"AYAN na 'yung inaantay mo, bud!" Nagkanya kanya silang balik sa posisyon. Malalaki ang mga ngiti, lalo na si Khlar.Pagkatapos nang mahahabang taon, andito na rin sila sa parteng ito ng buhay. Parteng hinding hindi nila makakalimutan.
Ang pag 'hindi' ni Jae sa proposal na iyon ang naging wake-up call niya.
Na hindi nito kailangang madaliin ang buhay. Kailangan naranasan mo iyon sa pinakamasalimuot na paraan para marami kang matutunan.
Noong umalis si Jae, mas lalo niyang nakilala ang dalaga. Sa kung paano ito kadedikado sa mga pangarap at gustong gawin.
Nagkamali siya noon. Sa kahit anong paraan ay hindi niya dapat pigilan ang dalaga sa pag-abot sa mga gusto nito.
Tinanggap ni Khlar ang sitwasyon pero hindi pa rin niya tinigilan ang dalaga. Buwan buwan niya itong dinadalaw hanggang sa matapos ang kontrata.
Sa tatlong taon ay nanatili sila sa ganoong sitwasyon. Ang pagtulog niya ay siya namang paggising ng dalaga. Madalas hindi nagkakaabutan pero hindi naging hadlang iyon kay Khlar na mas lalo pang pag-igihin ang pag-aantay kay Jae.
She's always worth it.
Nang matapos ang tatlong taon ay mas pinili na ni Jae ang umuwi. Nagkaroon ito agad ng offer pagpabalik sa Pilipinas, naging advantage na ang pagtatrabaho at mga natutunan sa ibang bansa.
Walang mapaglagyan ang pagmamalaki sa mga mukha ni Khlar habang pinapanood si Jae sa trabaho. Minsan iniisip nito kung deserve niya ba talaga ang dalaga na agad din namang sinasagot ang sarili ng 'oo'.
Mahirap ang laban para sa dalawa.
Pero nandito sila ngayon, ihaharap sa Panginoon ang pagmamahalang ilang beses na sinubok ngunit walang sawa rin nilang nilaban.
"Architect, ang anak ko ha." Nginitian ni Khlar ang ama ni Jae, pagkatapos ay nagpasalamat. Matapos ang mahabang paglakad papunta sa harap ng altar ay nagawa rin nitong mahawakan ang dalaga.
Nang sila na lang dalawa ang naroon at papunta na sa uupuan ay nangingiting binulungan nito ang dalaga. "Ang ganda naman ng asawa ko."
Ngumiti, kapagkuwan ay inirapan siya ni Jae. "Hindi mo pa ako asawa, pwede pa ako tumanggi."
Ang halos pagkawala ng dugo sa mukha ni Khlar ang siyang sunod na tinawanan ni Jae.
Suot ang puting Bishop sleeves Mermaid long gown ay nakuha pa ni Jae na bumungkaras ng tawa. Paano pa naman, takot na takot pa rin ang lalaki hanggang ngayon.
Nang makita ang pari sa harap ay doon lang siya nagsimulang mag seryoso. Doon ay lalo lang tuloy nitong naisip ang lahat ng mga napagdaanan.
Ganon pala iyon, no? Kapag ikakasal ka, maiisip mo lahat ng hirap at sakripisyo niyo para makarating sa araw na ito.
Dahil sa isang bote ng tubig, nakilala niya si Khlar. Mababaw, oo.
Paano ba namang sa dahil doon ay mahahanap niya na pala ang taong makakaahon sakanya sa kumunoy ng lungkot na kahit kailan ay hindi niya inasam.
Bata pa lang, mahilig na siyang mangarap. Gusto nito ng ganoon, gusto nito ng ganyan. Pero sadly, dahil sa sitwasyon niya at mga magulang ay hindi niya na rin iyon nakuha.
Ang malala pa ay parang kabaliktaran pa noon ang nangyari sakanya.
She dreamt of being happy — iyong walang katapusang saya. 'Yung kahit kailan mo gustuhing tumawa ay tatawa ka.
Pero hindi naging madali iyon.
Kailangan niya munang pagdaanan ang lahat ng sakit at lungkot bago siya tuluyang maging masaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/229869059-288-k869167.jpg)
BINABASA MO ANG
Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)
Teen FictionWho will save you, in times, when you can't even save yourself? Who'll pull you out of your own reverie? Bicol U-Series: Book 2 of 6 Posted: July 18, 2020 Updated: July 4, 2024