BU 11

10 0 0
                                    

"MASARAP ba, K?" Ilang beses na siyang gustong bumungkaras ng tawa, sobrang hirap na para sakanya ang magmukhang inosente sa harap ni Khlar pero nagawa niya parin.

"Pinaghirapan ko 'yan. Buti andito si Khlea at Kheiza para tulungan ako." Ginawa pa nitong excited ang pagkakasabi niya, isang rason para mas lalo pang makonsensya si Khlar kung iluluwa niya ang kinain.

"Ano, masarap ba?"

Mahal niya naman ang babaeng ito, kaya di bale na. "Ang s-sarap, Jae!" That's it! Ginawa na nito ang best niya para makapagsalita.

Isang subo ng cake na sinasabi ni Jae ay parang hinahalukay na ang tyan niya. Cake iyon hindi ba? Paborito niya ang cake pero bakit ganon ang lasa?

Ampalaya?

Nang hindi na nakayanan at tumakbo na si Khlar papunta sa cr ay doon palang bumungkaras ng tawa ang tatlo. Si Kheiza ay halos magswimming na sa sahig, si Khlea na man ay naghahabol na ng hininga pagkatapos si Jae naman ay halos wala ng tunog na lumalabas sa tawa.

Iyon na siguro ang pinakamatagal na pagtawang nagawa ni Jae sa buong buhay niya.

"You planned that?!"

Nagsibalikan sa pagkakatayo ang tatlo ng biglang lumabas si Khlar sa banyo at dumerecho sa kusina.

Natahimik na si Jae, natapos na ang pagtawa at ngayo'y nagulat sa biglaang pagsigaw ni Khlar.

Galit ba ito? Kung oo ay iyon ang unang beses na makikita niyang galit ang binata.

"Jae? Really? Khlea? Kheiza? Alam niyo kung ano yung nangyayari sakin everytime kumakain ako ng Ampalaya pero really? You tolerated her? Para ano, para pagtawanan ang Kuya niyo?"

Doon lang narealize ni Jae ang ginawa, paano ba siya umabot sa ganto? Namumutla pa si Khlar, basang basa rin ng pawis ang suot nitong tshirt. Overall, mukhang kakasagot lang talaga sa tawag ng kalikasan.

"What did I do, Jae? Wala naman ata akong ginawang masama sayo para planuhin pa ang lahat ng 'to."

Halata sa mukha ni Khlar ang disappointment nito para kay Jae. Hindi siya makapaniwala, kagabi lang ay ayos naman sila. Sigurado namang hindi sila nag away dalaga kinaumagahan dahil hindi naman sila nagkausap. Kaya anong nangyari?

Ayaw na ayaw niya sa pagkaing iyon. Bukod kasi sa nasusuka siya at ang walang katapusang pagbabawas ay naaalala niya pa ang ama.

It was his father's favorite food.

At dahil nga sa kagustuhan nitong gayahin ang ama noon ay madalas na kumakain din siya ng Ampalaya pero sa banyo lang palagi ang deretso.

Kailangan niyang magpalipas ng galit kung saan, ayaw niyang mapagbuntungan si Jae pag nagkataon.

"PASENSYA na po, hindi po talaga namin alam." Simula noong galit na umalis si Khlar, abot abot na ang pagsisisi ni Jae sa nagawa. Totoong gusto niya itong gantihan, pero sumobra naman siya. Dapat ay hindi niya nalang naisip ang mga iyon.

Totoong wala namang nagawa si Khlar sakanya, nakakahiya dahil nakuha pa ni Khlar na icomfort siya kagabi pero ganon pa ang isinukli niya.

Nang magtanghalian ay umuwi na rin ang mama ni Khlar at nakapagsabi na rin sila ng nangyari. Maging ang mga kapatid nito ay nakokonsensya rin sa ginawa sa kuya.

"Bakit naman kasi hindi niyo sinabi kay Ate Jae niyo na ganon ang nangyayari sa Kuya niyo kapag kumakain siya ng Ampalaya?" Iniisip ni Jae na magagalit ang babae sa ginawa nito sa anak pero hindi. Nanatili lang itong kalmado at nakangiti pa.

"Pero natatawa talaga ako sa ginawa ninyo." Nang nagsimulang tumawa ang mama ni Khlar ay hindi na nagawa pang sumabay ng tatlo. Natrauma nang tumawa. "Naisip niyo pa talaga ganunin si Khlar!"

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon