BU 18

8 0 0
                                    

"MAGBIBIHIS muna po ako," mabilis ang naging kilos ni Jae. Hindi nito makontrol ang panginginig.

Agad agad siyang nagpalit ng damit at umupo sa gilid ng kamang nandoon. Iniisip ang lahat ng nangyayari.

Paulit uit na ginigising ang sarili dahil naiisip na baka isa lang iyong masamang panaginip.

Hindi maalis sa isip niya kung gaano kalaki ang ngisi ng ama nito habang kausap ang lalaking bisita. Kung paano nangyari iyon ay hindi niya rin alam at wala itong ibang masabi tungkol don.

Ilang minuto lang siyang naroroon, matamang nakaupo at nakatulala. Pinipilit niyang ipasok sa sariling hindi si Khlar ang nakita nito — imposible.

Pero totoo iyon! Nakita na niya, hindi rin siya pwedeng magkamali. Ang lalaking iyon mismo ang nakita niya. Hindi lang ito makapaniwalang makikita niyang muli ito lalo pa at sa bahay pa nila.

"Jae! Bumaba ka na riyan!"

Bagsak ang mga balikat nang nagawa nitong bumaba para makumpirmang si Khlar nga ang nakikita! Ilang beses pa siyang nagpakurap kurap bago iukupa ang upuang nasa harap ng lalaki.

"Nako! Oo naman, Architect Romero. Maayos naman itong si Jae, katunayan nga'y gagraduate din 'yan ng cumlaude ngayong taon."

Hindi siya makapaniwala! Hindi niya lubusang maisip ang biglaang pagbago ng ihip ng hangin sa ama nito.

Huli na nang maisip ni Jae kung bakit — ang pera ng Architect na iyon.

Mabait lang naman ang ama niya sa mga mapeperang tao kaya kumpirmado na.

"—plano ko naman talaga 'yun, ipapaayos ko 'tong bahay namin."

Walang gana makinig si Jae, hindi nito maatim kahit pilitin man lang na pakinggan ang sinasabi ng katabing ama kaya minabuti nitong ituon ang atensyon sa pagkain.

At pagtitig sa lalaking matagal nang nanahan sa mga panaginip nito.

Walang pinagbago, miss na miss niya pa rin ang lalaki.

Walang ring pinagbago sa mabilis na pagkakarera ng kung ano sa loob niya noong biglang bumaling si Khlar kay Jae at ngumiti.

Sapat na iyon para sakanya — marahil ay sobra sobra pa nga.

Sobra sobra pa ang makatanggap ng pagngiti mula sa taong tinitingnan niya lang sa mga tarpaulin na nakalagay sa gilid ng building sa Bicol University.

Tinatanaw niya lang ang lalaki at nasanay na rin siya sa tatlong taong ganoon kaya naman sa ginawang pagngiti sakanya ng binata ay halos kapusin pa siya ng hininga.

Naalala tuloy niyang parang simpleng bagay lang na ipinadulas nito sa dila niya ang pagsasabi kay Khlar noon ng hindi niya ito mahal kahit kabaligtaran naman ang ibig sabihin nito para sakanya.

Marahas ang mga sumunod niyang pag-iling noong nagawa na nitong ibaling ang paningin sa ibang direksyon.

"Dinner ba kamo, Architect? Wala 'yang problema, dadalo kami."

Doon ay halos mabuwal siya sa kinauupuan. Dinner? Magpupunta kami?

"I see, that's great po. I'll see you then."

Tahimik lang si Jae kahit hindi na makontrol ang panggagalaiti sa ama. Paanong nagawa nitong magdesisyon ng hindi man lang siya magawang tanungin?

Hindi niya alam ang mararamdaman! Dumaan man ang tatlong taon ay hindi pa rin niya makalimutan ang kahihiyang nadulot niya sa pamilya ni Khlar. Nahihiya rin ito sa lalaki dahil sa mga nasabi nito noon.

Gusto na niyang magdabog at magwala, o hindi naman kaya'y sumigaw nang pagkalakas lakas pero alam niyang wala ring magagawa ang mga iyon lalo na noong tumayo na si Khlar para magpaalam.

"Jae, pakihatid na sa labas si Architect."

Napatanga siya roon, "Ako?"

Matalim ang mga mata siyang binalingan ng ama, "Inuutusan kita, diba?" At wala akong magagawa, alam ko.

Ilang beses niyang kinukbinsi ang sarili niyang maayos na tumayo at ihatid si Khlar sa may gate pero hindi rin magkamayaw ang mga tuhod sa panginginig.

"Tara," sabi ni Jae na agad ding nauna sa paglalakad patungo roon. Kapagkuwan ay binukas nito ang gate, nakayuko lang habang inaantay ang paglabas ng kasama.

"Jae, I miss you."

Sinabi nito sa sariling hindi na niyang muli ibabali kang tingin nito kay Khlar pero iilang salita ay nabali iyon. Inobserbahan muna niya ang lalaki, humahanap ng posibleng butas para masabing nagbibiro lang ito pero hindi siya nagtagumpay.

Seryoso siya, namimiss niya rin ako!

Gusto nitong sumagot, sabihing miss na miss niya rin ito pero mas pinili niyang manahimik at bumalik sa pagkakayuko.

"Matagal kong inantay ang pagkakataong 'to kaya sana, may babalikan pa ako."

Daig pa nito ang nagpunta sa karera ng mga kabayo dahil sa lakas ng pagkabog ng dibdib niya. Hindi ganoon kalinaw para sakanya ang mga sinabing iyon ni Khlar dahil nawalan na siya ng oras para bigyang atensyon iyon.

Buong minutong nandoon ang binata ay wala itong ibang ginawa kundi pakalmahin ang puso nito.

"Ah," Ang totoo, sa kabilang banda, Khlar's having a hard time. Mahirap din para sakanya ang bigla na lang bumalik sa buhay ng dalaga at gulatin ito pero alam niyang hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng oras dahil baka wala na siyang maabutan.

Iilang buwan na lang bago grumaduate ang dalaga kaya paniguradong hindi nito papalagpasin ang pagkakataon para ligawan mismo ang ama nito. Alam niyang iyon ang magiging susi niya kay Jae.

Pinaghirapan niya muna bago makarating sa araw na ito, kaya kahit nagugustuhan ang pagtrato sakanya ni Jae ay iintindihin niya pa rin ang mga iyon.

Siguro ay nabigla, o hindi naman kaya nahihiya. Iyon ang mahihinang pagkukumbinsi niya sa sarili dahil hindi nq rin magtatagal ang paghawak nito sa natitirang katiting na pag-asa.

"Mauuna na ako," malulungkot ang mga matang umalis sa kinatatayuan si Khlar para sumakay sa sasakyan nito at hindi iyon nakatakas sa paningin ni Jae.

Bumuhos tuloy ang panghihinayang nang tuluyang makaalis ang lalaki. Paano na lang kung hindi na ito bumalik dahil sa pagtrato nito rito kanina?

Ngayon naman ay gusto niya na itong kausap. Gusto nitong linawin ang sakanila, gusto nitong tanungin ang binata kung bakit ito bumalik. Kung bakit kinailangan pa nitong tunguin siya sa bahay.

Malalalim ang hiningang ibinagsak ni Jae ang sarili sa kama. Pagkaalis ng binata ay doon lang pumasok ang sandamakmak na tanong at bagay na una pa lang ay ginusto na niyang malinaw.

Mayroon na siyang tsansa kanina pero dahil sa putris na pangangatog ng tuhod niya ay nakalimutan na niya ang magtanong. Wari'y nakalimutan na nito ang pagsasalita.

Nagtagal ang atensyon nito sa pagtitig sa kisame, ipipikit ang mga mata pagkatapos ay ididilat. Pilit na isinisikwal ang kung anong bumabagabag pa sa isipan niya.

Hindi pa naman siguro iyon ang huling pagkikita ng dalawa, marami pa naman siguro siyang oras para magtanong.

Sa susunod ay hindi na niya muling papalagpasin pa, sigurado siya.

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon