BU 7

14 1 0
                                    

UMUULAN ng dos sa sariling student center (kung saan matatagpuan ang curriculum, grades para sa first and second sem, evaluation form para sa mga prof, ledger, personal information ng estudyante at marami pang iba).

Hindi niya halos mapaniwalaan ng sarili. Hindi maipagkakailang mataas ang expectation nito sa sariling grade, kapag kasi hindi ay paniguradong siya na naman ang pagbabalingan ng mga magulang.

Paano niya nalang iyon maitatago ngayon? Baka nga ngayon palang ay alam na iyon ng mga magulang dahil hiningi pa mismo ng mga ito ang password niya roon.

Wala siyang takas. Umaga palang ay parang ayaw na niyang umuwi.

"Tres!" Binalingan niya ngayon si Neil at Axl na masayang nagtatalunan pa dahil sa natanggap nitong grades. "Tangina, Ax! Consistency! Tingnan mo, tingnan mo.."

Napapangiti nalang siya sa mga lalaking iyon, labis ang tuwa sa natanggap na grado. "Magkakasunod na tres, ilan yan? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.." Paused. "Anim, bro! Painom ka. Kinuha mo na lahat."

Gusto nitong kwestyunin ang dalawa, lalo na si Neil na binilang pa ang tres sa sariling grades niya. Buti pa ang mga iyon, masasaya.

Hindi naman kasi siya nalulungkot para sa grado, dahil kung ano man ang nakuha alam niyang pinaghirapan niya pa rin iyon. Ginawa niya pa rin ang lahat.

Nalulungkot lang siya dahil hindi na naman iyon makukuhang tanggapin ng mga magulang. Hindi nila matatanggap ang rason na 'pinag igihan ko naman pero pag iigihan ko sa susunod.'

"Ayan lagi ang inaabangan ni Neil tuwing magrerelease ng grade," natawa si Khlar na nasa tabi niya. "Binibilang niya palagi yung tres, o kaya incomplete."

Tawanan pa ng tawanan ang tatlo, labis na masasaya sa mga nakuha. "Bro, bro! 2.5 oh! Panis! First time ko ata!" Napailing nalang si Khlar. Ganyan na talaga ang kaibigan, huwag nalang sanang mahawaan si Axl.

Mataas naman ang nakuha niyang marka, mas pinag iigihan niya rin kasi ang pag aaral para sa mga pangarap, maging ang pamilya nito.

"Jae, are you alright?" Kanina pa hindi mapakali ang dalaga, paminsan minsa'y ngingiti dahil sa mga kaibigan pero mahahalata pa rin ang pagiging balisa.

Nangingiti dahil binalingan na ng dalaga, agad ding nalukot ang mukha noong tinarayan lang siya nito.

Galit pa rin?

"Jae—"

"Khlar!" Sabay sabay na napalingon ang magkakaibigan sa may-ari ng boses na tumatawag, kasama na doon si Jae na kumunot agad ang noo ng makitang ang babaeng iyon ang papalapit—si Mady.

Walang pakealam sa iilan pang kasama ni Khlar, lumapit si Mady para magtanong. "Khlar, pwede ka ba ngayon?"

Ilang salita palang ang lumabas sa bibig ng babaeng iyon, nag uupos na sa galit si Jae. Kulang nalang umusok ang ilong at tainga.

"Mabilis ko kasing makalimutan yung steps 'pag ako lang mag isa, samahan mo naman ako oh." Lintian! Halata naman sa boses na nilalandi ng babaeng iyan si Khlar.

"Ah, Mady kasi—"

"May pupuntahan kami, Mads." Ang kaibigan na nitong si Neil ang sumagot, kaklase rin niya. Lubha rin kasing nag aalala ang mga kaibigan dahil sa estado ni Jae na halatang nagpipigil lang ng galit.

How dare she, Jae thought. Yayayain nito si Khlar ng andito ako?

Natatawang kinakausap na niya ang sarili. Teka, bakit sino ba ako? Of course she has the rights to do that! Wala namang girlfriend si Khlar!

Pulling Me Out of the Reverie (Bicol-U Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon