"CONGRATULATIONS, Nurse Jae. California ka na after two months."She did it. Napirmahan na niya ang kontrata. There's no turning back now.
"Yey! OMG. I'll come visit, pagkatapos ay mamasyal tayo!" Ramdam na ramdam niya ang pagiging excited ng kaibigan para sakanya.
Katunayan, naging mabilis ang pagproseso nv mga iyon — inabot lang ng dalawang buwan.
Oo, dalawang buwan na pero hindi pa rin nagagawang magsabi ni Jae sa kasintahan.
Wala itong kaalam-alam, iyon ang nasa isip ni Jae. Hindi inaakalang alam na ni Khlar iyon simula pa lang.
Madalas din kasing wala si Khlar, pilit na pinaghahandaan ang gagawing plano para kay Jae.
Ang alam naman ng dalaga ay trabaho kaya hindi na rin niya ito pinagdudahan. Normal na rin kasi kay Khlar ang pagiging busy dahil sa kaliwa't kanang inaasikaso. Ang negosyong naiwan ng ama at ang kontrata nito ngayon.
Parehas may itinatago ang dalawa sa isa't isa.
"Buti na lang talaga pumayag si Khlar, no? Talked to him last two months ago. He's indeed supportive! Suwerte ka—" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng kaibigan.
"Red, alam niya?" Hindi pa nakakasagot ang kasama ay halos hindi na niya maghawanv makahinga. Tahip tahip ang magkabog ng dibdib at ng mga rumaragasang 'paano'.
Paano nito nalaman? Paanong hindi niya alam na may alam na ang boyfriend? Paanong hindi man lang in-open up sakanya 'yun ni Khlar? At marami pang iba.
"Oh my gosh. You didn't tell him?" Maging si Red ay kinabahan na rin. Wala siyang kaalam alam na siya pala ang magiging rason ng posibleng matinding pag-aaway ng dalawa.
"Hindi..." Sabay pa itong nagmura. "Pero kung sinabi mo, bakit hindi niya ako tinanong? Dalawang buwan pero hindi man lang niya inalam kung totoo 'yun? Imposible!"
Inihilamos ni Red ang mga palad sa mukha, dismayado na rin sa nalaman. "I seriously talked to him! That night, mismo. Pero ang sabi niya, syempre naman daw. Ikaw daw 'yun, eh."
Bullshit.
"Anong gagawin ko, Red? Kung matagal na niyang alam siguro ay sobrang nanggagalaiti na 'yun dahil dapawang buwan na hindi ko pa rin sinasabi!" Sabay na ang dalawa sa pagpapanic. Nag-iisip ng posibleng ngang gawin.
"Wait up. Bakit hindi mo kasi sinabi? Hindi ka nagpaalam? Of course, he'll feel bad! Boyfriend mo siya tapos ganon?"
Buntong hininga na lang ang naisagot ni Jae sa sunod sunod ka tanong ni Red. Hindi na alam ang iisipin.
Kinukwestyon din ang sarili kung ano ang nagtulak sakanyang paglihiman pa ang kasintahan.
I'll talk to him. Sasabihin ko ang lahat.
Noon niya pa dapat ginawa pero ngayon lang siya nagkalakas ng loob. Sana hindi pa huli.
Magsasalita na sana ang dalaga noong biglang nagvibrate ang cellphone at sumulpot ang isang text message.
From: Unknown number
Hi, Jae. This is Axl. Khlar told me that he'll expect you to come sa The Bay at 4:00 pm. Thank you."Axl?" Napatanga siya. Papaanong si Axl ang nag text sakanya gayong pupwede namang si Khlar?
"Huh? Alin?" Nginitian pagkatapos ay umiling lang ito kay Jae. Ano naman kaya ang gagawin nila sa The Bay?
Ang lugar kasi na iyon ay halos naging paborito na nila, over-looking kasi mula roon ang Manila Bay pero wala namang ibang magagawa doon kundi kumain at matulog.
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024