"NATIVIDAD?"
"Present, Sir!" Masigla na ang bungad ni Jae sa unang araw ng klase. Hindi na naiisip ang mga nangyari nung nakaraan.
Totoo naman iyon, mas kalmado na siya ngayon. Siguro naubos narin ang mga masakit na naiisip niya.
Pagkatapos ng huling text ni Raizen sakanya kinaumagahan ng araw na yun, hindi narin 'yun nasundan na mas kinatuwa naman niya.
Mabuti narin iyon dahil bumabalik lang sa alaala niya ang panggagago nito twing may nakikita siyang konektado sa lalaking iyon.
Unang araw ng klase at unang subject, sobrang excited si Jae. Medyo iba nga lang dahil wala rito ang mga kaibigan but she can surely managed. Iilang oras lang naman pagkataps ay sabay sabay rin silang kakain.
Nasa kalagitnaan siya ng klase ng magvibrate ang cellphone nito, it was from Red.
From Red Valencia
I can't believe it. First day hindi ako pinapasok because of my clothes? Too much for a day. Buti may extra ko sa kotse.
Noong una'y agad itong nag alala para sa kaibigan. Baka magkaroon pa ito ng bad impression sa unang araw dahil lang hindi siya nakapasok sa unang klase. Buti naman nakagawa rin agad ng paraan.
Nag iisip palang ito ng pupwedeng ireply ng magtext ulit ang dalaga.
From Red Valencia
What's wrong with wearing this strapless sweetheart top, really?
Napanganga nalang siya sa sariling upuan. Ilang beses ginustong bumungkaras ng tawa dahil sa pinagagagawa ng kaibigan. Is she even serious? Sino ang mag susuot ng strapless na kung ano lalo pa't unang araw ng klase?
Nireplyan niya nalang iyon ng simpleng 'rules is rules, you need to follow. Let's talk later.' bago ibalik ang atensyon sa professor na nasa harapan.
Time flies faster than the usual when you are happy and motivated, kaya hindi na namalayan ni Jae na kikitain niya na ang kaibigan mula sa sunod sunod na klase.
Nagsimula ang klase nito ng alas otso at natapos ng alas dose, dalawang subject. Matagal iyon para sa dalawa niyang kaibigan pero halos hindi man lang niya naramdamang mainip.
"Hi, Jae." Napalingon ito sa dalawa niyang kaklaseng nasa harapan na niya.
"Oh, hello Sharine and.. Kea!" Natawa ang tatlong magkakaklase dahil muntik pang hindi maalala ni Jae ang pangalan ng isa kahit magkakatabi lang naman ito kanina.
"Lunch?" Her heart feels warm. Kahit pala first day ng klase may gusto na agad na samahan siya. Cute.
"I can't join you today eh, inaantay na kasi ako ng mga kaibigan ko. Next time." Masisiglang tumango lang ang mga kaklase nito bago magpaalam. At siya naman ay dumerecho na sa mga kaibigan.
Bumalik ulit ang alaala niya sa text ni Red kanina ng makita niya itong naka itim na high neck blouse, nakasimangot ito at halatang hindi pa nakakamove on mula sa nangyari.
"Jae! Ano, kumusta?" Si Vivianne ang sumalubong dito at agad na nagbigay ng yakap. Ang isang kaibigan niya naman ay naroon lang sa gilid at nagmumukmok.
May iilan pang mga lalaki ang tumitingin pero tinataasan niya lang ng kilay.
"Okay lang, ansaya Viv. Ikaw?" Hindi na nakasagot si Vivianne sa tanong dahil nagsimula ng pumutok si Red sa gilid.
"I hate it! Ang mahal ng bili ko roon, I already planned my outfit for today! Tapos biglang, tada? I am with this stupid high neck na hindi ko alam kung paano to nakalagay sa sasakyan!"
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024