BU 3

24 4 0
                                    

"DIRK, pare." Pagkatapos maipakilala ni Jae si Khlar sa mga kaibigan nito na mukhang nagulat dahil sa kinilos ni Jae, agad na tumayo si Dirk at sinikap makipagkamay sakanya habang halatang mainit parin ang ulo ng kaibigang kanina pa sinisigaw sigawan si Jae, si Red.

"Anong pare? Kuya mo yan, Dirk!" Agad na nalukot ang mukha ni Khlar sa sinabing iyon ni Jae. Gusto nitong ngumiti dahil hindi nito isahan na may ganong ugali ang dalaga pero hindi niya paring maiwasang mainis kapag ang agwat ng edad nila ang pinag uusapan.

Dahil din sa sinabi, napabaling din sakanya ang kaibigan niyang may pagkamahinhin sa isip ni Khlar, ipinakilala ito sakanya biglang si Vivianne.

"Jae naman." Dahil nagsimula nang mainis, mas lalo lang natawa si Jae. Sa isip nito, mas nakakatuwang asarin si Khlar lalo pa't madali itong mapikon.

"Ano ba yan, napakaingay eh!" Natahimik silang lahat sa biglaang pagsigaw si Red, siya siguro ang pinakamahirap sabayan sa mga magkakaibigan. Khlar thought.

Sa buong kwentuhang iyon kasama ang mga kaibigan ni Jae, ni hindi man lang nito nakausap ang dalaga. Pero hindi maisip ni Khlar kung paanong nakuntento na siya roon.

Kung paanong masaya na siya kahit nakikita lang ang dalagang tumatawa.

You got it bad, bro. Naririnig pa nito ang boses ni Axl sa likod ng isip. At dahil doon, naalala tuloy niya ang mga kaibigan. Asan na kaya ang mga 'yon?

Hindi parin mawala sa isip nito ang pagbibigay ng tubig ng dalaga sakanya kanina kaya baka may kinalaman doon ang mga kaibigan niya.

Mabilis na tumakbo ang oras at halos mapanis ang laway ni Khlar sa grupong iyon dahil kung hindi ito ngingiti dahil sa kadaldalan ni Jae ay puro tawa naman ang nagagawa nito dahil kay Red.

"Uuwi na nga ako, bahala kayo!" Nang hindi na nakayanan, pabirong nagpaalam na si Red.

"Uy, Red naman." Natatawang pinigilan pa ito ni Jae sa pag alis pero wala iyong nagawa. Matatalim ang mga matang umalis doon si Red at hindi na muling lumingon pa.

"Nagalit ata iyong kaibigan niyo." Ngayong lumakas ang loob ni Khlar para magsalita, doon palang siya binalingan ng babae.

"Ay hala!" Nagpapanic na kinapa ni Jae ang mukha nito kaya hindi nito napigilan ang pagkabigla. "Nagsasalita ka pala?"

Natulala muna siya sa babae bago sumimangot. Jae's a bully, halatang halata iyon pero mas lalo lang niyang ginugusto ang dalaga.

Pinilig nito ang ulo bago bumaling kay Dirk noong nagsalita. "Saan tayo?"

Nang hindi na maisip kung saan susunod na magpupunta, napagdesisyunan na rin nilang umuwi hanggang sa naiwan silang dalawa ni Jae doon.

"Hatid kita."

Dahil nakatalikod na si Jae sa lalaki, nagpakawala na ito ng malawak na ngiti. Ang totoo, hindi nito inaaasahang ganyan ang binata. Halata naman dito na hindi ito ganon kagaling makipag usap sa tao pero sinubukan niya paring makihalubilo sa mga kaibigan niya.

Masaya ito para doon.

"Bilis naman po, kuya Khlar." Nang bumaling siya sa likuran, nakita niya ang ngiti ng lalaki. Pero nang nagsimula itong mang asar ay agad na dumerecho si Khlar sa paglalakad at naiwan siya doon!

"Khlar, joke lang. Uy!" Napailing nalang siya habang pinipigil ang mga tawa para makasunod sa lalaking masungit na 'yon.

HINDI na natigil sa kakatawa si Khlar sa kwento ng mga kaibigan kinabukasan.

"I can't believe you did that!" Naikwento kasi ng mga kaibigan ang ginawang plano para sa kanila ni Jae. Kahapon palang naman ay may ideya na siya pero hindi nito inasahan kung paano naisagawa ang mga iyon.

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon