(Nangyari bago umuwi si Khlar sa bahay nito sa last chapter.)
"NEIL! Kumusta, bud?" Natatawang tiningnan niya ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Kakatapos lang ng trabaho at pauwi na sana nang makasalubong niya ito. "I.. I am just proud of you."
Nagtawanan ang magkaibigan, kapagkuwan ay nagyakapan. Ilang buwan din kasi bago sila tuluyang magkita. Nag-apply kasi sa Maynila ang kaibigan at mukhang natanggap ito kaya bumalik para iparating ang balita.
"So, ano? Red Lights tayo, libre ko! Tatawagan ko si Axl," sabi pa nito bago kunin ang telepono.
Tuloy tuloy iyon, kaya wala nang nagawa ang binata kahit gaano pa nito gustuhing umuwi — excited makita si Jae.
Ilang minuto pa, patungo na ito sa lugar na sinasabi. Hindi mahinto hinto sa pagdadaldalan.
Kaya tumodo lang iyon lalo noong nakisali na si Axl na nauna pa roon, hindi natapos tapos ang kumustahan at asaran.
Maganda ang araw na iyon para kay Khlar. Masaya dahil parang nagkaroon sila ng mini reunion ng mga kaibigan.
Dumaan ng ilang minuto ay doon niya pa lang naalalang magsabi kay Jae. Nakalimutan na rin dahil sa daldal ng mga kasama.
"Uy, Khlar!"
Pabalik sa sasakyan noong nakasalubong nito si Red. Isa lang ang ibig sabihin noon, inaantay na siya ni Jae sa bahay nila. Kailangan niya na talagang masabihan ang girlfriend.
"Red, kumusta?" Dahil kay Jae ay nagjng malapit na rin ito sa mga kaibigan niya, kaya hindi na siya gaanong naiilang pa sa kaharap.
"I'm fine. Anyways, buti pinayagan mo si Jae na mag-abroad. Mahirap na sacrifice 'yun ah. Pero ituloy mo lang, suportahan mo lang ang kaibigan ko." Hindi mawari ni Khlar kung paano niya pa nagawang ngitian ang babaeng kaharap.
Kung papaano niya pa nagawang magsalita kahit abot abot na ang pagsikip ng dibdib nito sa nalaman. "Ah, syempre naman. Si Jae 'yun, eh."
Iyon na lang ang huling sinabi niya sa babae bago ito magpaalam at pumasok.
Hindi na maalala kung bakit pa siya lumabas ay agad siyang bumalik sa loob kasabay nang pagragasa ng kung ano anong kaisipan tungkol sa dalaga.
Nagsinungaling sakanya si Jae. Paano ito nagawa ng babae?
Nqgdesisyon itong mag-isa, ano maaari ang ibig nitong sabihin doon?
Bakit hindi man lang siya kinonsulta ng kasintahan tungkol sa bagay na 'yun?
Gusto nitong mag-abroad kahit ang ibig sabihin noon ay maiiwan siya Pinas?
"Sakit, bro!" Si Neil na ang naunang magsalita pagkatapos nitong ikwento sa mga kaibigan ang nalaman.
"Sandali," singit ni Axl. "Baka naman may ibang rason pa si Jae kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yun.
Naisip na niya ang lahat ng posibleng rason. "Alam ko may rason ang girlfriend ko, Ax. Pero ang akin lang, bakit kailangang itago pa sa akin?"
Naguguluhan siya, iyon ang tamang salita na makakapagpaliwanag sa nararamdaman nito ngayon.
Naguguluhan siya liban pa sa pagsakit ng kung ano sa loob nito. Bakit nagtatago sakanya si Jae?
Tatakas ba ito? Mag-aabroad at walang balak ipaalam sakanya?
Madrama siyang napapikit, pinag-iisipan ng mabuti ang lahat. Inaanalisa.
"Posibleng may rason si Jae kung bakit pinili nitong hindi sabihin," panimula nito sa mga kaibigan.
Pokus naman ang dalawa sa pakikinig. Nag-aabang sa mga susunod pa nitong sasabihin.
"Kaya gagawa tayo ng paraan para mapilit natin magsabi siya."
Nakukuha na nitong pagtagpi-tagpiin ang lahat, makukuha nito ang gustong malaman mula sa dalaga pero hindi siya nangangakong hindi masasaktan ang sarili.
"I'll propose. Maghahanda tayo, aalamin natin kung kailan ang alis niya para makakuha tayo ng araw kung kailan natin—"
"Magpopropose ka?!" Napalatak si Neil, hindi na naman nagugustuhan ang naiisip ng kaibigan. "Iniisip mo ba ang sinasabi mo, K? Noon, itatanan mo siya. Ngayon, magpopropose ka? Kung kailan mag-aabroad sj Jae?"
Maaaring napapraning na talaga siya. Pero kasama na doon ang kagustuhang mapakasalan si Jae.
Dismayado niyang ginulo ang buhok, nagsisimula nang kwestyunin ang naunang naisip na plano.
"Pupwede rin 'yun, Neil. Pwede niyang gawin 'yun para papiliin si Jae—"
"Bud, hindi ko papapiliin si Jae.." Kontra niya sa sinabing iyon ni Axl.
"Eh ano lang? Yayayain mo siyang magpakasal para pigilan mong umalis si Jae. O-oo 'yun sa'yo, malamang!"
Kung mayroon mang higit na nakakakilala sa girlfriend ko, ako 'yun.
Nagkibit-balikat na lang siya sa pahayag ni Neil. "Gusto ko lang."
Mabuti ay pagkatapos noon ay natahimik na rin ang mga kaibigan, kapagkuwan ay nailipat ang pinag-uusapan sa ibang bagay.
Hindi naman na nakisali doon si Khlar, naglalakbay ang utak nito sa naiisip na plano at ang pag-iisa isa sa mga rason kung bakit kailangang itago sakanya iyong ng kasintahan.
He needs to take the risk.
Malay niya naman na totoong mapigilan niya ang dalaga sa pag-alis.
Ang totoo, ayaw niya talaga. Tawagin na siyang selfish o kung ano man. Hindi nito kayang wala ngayon si Jae sa tabi niya.
Oo, nagawa niya na noon pero nahirapan siya ng sobra.
Kaya hindi nito maiwasang mag-isip ng kung ano ano.
Gusto niyang nasa tabi niya lang si Jae, hindi ba pupwede 'yon?
Nang mataas ang iilang beer na inorder ay minabuti na rin nilang magsiuwi dahil sa trabaho kinabukasan.
Pagkauwi ay si Jae agad ang sumalubong sakanya, kanina pa nag-aantay.
Kung normal na mga araw ay paniguradong magagalit ito dahil hindi nagawang magtext man lang ng binata pero makakapagtakang hindi nito nagalit.
.
"Baby, kumusta? Pagod?"Hindi na iyon nagawa pang sagutin ni Khlar. Basta na lang nitong hinawakan ang mga kamay ni Jae at hinalikan ng marahan.
Marami siyang mga tanong, pero mas pipiliin niyang mag-antay.
Marami siyang hindi naiintindihan pero mas pipiliin nito ang suportahan ang dalaga.
Kahit hindi nito kayang mapalayo rito, tatanggapin niya.
Pero sinisigurado niyang gagawa pa rin siya ng paraan.
Magbabakasaling siya ang magagawang piliin ng dalaga.
"I love you," pahayag niya. Ilang beses pangkinokontrol ang pag-ikot ng paligid dahil sa kalasingan.
"I..I love you too."
Hindi man kita papapiliin pero sana ako ang piliin mo, Jae.
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Roman pour AdolescentsWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024