BU 21

11 0 0
                                    

ARAW ng pagtatapos at walang mapaglagyan ang kasiyahan ni Jae. Natapos na nilang magkakaibigan ang kolehiyo, lahat pa sila ay nakakuhan ng award.

Titig na titig si Jae ngayon sa nagsasalita sa harap. Si Khlar iyon na nagbibigay ng motivational speech para sa mga magtatapos. Habang tinatanaw, hind mapigilan ni Jae ang humanga. Hindi niya mapigilan ang pagiging proud. Niligawan ako niyan, bulong niya pa.

"—may mga magsasabing madali lang ang kolehiyo, pagkatapos ay ikinukumpara ang iba't ibang course program sa isa't isa. Pero kung ano man doon, mahirap man o madali. I am very sure I learned it the hard way."

"Dumating ang puntong kailangan kong madaliin ang pag-aaral. Ilang beses ko na nga hiniling na sana paggising ko kinabukasan, graduate na ako. O kaya architect na ako. Pero life? It is not about wishing for the thing ls to come true. It's about making things come true. Walang masama ang humiling, sabi ko nga sainyo nagawa ko rin iyon. Pero ang iasa mo sa hiling ang lahat?" Umiling ito.

Pokus na pokus si Jae sa pakikinig, animo ay gustong kabisaduhin amg lahat ng sinasabi ng lalaki. Ganon pala sa pakiramdam iyon. Ganoon pala sa pakiramdam na ityong hinahangaan at tinitingala mo ay kayang kaya ka ring mahalin pabalik.

Mahal siya ni Khlar, sigurado siya roon.

Umaasa siya roon.

"..sino ba naman talaga ang mag-aakala? Noon, nasa isip ko lang makapagspeech noong graduation din namin pero hindi ko nakuha. Doon pa lang tumigil na ako sa pag-asa, pagkatapos ay ngayon. Dito, sa harap ninyo. Ito pala ang para sa'kin." Nang bahagyang natawa si Khlar, halos magkorteng puso naman ang mata ni Jae.

Muntik na rin siyang matawa sa sarili, parang nagkabaliktad silang dalawa ni Khlar. Siya naman ata iyong may mas malakas na tama lalo pa at may ideya na siya sa pinaggagagawa ni Khlar para sakanya.

Sa kagustuhang kumita ng malaking pera ay pumasok ito sa negosyong naiwan ng ama. Iniisip pa lang ay alam ni Jae kung gaano kahirap iyon, ang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho lalo pa dahil graduating din ang binata.

Ginawa niya iyong lahat sakin, I am the luckiest.

Nang matapos ang talumpati ay nagsimula agad ang pagbibigay ng diploma kaya mas lalo pang ibinigay ni Jae ang atensyon sa entablado. Kilala niya kasi ang iilang nandoon galing sa iba't ibang block at colleges.

"Best friend ko 'yan!" Ang unang sigaw niyang iyon ay para kay Red na agad na napangiwi sa inasta ng dalaga sakanya. Iniisip nitong hindi talaga nahihiya itong si Jae pero nagustuhan niya rin naman dahil narealize nito kung gaano siya ipinagmamalaki ng kaibigan.

"Ang galing! Bestfriend ko ulit!" Natatawa at pumapalakpak pa siya sa sumunod ma pagsigaw, paano ba naman kasi ay lumabas na naman ang pagiging iyakin ni Vivianne na kanina pa nito nakikita ang pag-iyak. Ngayon tuloy na pagtapak sa stage ay namumula na ang mga mata.

Sobrang naenjoy ni Jae ang programa. Hindi siya na-bored katulad ng nararamdaman ng mga kaibigang nasa kani-kanilang mga upuan. Paano ba naman siya mabobored eh madalas na pinagtatawanan niya ang mga kakilang naroroon.

Kaya naman noong siya na ang kukuha ng diploma ay wala na itong kakaba kaba, nasobrahan na kasi sa pagtawa kaya hindi na nagawang seryosohin ang sitwasyon.

Pagkatapos ng programa ay agad niyang tinungo ang mga kaibigan, hinahanap niya saka si Khlar pero wala rin naman siyang nakita kaya aggad na niya iyong binalewala.

"Viv! God, I'm so proud of you!" Napasigaw pa si Red ng makita si Vivianne, dapat lang naman talaga iyon dahil sa sobrang pagmamalaking nararamdaman nila para sa kaibigan

"See? See! QBQ ka lang noon." Nakisingit na siya sa usapan, inaalala ang mga nangyari noong first year pa lang sila sa University. Masyado ngang mabilis ang araw kung susumahin dahil ngayon, andito na sila. Magkakasama pa rin.

Nangingiti siya dahil hindi pa rin nakatakas sa paningin nito ang pangingilid ng mga luha ni Vivianne. Hindi pa talaga siya tapos sa pag-iyak? Napailing na lang siya.

"Naalala ko pa, halos mawalan tayo ng pag-asa noong nakita pa lang natin 'yung pila." Bumungkaras si Jae na sinundan din naman agad ng dalawa.

"Ay ako!" Dahil natigil sa pagtawa ay agad nilang binalingan si Red dahil sa panimula. "Naalala ko pq noong nag eskandalo 'to sa CENG!"

Sa pagkakataong iyon, si Vivianne at si Red na lang ang natawa. Siya naman ay mabilis na tinapunan ng masamang tingin ang dalawa.

"Pero atleast, nahanap na ang bebe boy." Hindi halos makapaniwala si Jae na nagawa pang gatungan ni Vivianne ang naunang kaibigan.

Mayamaya ay umirap na ito, "Gabi na. Pahinga na kayo, bukas yari kayo sakin." Tumalikod na si Jae, tinungo ang kanina pa nag aantay sakanyang mga magulang.

Pabalik ay hindi niya pa maitigil ang pagngiti. Marami talaga siyang napagdaanang tatlo. Masaya ito dahil kahit madalas ang babangayan nila lalo na ni Red at nanatili pa rin silang magkakaibigan. Ganaon naman talaga dapat. Kailangang isipin sa isang argumento kung ano ba ang mas mahalaga, ang manalo sa sagutan o ang kaibigan?

Maraming ipinaranas ang Bicol University sakanya— maghabol ng professor, makakuha ng sandamakmak na dos, mapagalitan, huwag matulog dahil sa papalapit na examination. Ma-zero sa mga quizzes, mablanko ang papel at hindi makapagsalita sa recitation. Marami.

Pero malaki pa rin ang papasalamat niyang naranasan nito iyong lahat.

"Kanina ka pa hinahanap ni Khlar, sumama ka na doon. Ihahatid ka rin nun sa bahay, doon na tayo magkita."

Agad na bumagsak ang balikat niya sa madaling bilin ng ina bago umalis doon kasama ang ama. Hindi pa siya binabati man lang ng mga ito.

Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung nagustuhan man lang ba iyon ng mga magulang. Kung naging masaya man lang ba ang mga ito sa nakuha niyang parangal.

Wala sa mood niyang sinunod ang sinabi ng ina, nagpunta ito sa labas at sumalubong doon ang sasakyan ni Khlar.

Mainit ang ulo, basta basta niya na lang binuksan ang pinto noon.

"K—"

"Congrats, Jae." Nanlalaki ang gma matang nilingon niya ang lalaking halos matabunan na ng hawak nitong bulaklak. Literal na malaki iyon at sandamakmak din na lobo ang nasa loob ng malaki nitong sasakyan.

"Wow, thank you." Minabuti niyang umayos ng upo, mahihigpit ang mga hawak sa bouquet na halos yakapin na niya. Kapagkuwan ay inilibot ang tingin sa mga lobong nandoon.

"This is too much, thank you." Nakangiti lang si Khlar noong nagawa itong yakapin ni Jae. Gulat man ay hindi na mawaglit ang mga ngiti nito sa labi.

"You deserve it, congratulations." Tumango tango na lang siya, gustong pigilan ang nagbabadyang mga luha dahil ayaw mahawa sa kaibigang si Vivianne.

Nang ibinaling nito ang tingin sa labas ng binata, agad namang pinaandar ni Khlar ang sasakyan.

"Saan tayo?" Sabay silang napangiti, paniguradong isa lang ang naaalala. Iyong mga sitwasyong magsabay sila nang pagpasok at pag-uwi sa University.

"Doon sainyo, iyon ang bilin ni papa."

Agad na bumaling siya sa binata at mahinang tinampal, iyong hindi magagawang maapektuhan ang pagmamaneho nito.

"Papa mo, hindi pa nga ako tapos."

Sabay silang bumungkaras ng tawa, pagkatapos ay napailing si Jae.

Nagsisimula ng maging maganda ang buhay niya, sana tuloy tuloy na. Pumikit ito at marahang inusal ang maiksing na panalangin.

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon