabayan niya pa ng ngiti. Natatawa siya sa sarili, noon kasing kinulong ito ng ama ay wala itong ibang ginawa kundi magbasa ng iilang modules sa klase—cover to cover pa.
Kung hindi pa pala siya makukulong ay hindi niya pa magagawa ang mga 'yun. Pasimple siyang natawa sa sarili. Ginagawang pasayahin ito para kahit ganon ay makalimutan ang mga problema pang naiisip.
Simula ng magkagulo, hindi pa nito nakakausap si Mama Lara ng matino. Gaano man nito gustuhin ay hindi na niya halos alam kung paano lalo pa't pinangungunahan siya ng kaba.
"Jae, please. Help yourself, hindi pupwedeng maging ganyan ka lang araw araw." Pagkukumbinsi ni Red dito, hapon at inuubos ang oras sa Gracianas.
"Totoo, Jae. Naiintindihan namin kung malulungkot ka pero ikaw at ikaw lang rin ang makakaahon sa sarili mo. Andito lang kami parati, pero dapat andyan din palagi ang sarili mo sayo."
Naririnig nito ang mga kaibigan pero hindi siya sigurado kung pumapasok iyon sa sistema niya.
Isa lang ang nasa isip nito: Khlar Romero.
"PERO bud, napag usapan na natin to ng mga kaibigan niya diba? Hindi kaya mapahamak naman niyan si Jae sa pinaplano mo?" Agad na umiling si Khlar sa sinabi ni Axl. Ginugol niya ang buong gabi para makapag isip at maayos ang pinaplano, hindi na siya pwedeng magback out ngayon.
Saka kung hindi talaga magagawan ng paraan, ipinangako na niya sa sariling huli na iyon.
Huli na.
"I love Jae, Ax. Kung titigil ako ngayon at hindi ito gagawin, hindi ba parang naging mababaw lang ang pagmamahal na 'yun?" Sa pagkakataong iyon, si Axl naman ang napailing.
Kilala niya si Khlar, alam niyang wala nang makapipigil sa kaibigan.
"Aalis kayo?" Hindi naman makapaniwalang tumawa si Neil, hindi na mawari kung ano ang nangyayari sa kaibigan. "Bud! Nag aaral si Jae! Marami rin yung gustong tuparin para sa sarili niya. Magiging selfish ka kung uunahin mo pa 'yan."
Nag iinit na ang ulo niya, hindi siya nakakuha ng maayos na tulog para pag isipan ang lahat ng ito pagkatapos ay makakakuha pa siya ng ganyang komento galing sa kaibigan?
"Neil, I am trying to save her!—"
"No, you are trying to make her suffer more!"
Naipikit niya ang mata sa narinig. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari. Paanong dadagdag si Neil sa mga naiisip niya?
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024