BU 2

23 4 0
                                    

"HUWAG mong sabihing kinakabahan ka." Okay, edi hindi ko sasabihin. Iyan ang nasa isip ni Khlar sa sinabi ni Neil. Hindi nito inasahan na may interes din pala si Jae sa mga gantong laro.

Inaayos nito ang sarili dahil ilang minuto nalang ay sasalang na sila pero hindi parin mapakali si Khlar. Kahit ilang beses pa nitong isipin na maaaring hindi naman siya matandaan ni Jae ay hindi parin mawala ang kaba nito.

"Ngayon ka lang ata kakabahan sa laro." Napailing nalang si Neil, kasama nito si Khlar para magpakita ng suporta sa kaibigan dahil kasali ito sa Football team ng Bicol University at lalaban ngayon bilang pambato sa college nila, ang Institute of Architecture.

"Goodluck, 'tol!" Sabay silang napalingon sa bagong dating na si Axl. "Oh, anong problema?"

Agad nitong napansin ang mukha ni Khlar, nakakapanibago. Alam niyang hindi kinakabahan ang lalaki sa kahit anong laro nito kaya imposible namang kinakabahan ito ngayon.

Napansin ni Neil ang pag aalala sa mukha ni Axl kaya ito na ang nagsalita, "Nanonood si Jae."

Halos mag echo ang baritonong tawa ni Axl sa nalaman, hindi siya makapaniwala. Dahil sa babae ay parang gusto pang umatras ng kaibigan sa laro.

"Tumigil ka nga kakatawa!" Kunot ang noong umalis si Khlar sa lugar at nagpunta sa iilang players na ginugugol ang natitirang oras para mag ensayo.

Bahala na. Malakas naman ang loob nitong hindi papalpak dahil hindi naman ito ang unang beses na sumali ito rito.

Napabuntong hininga nalang si Khlar nang muling matanaw si Jae na nakaupo at pokus na nanonood kahit hindi pa naman nagsisimula ang laro. Hindi mawala sa isip niya ang suot nitong pulang kimono sleeves at ang cocktail hat pa. Nakaupo ito kaya hindi na niya nakikita pa ang pang ibaba pero nagdadasal itong sana ay nakapantalon ang dalaga.

Wala ng ibang nagawa si Khlar kundi itigil ang pag iisip nung agad ding nagsimula ang laro.

Sa kabilang banda, hindi halos makapaniwala ang dalawa niyang kaibigan sa pinapakitang kilos ni Khlar sa loob ng BU grounds. Ngayon lang nangyaring may mga tira itong pumapalya!

"Sobrang distracted niya sa babae." Matamang sabi ni Neil sa katabi. Hindi na iyon patanong dahil alam ng dalawa kung gaano ito kasigurado.

Sabay na napabuntong hininga ang dalawa at sabay pang napailing bago magtawanan. May posibilidad na matalo ang IA kung hindi maibabalik ni Khlar ang sarili sa laro, para bang naglalakbay ang isip nito sa isang lugar kasama ang Jae na iyon.

"I have a plan." Agad na napabaling si Neil kay Axl dahil sa sinabi nito. Tinaas nito ang kilay na nagtatanong kung ano pero ngiti lang ang isinukli ni Axl dito.

Khlar, you should thank me later.

NATATAWANG napairap si Jae sa kawalan habang hinahabol ang sariling hininga dahil sa inaasar nitong tinakbuhan si Red. Ang totoo, nagsimula nang kumalam ang tyan niya dahil nalimutan nito ang magtanghalian. Agad niyang hinanap ang Gracianas at mag isang kumain muna. Saka nalang siya bibili ng para sa mga kaibigan kapag katapos nito.

Nang makakain, agad itong pumila para bumili rin ng para mga kaibigan. Halata sa lugar na iyon ang pag iisa niya kaya agad itong nagsisi na hindi isinama si Red at iniwan ang love birds na naroroon.

Akmang sasabihin na nito ang bibilhin ng may kumuha sa atensyon nito, "Miss."

Malawak ang ngiting bumaling ito sa binata, pasasaan pa't baka nga magkatotoo pa ang sinabi nito kay Red na maghahanap siya ng lalaki. Natawa ito sa sarili.

"Ano 'yun?" Agad na napakunot ang noo niya ng makita ang pag iiba ng ekspresyon ng lalaking kaharap. Mula kanina na medyo kalmado ay napuno ng pag alala ang mukha nito.

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon